Lunes, Marso 30, 2009

MGA HUMAHAWAK NG AHAS

Hindi ka makapaglilingkod ng mabisa kay Cristo maliban na lang kung handa kang tanggapin ang mga panganib na kasama nito. Si Jesus ay nagbabala tungkol sa mga panganib na makaharap ang mga ahas.

Maayos kong sinabi ito, ngunit sinabi ng Bibliya na ang masasama ay katulad ng mga nakalalasong ahas, at kailangan tayong marunong humawak ng mga ahas. Palagay ko ay makahulugan na tinawag ng Bibliya si Satanas na “matandang ahas” (Pahayag 12:9). At ipinangako ni Cristo, “Sila’y hindi maaano, dumampot man ng ahas…” (Marcos 16:18).

Sinabi ni Jesus, “Lumabas ka sa mga lansangan at sa mga landas, at pilitin mong pumarito ang mga tao, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23). Ngunit sa Mangangaral tayo ay binigyan ng babala: “…ang sumusuot sa mga pader ay malamang na matuklaw ng ahas” (10:8). Ang mga pader ay puno ng mga ahas, gayunman, bilang mangingisda ng tao, tayo ay sinabihan: “Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung humihingi ng isda?” (Lucas 11:11).

Ang mga mangingisda ng tao ay pinangakuan “…sila’y hindi maaano uminom man ng lason…” (Marcos 16:18). Ito’y tumutukoy sa mga misyonaryo o sa ibang mga mananampalataya na hindi sinasadyang makainom ng lason, ngunit higit pang mayroong nakatago ng malalim sa Kasulatang ito. Katulad na siguradong kung ang Kristiyano ay uminom ng dugo ni Cristo---ang ilog ng buhay, ng kanyang banal na pag-ibig at kagandahan—hindi natin namamalayan na tayo rin ay nakakainom ng lason ng sanlibutang ito kapag tayo ay lumabas para mangaral ng mabuting balita.

Natatanggap din natin ang labis na espiritu ng sanlibutang ito, nakukuha natin ang mga nakamamatay na bagay sa ating espirituwal na pamumuhay, na maliban kung tatanggapin natin ang pangangalaga ng Espiritu Santo hindi ko nakikita kung paanong ang mga manggagawang Kristiyano ay mapupunta kung saan naroon ang mga makasalanan. Hindi mo mapigilang uminom sa ilang mga hindi nababanggit na bagay sa iyong espiritu. Ngunit kung makainom ka ng anumang nakamamatay na bagay habang ikaw ay palapit sa mga ahas sa kapangyarihan ni Cristo, hindi ka maaano ng lason. Kapag sinimulang ipakita ng Panginoon sa akin ang katotohanang ito, uuwi ako at mananalangin, madadama ko ang hininga ng Espiritu Santo na pumupuspos sa kabuuan ng aking katauhan. Ang lason ay kusang maglalaho at ako’y makatatayo ng malinis at dalisay—hindi nasaktan man lamang.