Sa panahon ng kaguluhan, ang mapagtiwalang mga tao ng Diyos ay pagpapalain ng lubos na kapayapaan.
Ipinahayag ni Yahweh, “Bibigyan ko ng kapayapaan ang lahat, maging nasa malayo o nasa malapit. Ang aking bayan nga ay aking pagagalingin” (Isias 57:19). Ang salitang Hebreo para sa “kapayapaan” dito ay “lubos na kapayapaan.”Naniniwala ako na habang tayo ay napaliligiran ng kasaligutgutan at kaguluhan ng isip sa mga darating na mga araw, ang Amerika ay makasasaksi ng dakilang patotoo ng kaluwalhatian at kapangyarihan ng Diyos na hindi pa nito nakikita.
Paano? Ang buong Amerika ay makikita na ang maraming mga tao ng Diyos ay mayroong lubos na kapayapaan niya! Sa panahong iyon ang Panginoon ay magtatatag ng mga tao na pinagkalooban ng kanyang ganap, lubos na kapayapaan—kapayapaan na maging si Cristo ay siyang tinatamasa niya ngayon sa kanang kamay ng Ama. At tayo ay mamumuhay, kikilos at hihinga sa kahanga-hangang kapayapaan na iyon.
Sinabi ng Kasulatan na iingatan ng Diyos ang lahat ng nagtitiwala sa kanya. “Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga taong tapat na tumatalima at nagtitiwala sa iyo” (Isaias 26:3). At sa mga sandaling ito, maraming mga tao ng Diyos ay ginagawa ang pakikipagkasundong ito sa kanya: “Itutuon ko ang aking puso para hanapin ang Diyos sa lahat ng bagay, anuman ang dumating. Ibibigay ko ang aking lahat at lahat ng ako sa kanya. Naniniwala ako na ang kanyang paghuhusga ay darating na – kaya ihahanda ko ang aking sarili para sa kanya bilang nobya niya!”Unang ginawa ng Diyos ang kanyang pangako ng lubos na kapayapaan doon sa mga taga Judea na dumadanas ng malaking pagkastigo ng Panginoon sa kanilang lupain. Ibinabagsak ng Diyos ang lahat ng matataas na kutang-tanggulan at mga pader, lahat ng karangyaan at kayamanan na sinasandalan ng mga tao. “…at magiging alabok” (Isaias 25:12). Maging ang natitirang tapat na nanatiling nagtitiwala sa Diyos ay kinilabutan sa kaibuturan nila. Gayunman sa panahong iyon, sinabi ng Diyos kay Isaias na tiyaking muli sa mga tapat na mananampalataya: “Iingatan kayo ng Panginoon sa kanyang lubos na kapayapaan – kung magtitiwala lamang kayo sa kanya!” Sinabi ng propeta, “Ikaw ang nagbibigay sa amin ng kasaganaan.” (26:12). Sa ibang salita: “Ilalagay ng Diyos sa ating mga puso mismo ang kanyang sariling kapayapaan. Gusto niyang bigyan tayo ng isang kapayapaan na hindi mayayanig.
Kahalintulad ngayon, kapag hinambalos ng kaguluhan ang Amerika – kapag ang nagbabalang balita ay nagsimulang magdala ng kabiglaanan ng takot sa buong bansa, at ang mga kaguluhan ng isip ay lumaganap – ang mga tao ng Diyos ay hindi maiiwasan ang damdamin ng dambuhalang alon ng pagkabalisa ng mga tao. Tama nga iyon – madadama ko ito, madadama ninyo ito; lahat ng Kristiyano ay madadama ito.
Kapag ang ganitong damdamin ay hindi maiiwasan; likas lamang sa mga tao na magkaroon ng ganitong malagim na kaguluhan. Gayunman, kasabay nito, ilalagay ng Diyos sa atin ang mga pangangailangan na kakailanganin para makagawa ng madaliang pagsupil ng bawat nakatatakot na isipin at madala ito sa katotohanan ni Cristo. At ang Espiritu niya ay pupunuan ang ating mismong pagkatao ng kanyang lubos na kapayapaan!