“Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Elias: Umalis ka rito at magtago sa batis ng Carit, sa silangan ng Jordan” (1 Hari 17:2-3).
Habang si Elias ay nakatingin sa parating na kagipitan, ang mga bagay ay nagmukhang wala ng pag-asa para sa kanya. Ngunit ang Diyos ay may tiyak na plano ng pananatiling buhay sa kanyang isipan para sa kanyang tapat na lingkod. Inutusan niya ang propeta, “Pumunta sa silangan ng Jordan at matatagpuan mo ang Carit, isang maliit na batis na umaagos. Makukuha mo ang lahat ng tubig na maiinom na kakailanganin mo mula sa batis na iyon. Dagdag pa, naisaayos ko na ang pagkain na dadalhin sa iyo araw-araw, ng aking tagapagdala na mga uwak!”
Paanong mayroon tao, sa milyong taon, ay makakaisip ng ganitog uri ng pananatiling buhay? Paanong maiisip ni Elias na siya ay papupuntahin sa isang nakatagong batis para makatagpo ng maiinom na tubig, na kung saan ay wala kang makikita kundi puro tuyo kahit saang bahagi ng lupang iyon? Paano niya maiisip na dadalhan siya ng tinapay araw-araw ng mga uwak na siyang kumakain ng kahit anong matikman ng tuka nila?
Sa huli, naging mahirap ang mga oras para kay Elias, sapagkat ang batis ay natuyo na. Ngunit ang Diyos ay muling kumilos, nagbigay sa propeta ng panibagong patutunguhan. Kaya sinabi sa kanya ni Yahweh, “Umalis ka rito. Pumunta ka sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. May inutusan akong isang balo na magpapakain sa iyo roon” (t.9). Muli, itinanong ko—paano maiisip ninuman na mayroong isang balo, sa gitna ng kagipitan, ay makapagpapakain ng isang lalaki ng maraming araw, linggo, at mga buwan? Ngunit ang katunayan ay, ginagamit ng Diyos ang pinakahamak, walang kawawaang mga bagay ng sanlibutang ito para sa kanyang kaluwalhatian. Kaya sinabi niya kay Elias, “Kung pupunta ka sa kanya at gagawin ang sinabi ko, mananatili kang buhay. Makinig ka sa akin—sundin mo ang aking mga ipinag-uutos—at makakaligtas ka!”
Ang katunayan ay nakapananaig: Ang Diyos—ang ating tagapayo, manananggol at dalubhasa sa pananatiling buhay—ay mayroong masusing plano para sa bawat isang mga anak niya, para tulungan tayo na harapin ang pinakamahirap na katayuan sa buhay natin!