Lunes, Agosto 2, 2010

“AMA KO”

Ang Espiritu Santo ay may pamamaraan na gawing simple ang ating relasyon sa Diyos Ama at kay Hesus. Siya ang nagtuturo sa atin na sabihin “Ama Ko.”

Ang pahayag ay tumutukoy sa kaugalian sa Silangan sa panahon ng Bibliya, tungkol sa pag-ampon ng isang bata. Hanggang sa mapirmahan ang papeles ng pag-ampon at tinatakan ng umaampong ama, nakikita ito ng bata bilang ama. Wala siyang karapatang tawagin siyang Akin, ibig sabihin ay “akin.”

Gayunpaman, pagkatapos na mapirmahan ang mga papeles, nairehistro at natatakan, ang nangangalaga sa bata ay ibibigay siya sa umaampong ama—at sa kauna-unahang pagkakataon maaring sabihin ng bata, “Ama ko!” habang niyayakap siya ng ama, ang bata ay umiiyak, “Ama ko! Hindi siya isang ama lamang. Siya ay akin na!”

Ito ang gawain at ministeryo ng Espirirut Santo. Itinuturo niya sa iyo si Kristo. Inihaharap ka niya sa Ama. At patuloy ka niyang pinapaalalahanan, “Tinatakan ko na ang mga papeles. Hindi ka na isang ulila—ikaw ay isa nang legal na anak ng Diyos! Mayroon ka ng mapagmahal, mayaman, makapangyarihang Ama. Yakapin mo siya—tawagin mo siyang ‘Aking Ama.’ Nagparito ako para ipakita sa iyo kung gaano ka niya kamahal! Iniibig ka niya at hinahangad ka niya!”

Ang ating pagtangis ay dapat na isang labis na kagalakan at pasasalamat. Ang Espiritu sa atin ay likas na tumatangis, “Isa ka nang tagapagmana, tagapagmana ng lahat na napagtagumpayan ni Hesus.” At tingnan kung anong uri ang iyong minana, sapagkat ang iyong Ama ay siyang pinakamayaman sa buong sansinukuban! Huwag kang mahiya sa kanya, hindi siya galit sa iyo. Huminto ka na sa pagkilos bilang isang ulila, na puspos ng kahirapan, kulang sa kagalakan at espirituwal na tagumpay. Hindi ka pinabayaan—kaya ikagalak mo siya!

Hindi lamang tayo hindi pinabayaan kundi ang Espiritu Santo ay nandoon kasama natin sa sandali ng kaguluhan at pagdurusa.
Ang misyon ng Espiritu Santo ay aliwin ang nobya ni Kristo sa hindi pagdalo ng nobyo. “Dadalangin ako sa Ama, at kayo ay bibigyan niya ng isang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman” (Juan 14:16). “Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo” (26)

Ang Patnubay ay nangangahulugan na “isang nagbibigay aliw sa sandali ng kirot at pagdadalamhati”—isang nagpapagaan ng kirot at kalungkutan, nagdadala ng ginhawa, lumilibang at nagpapalakas-loob. At gusto ko ang paliwanag na ito mula sa Griyego: “Isang nagpapahiga sa iyo sa maayos na higaan ng kaligtasan.” Sa panahon ng malamig, madilim na gabi ng iyong espiritu, inihihiga ka niya sa malambot na higaan, pinagiginhawa ka ng kanyang malambot na kamay.

Sa pagtawag sa Espirirut Santo ang Patnubay, gumawa si Hesus ng isang di-maaring magkamaling hula. Hinuhulaan niya ang kanyang mga tao ay magdurusa, at mangangailangan ng patnubay—na magkakaroon ng maraming kirot at pagdurusa sa kanyang mga tao sa mga huling araw.

Ang Espiritu Santo at may dalang kaaliwan sa pagpapaalala sa inyo na siya ay namumuhay sa inyo na dala ang lahat ng kapangyarihan ng Diyos na likas sa kanyang katauhan. At iyan ang dahilan kung bakit maari mong sabihin, “Dakila siya na nasa akin na higit pa sa lahat ng pinagsama-samang kapangyarihan sa sanlibutan—higit sa lahat ng kapangyarihan ng diyablo!” Ipinadala ng Diyos ang Espiritu para gamitin ang lahat ng kanyang kapangyarihan para mailayo ka niya sa paghawak ni Satanas—para iaangat ang iyong espiritu, ilayo ang lahat ng lumbay at bahain ang iyong espiritu ng pag-ibig ng Panginoon.

“Nagagalak tayo sa ating mga pagbabata sapagkat alam natin ito’y nagbubunga ng pagtitiyaga…Hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob na sa atin” (Roma 5:3,5).