Lunes, Agosto 30, 2010

PAG-IBIG AT PAGKAPOOT

"Hindi maaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay ng higit sa akin" (Lucas 14:26).

Ang salitang Griyego sa poot ay nangangahulugan ng "para bawasan ang pag-ibig." Tinatawag tayo ni Hesus para magkaroon ng pag-ibig sa kanya na ganap, matapat at lubusan na maging ang ating makamundong damdamin ay hindi makahihigit.

Isipin ang tungkol dito: Alam ba natin ang kung ano ang mapalapit sa kanyang matamis na presensiya at huwag humingi ng kahit ano? Ang abutin siya dahil lamang tayo ay labis na nagpapasalamat sa kanya dahil lubos ang pag-ibig niya sa atin?

Naging madamot tayo at naging makasarili sa ating mga panalangin: "Bigyan mo kami…harapin mo kami…pagpalain mo kami…gamitin mo kami…pangalagaan mo kami." Ang lahat ng ito ay maaring nakasulat, ngunit ang diin ay nasa atin pa rin. Maging ang ating gawain para sa Panginoon ay naging makasarili. Nais nating pagpalain niya ang ating paglilingkod sa kanya, para malaman natin na ang ating pananamapalataya ay tunay. Ang Panginoon ay higit na interesado kung paao tayo lumalago kaysa sa kung ano ang ginagawa natin para sa kanya.

May nagbabasa nito na maaring nasasaktan sapagkat ang pinto ng ministeryo ay nagsara na. Maaring naramdaman niya "ipinag-isang tabi na." Mayroong din namang iniisip na higit na magiging kapaki-pakinabang siya sa Panginoon sa ibang kinakailangang misyon. Ngunit sinasabi ko na hindi tayo magiging kagamit-gamit sa Panginoon kaysa tayo ay nagmiministeryo ng pag-ibig sa kanya sa lihim na silid ng panalanginan. Kapag hinanap natin ang Panginoon, kapag hinanap natin ang kanyang Salita ng walang katapusan para makilala siya, kung ganon tayo ay nasa tugatog ng ating kapakinabangan. Higit na may nagagawa tayo para pagpalain at masiyahan ang Diyos sa pamamagitan ng pagiging sarado sa kanya na may pag-ibig na pakikipag-ugnayan kaysa gumawa ng iba pa. Anumang gawain ang buksan niya para gawin natin, sa bahay man o sa malayo, ay dadaloy ng maaliwalas mula sa pakikipag-isa sa kanya.

Hindi ito para ipahamak ang maalab na gawain na makaakit ng kaluluwa, kundi para ipahayag na ang lahat na pinagpalang Espirituwal na ebanghelismo ay ipinanganak sa pakikipag-isa. Ang saksi na madalas kasama ang Panginoon sa panalangin ay pagkakalooban ng karunungan, tamang pagkakataon ayon sa Espiritu Santo, at ang kapangyarihan na gawin ang kalooban ng Diyos.