Lunes, Agosto 23, 2010

ANG DALISAY NA PUSO AY MAPAGTIWALA

Isinulat ng Mang-aawit, “Sa iyo ang lahi nami’y nagtiwala at umasa, nagtiwala silang lubos, iniligtas mo nga sila. Noong sila ay tumawag, ang panganib ay nawala, lubos silang nagtiwala at di naman napahiya” (Awit 22:4-5).

Ang salitang ugat sa Hebreo ng tiwala ay nagmumungkahi na “ihagis ang sarili sa talampas.” Nangangahulugan iyan ng pagiging katulad ng isang bata na umakyat sa tukod-buong at hindi makababa. Narinig niya na sinabi ng kanyang ama, “Talon!” at siya ay sumunod, inihagis ang kanyang sarili sa mga kamay ng kanyang ama. Ikaw ba’y nasa katulad na kalagayan sa mga sandaling ito? Ikaw ba’y nasa bingit na, nanginginig,at walang pagpipilian kundi ihagis ang sarili sa mga kamay ni Hesus? Ikaw ay sadyang sumuko na sa iyong kalalagayan, ngunit iyan ay hindi pagtitiwala; ito ay isang kawalan ng pag-asa. Ang pagtitiwala ay isang bagay na may malaking pagkakaiba mula sa tahimik na pagsuko. Ito ay isang aktibong paniniwala!

Habang tayo ay lalong sumisidhi ang pagkagutom kay Hesus, matatagpuan natin na ang ating pananalig sa kanya ay ganap na matatag. Sa ilang pagkakataon sa mga buhay natin maaring naisip natin na hindi natin siya talaga mapagtitiwalaan—na wala talaga siyang kontrol sa mas malaking kalalagayan at kinakailangan na tayo na ang bahala sa sarili natin. Ngunit sa paglago ng pagiging malapit sa kanya at higit na makilala siya ay binabago ang lahat ng iyan. Nangangahulugan ito na hindi lamang tayo lalapit sa kanya para humingi ng tulong kapag tayo ay nasa dulo na ng kawalan ng pag-asa; sa halip, magsisimula tayong maglakad ng higit na malapit kasama siya na maririnig natin ang kanyang babala sa mga padating na pagsubok.

Ang mapagtiwalang puso ay palagiang nagsasabi, “Ang lahat ng aking mga hakbang ay ipinag-utos ng Panginoon. Siya ang aking mapagmahal na Ama, at pinapayagan niya ang aking mga paghihirap, mga tukso at mga pagsubok—ngunit lahat ay makakayanan ko, sapagkat siya lamang ang nagbibigay ng daan para matakasan ang mga ito. Mayroon siyang walang-hanggang layunin para sa akin. Bilang niya ang bawat hibla ng aking buhok, at siya ang bumuo sa akin habang ako ay nasa sinapupunan ng aking ina. Alam niya kung kailan ako uupo, tatayo o hihiga sapagkat ako ang malugod sa kanyang paningin. Siya ang Panginoon—hindi lamang sa akin, kundi sa bawat pangyayari at kalalagayan na sasagi sa akin.”

Ang isang dalisay na puso ay isa ring pusong bigo!

Sinabi ng Mang-aawit, “Tumutulong siya sa nagsisiphayo, ang walang pag-asa’y hindi binibigo” (Awit 34:18).

Ang kabiguan ay nangangahulugan ng higit pa sa kalungkutan at pagtangis, higit pa sa wasak na espiritu, higit pa sa pagpapakumbaba. Ang tunay na kabiguan ay nagpapalaya sa puso ang isang dakilang kapangyarihan na maaring ipagtiwala ng Diyos sa sankatauhan—higit pa sa kapangyarihan na makapgbibigay buhay sa patay o makapagpagaling sa may sakit at karamdaman. Kapag tayo ay tunay na bigo sa harapan ng Diyos, binibigyan tayo ng kapangyarihan para maibalik ang pagkawasak, isang kapangyarihan na may dalang isang natatanging kaluwalhatian at karangalan sa ating Panginoon.

Nakita mo, ang kabiguan ay may kinalaman sa mga pader—giba, gumuguhong mga pader. Inihalintulad ni David ang gumuguhong mga pader ng Jerusalem sa kabiguan ng mga tao ng Diyos. “Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat. Iyong kahabagan. O Diyos, ang Sion, yaong Jerusalem ay muling ibangon” (Awit 51:17-18).

Si Nehemiah ay isang taong bigo, at ang kanyang halimbawa ay may kinalaman doon sa mga wasak na mga pader ng Jerusalem (tingnan ang Nehemiah 2:12-15). Sa dilim ng gabi, “pinagmasdan” ni Nehemiah ang pader. Ang salitang Hebreo sa “shabar” ay ginamit dito. Ito ay katulad na salita na ginamit sa Awit 51:17 para sa “bigong puso.” Sa kabuuan ng kahulugan ng Hebreo, ang puso ni Nehemiah ay nabigo sa dalawang bahagi. Una itong nabigo na may hapdi para sa mga pagkawasak, at pangalawa ay may pag-asang muli itong maitatag (nag-uumapaw sa pag-asa).

Ito ay tunay na isang pusong bigo: isa na unang nakikita ang iglesya at mga pamilya na nawawasak at nadarama ang dalamhati ng Panginoon. Ang ganitong puso ay namimighati sa pagsisisi na ipinupukol sa pangalan ng Panginoon. Nakatingin din ito ng malalim sa loob at nakikita, na katulad ni David, ang sarili nitong kahihiyan at kabiguan. Ngunit may pangalawang mahalagang sangkap sa kabiguang ito, at ito ay pag-asa. Ang tunay na bigong puso ay nakarinig mula sa Diyos: “Magpapagaling ako, magpapanumbalik at magtatatag. Iwaksi ang basura, at magbalik sa muling pagtatatag ng mga nawasak!”