Huwebes, Agosto 5, 2010

IWAKSI MO NA ANG IYONG PAGMAMALAKI AT MAPUSPOS KA NG ESPIRITU SANTO!

Sa Luma at Bagong Tipan, ang Espiritu Santo ay bumaba sa mga tao sa hindi pangkaraniwang pamamaraan! Niyanig niya ang mga gusali. Ang mga dila ng mga tao ay nagsimulang purihin siya—sa mga bagong wika. May buong kapangyarihang kinontrol ng Espiritu Santo ang lahat!

Sa Pentekostes dumating siya na may kasamang napagkalakas, na rumaragasang hangin! Nagbagsakan ang mga apoy! Nang bumaba ang Espiritu Santo, ang mga bagay ay niyanig (tingnan ang Gawa 2:4 at 4:11).

Kaya't sinabi ni Juan sa kanila, "binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit ang darating na kasunod ko ang magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Siya'y makapangyarihan kaysa sa akin, at ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang panyapak" (Lucas 3:16).

Mga minamahal. Niliwanag na mabuti ng Bibliya: kapag dumating si Hesus sa inyo, hangad niya na mabautismuhan kayo sa Espiritu Santo at sa apoy! Dala ng Espiritu Santo ang apoy—mainit at mapula, makagaping pag-ibig kay Hesus. Bakit maraming mananamplataya ay minsang mainit at pagkatapos ay nanlalamig, hindi lubusang sumuko, hindi ganap na nabili? Dahil ba sa tumatanggi silang mabautismuhan ni Hesus sa Espiritu Santo?

"Pagdating niya ay kanyang patutunayan sa mga tao sa sanlibutan…at ipakikilala niya kung ano ang matuwid at kung ano ang kahatulan" (Juan 16:8). Ito kaya ay dahil sa ang mga mamanampalataya ay hindi nahikayat sapagkat ang Espiritu Santo ay hindi naanyayahan na kunin ang tamang kalagayan niya sa kanila? Siya ang linya ng pang-unawa ng Diyos. Anumang bagay na wala sa sukatan ni Kristo, ay kanyang ipinahahayag—at tayo ay kanyang hinatulan at binigyan ng kapangyarihan upang bumagay sa kanyang Salita! Tunay na siya ay naging Taga-aliw natin sa bagay na ito, sapagkat sa kanyang paghatol sa kasalanan, bigyan niya tayo ng kapangyarihan na iwaksi ito. Iyan ang tunay na kaaliwan!

Hindi hahayan ng Espiritu Santo na gumawa ka ng anumang kahangalan. Ngunit maari siyang dumating sa iyo sa paraang ang mga makasalanan ay maaring isipin na ikaw ay lasing! Hindi siya katanggap-tanggap sa maraming iglesya sapagkat siya ay iniisip na masyadong maingay, masyadong magulo, at hindi maunawaan!