Biyernes, Agosto 13, 2010

HIGIT NA MAHALAGA KAYSA SA GINTO

Ang kuwento ni Reyna Ester ay isang matinding paglalabanan, isa sa pinakamalaking pakikipaglabang espirituwal sa kabuuan ng Kasulatan. Ang diyablo ay nagsusumikap na wasakin ang layunin ng Diyos sa sanlibutan, sa pagkakataong ito ay sa pamamagitan ng diyablong si Haman. Ang mayaman, maimpluwensiyang taong ito ay hinikayat ang hari ng Persia na magdeklara ng utos ng panawagan ng kamatayan sa bawat Hudyo na nasa ilalim ng kanyang pamamahala, mula sa India hanggang sa Etiopia.

Ang kaunahang Hudyo sa paningin ni Haman ay ang matuwid na si Mordecai, tiyuhin ni Ester. Si Haman ay may bibitayang sadyang ginawa para kay Mordecai, ngunit namagitan si Ester, nanawagan sa mga tao ng Diyos na manalangin at inialay ang buhay upang mabawi ang utos ni Haman. Ibinunyag ng Diyos ang masamang balakin at nauwi si Haman na nabigti sa sariling bibitayan. Hindi lamang binaliktad ng hari ang utos na kamatayan, kundi ibinigay pa niya ang tahanan ni Haman kay Ester, isang pag-aari na nagkakahalaga ng milyun-milyon kung ikukumpara sa panahon ngayon.

Gayunman, hindi lamang ang mansiyon ni Hamas ang nakuha sa salaysay na ito. Sinabi ng Kasulatan sa atin na, “Ito’y malaking karangalan ng mga Judio. Masayang-masaya sila” (Ester 8:16). Ito ang mga tunay na mga pinagdambungan na nakamit sa pakikipaglaban sa mga kaaway.

Nakita mo, na ang ating mga pagsubok ay nagbibigay hindi lamang lakas na espirituwal, pinanatili nito tayong matatag,d alisay, at nasa ilalim ng patuloy na pagtataguyod. Habang inilalagay natin ang ating pagtitiwala sa Panginoon, ginagawa niyang magbunga ito sa atin ng pananalig na higit na mahalaga kaysa ginto. “Ang ginto, na nasisira, ay pinararaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayon din naman ang inyong pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa pagsubok upang malaman kung talagang tapat. Sa gayon, kayo’y papupurihan, dadakilain, at pararangalan sa araw na mahayag si Hesu-Kristo.

“Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito’y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay” (Colosas 2:15).

Dinambong ni Hesus ang diyablo sa Kalbaryo, hinubaran siya ng lahat ng kapangyarihan at pamamahala. Nang bumangon si Kristo mula sa libingan, pinangunahan niya ang hindi mabilang na hukbo ng mga tinubos na mga bihag mula sa pagkakahawak ni Satanas. At ang prusisyong ito na binili ng dugo ay patuloy na nagmamartsa hanggang ngayon.

Kamangha-mangha, ang tagumpay ni Kristo sa Kalbaryo ay nagbigay sa atin ng higit pa sa tagumpay laban sa kamatayan. Nakamit nito para sa atin ang di-kapani-paniwalang pinagdambungan sa buhay na ito: grasya, kahabagan, kapayapaan, kapatawaran, katatagan, pananampalataya, lahat ng kinakailangan para mamuhay na tagumpay. Itinakda niya ang lahat para sa pagtataguyod ng kanyang templo” “Subalit si Kristo ay tapat bilang Anak na namumuno sa sambahayan ng Diyos. At tayo ang kanyang sambahayan, kung matibay ang ating pag-asa at hindi natin ito ikinahihiya” (Hebreo 3:6).

Ipinakikita ng Espiritu Santo ang isang kahanga-hangang katotohanan dito: ipinagkaloob ni Hesus ang lahat na ating kakailanganin, sa kanyang Espiritu Santo. Ngunit tayo ay may pananagutan sa pagkuha mula sa ingat-yaman para sa pagtataguyod ng kanyang templo. At ang kakailanganin para sa pagtataguyod ng templo ay nanggaling ng tuwiran mula sa pinagdambungan ng ating pakikipaglaban.

Ipinagkaloob lahat ni Kristo ang lahat ng kakailanganin para sa pagtataguyod nito na maganap. Inampon niya tayo sa kanyang sambahayan. Tumayo siya bilang haligi ng sambahayan at nilinis niya ang kabuuan ng sambahayan. Sa huli, ibinigay niya ang daanan sa Pinakabanal ng mga Banal. Kaya, sa pamamagitan ng pananampalataya, tayo ngayon ay ganap nang matatag, ganap na templo. Hindi nagtatag si Hesus ng bahay na kalahati lamang ang pagkakatapos. Ang kanyang templo ay buo.

Ang templong ito ay kailangang maitaguyod ng patuloy. Kailangan itong palagiang maayos na kinumpuni. Katunayan, alam natin kung saan matatagpuan ang kakailanganin: sa Espiritu ni Kristo mismo. Siya ang taga-ingat yaman ng pinagdambungan. Ipinagkakaloob ang mga kinakailangan kapag nakita natin ang ating mga pangangailangan at kapag tayo ay nakikipagtulungan sa Diyos.

Ang pakikipagtulungang iyan ay nagsisimula kapag tayo ay nasa kalagitnaan ng ating pakikipaglaban. Ang ating mga kinakailangan ay ang ating mapagtagumpayan na kawangisan ni Kristo habang lumulutang sa pakikipaglaban. Iyan ang mga aral, ang pananampalataya, ang katauhang ating nakamit mula sa pakikipaglaban sa kaaway. Mayroong kahalagahan sa pakikipaglaban. At maari tayong maging tiwala na may mabuti na ibubunga ito.