Biyernes, Agosto 6, 2010

INIIBIG KA NG DIYOS!

Iniibig ka ng Ama—ito ang sandali na ang maraming mananampalataya ay binigo ang Diyos. Pumapayag silang mahatulan ng kasalanan at kabiguan, ng pauli-ulit. Ngunit hindi nila hahayaan ang Espiriru Santo na bahain sila ng pag-ibig ng Ama.

Ang mga legalista ay nasisiyhan na mamuhay sa ilalim ng kahatulan. Hindi niya kailanman naunawaan ang pag-ibig ng Diyos o hayaan ang Espiritu Santo na magministeryo sa kanyang espiritu.

Kami sa Iglesysa ng ‘Times Square’ ay itinuro na ang makatuwirang tao, ang tunay na umiibig kay Hesus, ay naghahangad na mapangaralan. Natutunan niyang tanggapin na hayaan ang Espiritu Santo na ilantad ang lahat ng nakatagong pinaglalagyan ng kasalanan at kawalan ng paniniwala—sapagkat kapag higit pa na humarap sa kasalanan, mas maligaya at malaya ang kanyang kalalabasan.

Gayunman, ang saloobin na nakikita ko sa maraming Kristiyano ay: “Patuloy mo akong husgahan, Panginoon—hatulan mo ako, pagsabihan mo ako!” Hindi ito katulad ng tunay na kahatulan. Halimbawa, nakikita ko ito sa maraming kasagutan sa mensahe ng aking pahayagang paliham. Kapag ako ay sumulat na may kumukulog na paghuhusga, nakatatanggap ako ng nakagagaping mga magagandang kasagutan.

Kapag ibinahagi ko ang tungkol sa kalambingan at pag-ibig ni Hesus, nakatatanggap ako ng mga liham na nagsasabi na, “Hindi mo na ipinangangaral ang katotohanan!” Para bang ganito ang sinasabi ng mga taong ito, “Kapag hindi mo na pinangangaralan, kung ganoon ang sinasabi mo ay hindi na ang Mabuting Balita.”Ang mga ganitong mananampalataya ay hindi pumasok sa dakilang misyon-pag-ibig ng Espiritu Santo.

Ito ang kalalagayan na kung saan ay kailangan mong matutunan na lumakad sa Espiritu—at hindi sa pamamagitan ng nararamdaman! Ang maglakad sa Espiritu ay nangangahulugan na hinahayaan natin ang Espiritu Santo na gawin kung ano ang dahilan kung bakit siya isinugo at iyan ay nangangahulugan na hayaan siyang bahain ang iyong puso ngayon ding sandaling ito ng pag-ibig ng Diyos! “Sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob na sa atin” (Roma 5:5).

Sinabi ni Isaias, “Aaliwin kita sa Jerusalem, tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak” (Isaias 66:13). Si Isaias ay sumusulat sa mga tao ng Diyos na mapagmatigas “Nagalit ako sa kanila dahil sa kanilang kasalana’t kasakiman, kaya sila’y aking itinakwil. Ngunit matigas ang ulo nila’t patuloy na sumuway sa akin” (57:17).

Sabihin mo sa akin—Gaano katagal mananatili ang isang guro sa isang matigas ang ulo, di-masupil na mag-aaral na ayaw tumanggap ng payo? Hindi ganoon katagalan! Ngunit ang propetang si Isaias ay nakuha ang isa sa pinakamataas na imahe na posible makuha sa mga kalalakihan—iyan ay ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak—at ipinakita sa atin ang isang bagay ng pag-ibig na iyan na mayroon ang Ama para sa atin.

Isang ina sa aming iglesya ay umubos ng isang araw para dalawin ang kanyang anak sa isang bilangguan. Sumakay siya sa bus at naglakbay ng maraming oras, para lamang makita ang anak niya kahit sandali. Ang inang ito ay nakamasid sa kanyang anak na suot ang mapanglaw na uniporme at nakikita niya ang paghihirap sa kanyang mga mata—at sa bawat pagpunta ay unti-unti siyang namamatay sa kanyang kalooban. Ngunit hindi siya sumusuko para sa kanya. Anak pa rin niya siya!

Ito ang uri ng pag-ibig na nais ng Espiritu Santo na malaman mo na mayroon ang Diyos para sa iyo! Inaaliw niya tayo sa pamamagitan ng pagsasabi sa atin, “Minsan mong sinabi na ibinigay mo ang lahat kay Hesus. Ibinigay mo ang iyong pag-ibig, at patuloy ka pa rin niyang iniibig. At ngayon, hindi kita iiwanan. Ipinadala niya ako para sa isang gawain—at patuloy na gagampanan ito!”

Walang tunay na kaaliwan para kaninuman sa sanlibutang ito maliban sa kaaliwang nanggagaling sa Espiritu Santo. Iyan ang dahilan kung bakit kailangan mo ang Espiritu Santo na manirahan sa iyo. Siya lamang ang makapagpapahiga sa iyo sa gabi, sa isang malambot na higaan, at punuan ang iyong puso ng tunay na kapayapaan. Siya lamang ang makapagbibigay aliw sa iyo sa sandali ng kirot at kalungkutan. Siya ang magbibgay sa iyo ng kasiguruhan, “Ang kaaliwan ay hindi pansamantala lamang—ito ay walang-hanggan!”