Martes, Agosto 10, 2010

ANG MATAAS NA KAHULUGAN NG PAGLALAKAD SA ESPIRITU

Sa 1 Samuel 9 nakita natin na si Saulo ay ipinadala ng kanyang ama para maghanap ng mga nawawalang buriko. May kasamang katulong, naghanap si Saulo sa malawak na lupain. Sa huli, nawalan siya ng pag-asa at handa nang sumuko sa paghahanap. At sinabi ng kanyang katulong ang tungkol kay Samuel, isang manghuhula; maari sigurong masabi niya kung saan makakakita ng mga buriko.

Si Samuel, dito, ay isang uri ng Espiritu Santo, na alam ang isipan ng Diyos; marami siyang alam sa isipan niya nang higit pa sa mga patutunguhan. Alam niya na si Saulo ay pinili ng Diyos para gampanan ang isang bahagi ng walang hanggang layunin ng langit!

Ang unang ginawa ni Samuel nang dumating si Saulo ay magdaos ng isang pagdiriwang (tingnan ang 1 Samuel 9:19). Ito mismo ang hangad ng Espiritu Santo para sa atin: na maupo sa mesa ng Panginoon at magministeryo sa kanya—na magkaroon ng mahalagang pagkakataon, na madinig ang nilalaman ng puso niya.

Hiniling ni Samuel kay Saulo na alisin ang isipin niya para makipag-isa silang magkasama (1 Samuel 9:20-25). Sinasabi ni Samuel, “Huwag mong ituon sa paghahanap ng patutunguhan—iyan ay naisaayos na. Mayroong mas mahalaga sa pagkakataong ito. Kailangan mong alamin ang puso ng Diyos—ang kanyang walang hanggang layunin!”

Pagkatapos ng gabi ng pakikipag-isa, hiniling ni Samuel kay Saulo na palabasin niya ang katulong sa silid, para magkaroon sila ng taimtim, harapan pagkakataon sa isat-isa (tingnan Samuel 9:27; 10:1).

Nakita mo ba kung ano ang sinasabi ng Diyos dito? “Kung nais mo talagang maglakad sa Espiritu—kung nais mo talaga ang aking pagpapala—kailangang maghanap ka sa kanya ng higit pa kaysa sa patutunguhan. Kailangan lumapit ka sa aking presensiya at alamin ang nilalaman ng aking puso, ang aking mga hinahangad! Nakita mo, hangad kong pagpalain ka—na magamit ka sa aking kaharian!”

Mga minamahal, kalimutan ang patutunguhan—kalimutan ang lahat para sa ngayon! Hayaan mong ituro sa iyo ng Espiritu Santo ang malalim na mga bagay na nakatago ng Diyos. Manatiling nakatayo sa kanyang presensiya, at hayaan mong ipakita niya ang tunay na nilalaman ng puso ng Panginoon. Iyan ang pinakamataas na uri ng paglalakad sa Espiritu!

Ang magbigay ng panahon sa presensiya ng Panginoon ay nagbubunga ng isang pagpapakita ni Kristo sa sanlibutan.

“Dahil sa habag ng Diyos, hinirang niya ako para sa gawaing ito kaya naman malakas ang aking loob. Tinalikdan ko na ang mga gawang kahiya-hiya at ginagawa nang palihim. Hindi ako nanlilinlang at hindi ko pinipilipit ang Salita ng Diyos” (2 Corinto 4:1-2). Si apostol Pablo ay nagpahayag na tayo ay tinawag para maipakita ang katotohanan. Tunay nga, alam natin na si Hesus ang katotohanan. Kaya, ano ang ibig sabihin ni Pablo sa pagsasabing kailangan nating ipakilala si Hesus?

Si Pablo ay nagsasabi dito ng isang nakikitang pagpapapahayag. Ang pagpapakita ay isang “nagliliwanag sa labas” na ipinapakita ang isang bagay na maliwanag at nauunawaan. Sa madaling sabi, tayo ay tinawag para ipakilala si Hesus at maunawaan ng lahat ng tao. Sa bawat buhay natin, kailangan na mayroong nagliliwanag sa labas ng tunay na kalikasan at kahalintulad ni Kristo.

Dinala ni Pablo ang usapin ng pagpapakilala kay Kristo ng mas higit pa. Sinasabi niya, tayo mismo ang sulat ng Diyos sa sanlibutan: “Kayo na rin ang aming rekomendasyon, nakatitik sa aming puso upang makilala at mabasa ng lahat. Kayo ang maliwanag na sulat ni Kristo, ang sulat na ipinadala sa pamamagitan namin. Ito’y nasusulat hindi ng tinta kundi ng Espiritu ng Diyos na buhay, hindi sa mga tapyas na bato kundi sa puso ng tao” (2 Corinto 3:2-3).

Gaano kaeksakto na tayo ay naging sulat ng Diyos sa sanlibutan? Nangyayari lamang ito sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Sa mga sandaling ito tayo ay ligtas, itinatak ng Espiritu Santo sa atin ang mismong imahe ni Hesus. At patuloy niyang hinuhugisan ang imaheng ito sa atin sa lahat ng sandali. Ang misyon ng Espiritu ay maisahugis sa atin ang isang imahe ni Kristo na tunay na makatotohanan at wasto, na makakatarak sa mga konsiyensiya ninuman.