Isang lumang awitin ng Mabuting Balita ay may malalim na kahulugan para sa akin. Sinasabi nito, "Si Hesus ay may inilatag na mesa/Kung saan ang mga banal ng Diyos ay pinakain/Niyakag niya ang kanyang mga piniling mga tao, lumapit kayo at kumain."
Isang makapagpasiglang pag-asa: Ang Panginoon ay naglatag ng mesa sa kalangitan para sa kanyang mga tagasunod! Sinabi ni Hesus sa kanyang mga disipulo, "Kung paanong pinaglalaanan ako ng Ama ng kaharian, gayon din naman, pinaglalaanan ko kayo ng dako sa aking kaharian. Kayo'y kakain at iinom na kasalo ko, at luluklok sa mga trono upang mamahala sa labindalawang angkan ng Israel" (Lucas 22:29-30). Ang magutom para sa kanya ay nangangahulugan ng, sa pananalig, tayo rin ay nakaupo sa kanyang mesa.
Nang ang apostol Pablo ay nag-utos, "Kaya't ipagdiwang natin ang Paskuwa" (1 Corinto 5:8), ibig niyang ipakahulugan na unawain natin ng maliwanag na tayo ay may itinakdang luklukan sa kalangitan kasama si Kristo sa kanyang makaharing mesa. Sinasabi ni Pablo, "Palagiang magpakita. Huwag sabihin kailanman na ang iyong luklukan ay walang-laman."
Ang malungkot na katotohanan ay ang iglesya ni HesuKristo ay hindi nauunawaan kung ano ang ipagdiwang ang paskuwa. Hindi natin nauunawaan ang kadakilaan at karangalan na ipinagkaloob sa atin sa pagtataas sa atin ni Kristo na maupo kasama siya sa kalangitan. Lubha tayong abala para maupo sa kanyang mesa. Mali nating kinuha ang ating espirituwal na kaligayahan mula sa paglilingkod sa halip na pakikipag-isa. Higit na gumagawa tayo para sa Panginoon na unti-unti nating hindi nakikilala. Tumatakbo tayong sira-sira na ibinibigay ang ating mga katawan at isipan sa kanyang gawain, ngunit madalang na ipagdiwang ang paskuwa.
Ang isang bagay na hinahanap ng ating Panginoon ng higit sa lahat mula sa kanyang mga lingkod, mga ministro at mga pastol ay ang pakikipag-isa sa mesa. Ang mesang ito ay isang lugar ng espirituwal na pagpapalagayang loob, at ito ay ikinakalat araw-araw. Ang ipagdiwang ang paskuwa ay nangangahulugan na lumalapit ng patuloy sa kanya para sa pagkain, kalakasan, karunungan at pagsasamahan.
Mula pa noong sa Krus, ang lahat ng higanteng espirituwal ay may isang bagay na magkakatulad: Pinagpipitaganan nila ang mesa ng Panginoon. Nawala sila sa kalakihan ni Kristo. Namatay silang nagdadalamhati na kaunti lamang ang nalalaman tungkol sa kanya at sa kanyang buhay.
Ang larawan ni Kristo sa atin ngayon ay lubhang maliit, masyadong limitado. Ang mabuting Balita ng "kalakhan" ay kailagan para mapagtagumapayan ang masalimuot at lumalagong suliranin ng makasalanang panahong ito. Nakita mo, hindi lamang inaayos ng Diyos ang mga suliranin ng salibutang ito—nilulunok niya ito sa kalakhan nito! Ang sinuman na may lumalagong pahayag ng kalakhan ni Kristo ay hindi dapat matakot sa anumang suliranin, walang diyablo, walang kapangyarihan sa sanlibutang ito. Alam niya na higit na malaki si Kristo sa lahat ng ito. Kung mayroon tayong uri ng ganitong pahayag na kung gaano siya kalaki, kung paano walang katapusan, di-masukat, walang hangganan at napakalaki, ay hindi na tayo kailanman magagapi ng mga suliranin ng buhay.
Si Pablo ay isang halimbawa sa atin. Siya ay tiwala na magkaroon ng patuloy na paglagong pahayag ni Kristo. Sa katunayan, ang lahat ng mayroon siya kay Kristo ay nanggaling sa pahayag: itunuro ito sa kanya sa mesa ng Panginoon at pinatunayan sa kanya ng Espiritu Santo. Tandaan, tatlong taon pagkatapos ng kanyang pagbabagong-loob bago nagbigay ng panahon si Pablo sa mga apostoles sa Jerusalem, at tumigil siyang kasama nila sa loob lamang ng labinlimang araw bago niya ipinagpatuloy ang kanyang misyonaryong paglalakbay. Sinabi niya pagkatapos, "Ipinahayag sa akin ng Diyos ang kanyang lihim na panukala, tulad ng nabanggit ko na sa dakong una" (Efeso 3:3). Alam ng Espiritu Santo ang malalim at nakatagong lihim ng Diyos, at si Pablo ay patuloy na nananalangin para sa handog ng grasya na makaunawa at mangaral "masagana at di-malirip na pagpapalang nagbubuhat kay Kristo" (Efeso 3:8).
Ang Panginoon ay naghahanap ng mga mananampalataya na hindi nasisiyahan sa paghihiwalay ng mga magkakasalungat na tinig para hanapin ang tunay na salita. Nais niya tayong magutom sa pahayag niya na atin lamang—isang malalim, pansariling pagiging malapit.