Lunes, Agosto 16, 2010

ANG PAGKAKILALA KAY KRISTO

“Oo, inari kong kalugihan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Kristo Hesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan makamtam ko lamang si Kristo” (Filipos 3:8).

Si Pablo ay lubusang naakit ng kanyang Panginoon. Bakit niya madaramang may pangangailangan siyang “makilala” si Kristo? Naipahayag na ni Kristo ng malinaw ang kanyang sarili, hindi lamang sa mga apostoles kundi sa kanyang buhay. Gayunman, maging ganon, nadama niyang sapilitan na makuha ang damdamin at kalooban ni Kristo.

Ang buong pagkatao ni Pablo—ang kanyang ministeryo, buhay at ang buong layunin ng kanyang pamumuhay—ay nakatuon lamang sa pagbibigay kaluguran sa kanyang Panginoon. Lahat ng iba pa ay basura lamang sa kanya, maging ang “mabubuting” bagay. Ito ba’y nasa Kasulatan, maari mong itanong, itong isipin na mapagwagian ang puso ni Hesus? Hindi ba tayo’y talagang sadyang layunin ng pag-ibig ng Diyos? Sa katunayan, ang kanyang kagandahang kaloobang pag-ibig ay saklaw ang buong sankatauhan. Ngunit may isa pang uri ng pag-ibig na kaunti lamang Kristiyano ang nakaranas. Ito ay ang madamdaming pag-ibig kasama si Kristo na nagaganap lamang sa mag-asawa.

Ang pag-ibig na ito ay ipinahayag sa Awit ni Solomon. Sa aklat na iyon ipinakilala si Solomon bilang isang tipo ni Kristo at sa isang talata ang Panginoon ay nangusap sa kanyang pakakasalan ng ganito:

“Aking mahal, aking sinta, ang puso ko ay nabihag. Ng mata mong mapang-akit at leeg mo na may kuwintas. Aking mahal, aking sinta, kay tamis ng iyong pag-ibig. Ikaw’y walang kasinsarap, kasintamis na umiibig, halimuyak ng bango mo ay walang makakaparis” (Awit ni Solomon 4:9-10).

Ang pakakasalan ni Kristo ay kinabibilangan ng mga banal na mga tao na sabik na maging kaluguran sa kanilang Panginoon, at nabubuhay na ganap na masunurin at lubos na hiwalay mula sa iba pang mga bagay, na ang puso ni Kristo ay madudukot. Ang salitang gabutin sa talatang ito ay nangangahulugan na “matanggalan ng puso” o “madukot ang puso.” Ang saling-wika nito sa King James ay nagsasabi na ang puso ni Kristo ay nadukot sa pamamagitan lamang ng “isang mata.” Naniniwala ako na ang “isang matang” ito ay ang nag-iisang isip na nakatutok kay Kristo lamang.