"Mapalad ang lahat ng naghihintay sa kanya…hindi na kayo tatangis nang matagal! Kayo'y diringgin niya sa inyong pagdaing…Maririnig ninyo ang kanyang tinig at siya ang laging kaalakbay ninyo upang ituro ang ang inyong daraanan…Tulad ng gabi ng pagdiriwang ninyo ng banal na kapistahan, masaya kayong aawit" (Isaias 30:18-19, 21, 29). Sinasabi ni Isaias, "Kung maghihintay lamang kayo sa Panginoon—kung tatangis kayong muli sa kanya, at manumbalik sa pagtitiwala sa kanya—gagawin niya ang lahat para sa iyo na mga sinabi ko at higit pa."
Magsasalita lamang ang Diyos at ang kalaban ay magbabantulot sa harapan natin: "Paghaharian ng takot ang mga taga-Asiria pag narinig nila ang tinig ni Yahweh na nagbababala ng pagpaparusa" (Isaias 30:33).
Gayunman, ang pamamaraan ng pagtitiwala sa Diyos sa lahat ng bagay ay hindi madali. Kamakailan lumapit ako sa Diyos tungkol sa aming kalagayan na may kinalaman sa gusali ng aming iglesya dito sa Nuweba York. Sinabi ko sa Diyos, "Nagtitiwala ako sa iyo tungkol dito, Ama ko. Lumapit ako sa iyo tungkol dito, at ako ay magiging payapa tungkol dito." Narito kung paano niya ako sinagot: "David ako'y nagtataka na nagtitiwala ka sa akin tungkol sa iyong mga pagmamay-aring lupa, pananalapi at iba pang materyal na bagay. Gayunman, hindi ka pa rin nagtitiwala sa akin pagdating sa iyong pisikal na kalagayan."
Ako ay lubos na nakababatid ng aking edad. At ako'y lubos na nag-aalala kung ano ang mangyayari sa aking pamilya kapag ako'y wala na. Ngayon ang may paghuhusgang salita ng Diyos ay tumama sa akin ng parang kidlat. Ipinagtiwala ko ang lahat ng materyal na pamamahala sa kanyang mga kamay, ngunit hindi ang may kinalaman sa walang-hanggan. Naisip ko, "Panginoon, nais mong ipagtiwala ko ang lahat sa iyo, hindi ba?"
Oo, banal na anak, nais niya ang lahat—ang iyong kalusugan, ang iyong pamilya, ang iyong kinabukasan. Nais niyang ipagtiwala mo ang lahat ng bawat bagay. At nais niyang mamuhay ka sa katahimikan, pagtitiwala at kapahingahan. Kaya, humayo ka sa iyong lihim na silid at mag-isang makipag-usap sa Panginoon. Dalhin mo ang lahat sa kanya. Ipinangako niya, "Maririnig mo ang aking tinig at magiging gabay mo upang ituro ang iyong daraanan. Ito ang daan—lakaran mo ito ngayon."
Ang patunay ng pananampalataya ay kapahingahan. Pananampalatayang may pagtitiwala ay nagbubunga ng kapahingahan ng pag-iisip. At ang tunay na pananampalataya ay ipinagtitiwala ang lahat sa mga kamay niya.