Huwebes, Hulyo 1, 2010

ANG IKA-APATNAPU’T ISANG ARAW

Halimbawa kayang nagkatagpo kayo ni Hesus sa ika-apatnapu’t isang araw—ang araw na sumunod pagkatapos ng panunukso sa kanya sa ilang. Ang kanyang mukha ay nagliliwanag. Siya’y nagagalak, pinupuri ang Ama, sapagkat napagtagumpayan niya ang isang dakilang tagumpay.

Nakita mong ipinapawis niya ang buhay at pagtitiwala. Ngayon siya’y handa na upang harapin ang kapangyarihan ng impiyerno. Kayat buo ang loob na nagpunta siya sa mga dakilang lunsod na nakahiga sa kadiliman. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita, tiyak sa Salita ng Diyos. At nagpagaling siya ng may mga sakit, alam na kasama niya ang Ama.

Ngayon, habang sinusuri mo ang sarili mong buhay, nakita mo ang kabaligtaran. Humaharap ka pa rin sa iyong sariling tuyong ilang na karanasan. Nakayanan mo ang maapoy na pag-atake mula kay Satanas, at ang iyong espiritu ay bagsak. Hindi mo mapigilang isipin, “hindi kailanman pinagdaanan ni Kristo ang mga pagsubok na katulad ng akin. Siya ay nasa ibabaw ng lahat ng ito.”

Maaring makita mo ang isang ministro na mukhang may matatag na pananampalataya; nagwiwika siya ng tiyakang presensiya ng Diyos na iniisip mo, “Hindi siya nagkaroon ng suliranin ng katulad ng sa akin.” Kung alam mo lamang! Wala ka doon ng tinawag ng Diyos ang lalaking ito para mangaral at pagkatapos ay dinala siya sa ilang para tuksuhin ng mahapdi. Wala ka doon nang siya ay maupos sa wala, bagsak sa kawalan ng pag-asa. At hindi mo alam na ang pinakamagaling niyang pangangaral ay nanggaling mula sa pagsubok sa kanyang sariling buhay.

Nagbabala si Pablo sa atin na huwag sukatin ang ating katuwiran laban sa inisip natin sa iba: “Hindi ko ipapantay o ihahambing man lamang ang aking sarili sa ilang nagbubuhat ng sariling bangko. Napakahahangal nila! Sila-sila ang naglalagay ng sukatan at parisan ng kanilang sarili” (2 Corinto 10:12)!

Hindi natin mabasa ang laman ng puso ng iba. Sino ang makaka-alam na noong ika-apatnapu’t isang araw si Hesus ay kagagaling lamang mula sa isang mahabang nakapanghihilakbot na panunukso? Sino ang makaa-alam na ang kaluwalhatiang nakita sa kanya ay sumibol mula sa isang paghihirap na malala pa sa anumang makakayanan ninuman?

Tayo’y kay Hesus lamang titingin. At tayo’y sa kanyang katuwiran lamang aasa, sa kanyang kabanalan. Binigyan niya tayong lahat ng parehas na karapatan para dito.

Iniibig kayo ng Diyos sa panahon ng inyong mga pagsubok. Ang sarili niyang Espiritu ang nagdala sa inyo sa ilang. Gayunman ang sarili niyang Anak ay galing na doon—at alam niya kung ano ang pinagdadaanan mo. Hayaan mong tapusin niya ang kanyang gawain sa pagpapalago ng iyong ganap na pag-asa at pananalig sa kanya. Lalabas kang may pagtitiwala—makadiyos na damdamin at lakas para makatulong sa iba.