Huwebes, Hulyo 22, 2010

MGA HADLANG SA PAGLAGO SA GRASYA

Sa Efeso 4:31, inilista ni Pablo ang mga bagay na dapat alisin sa buhay natin kung nais nating lumago sa grasya ni Kristo: “Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit at poot, huwag na kayong mambubulyaw, manlalait, at mananakit ng damdamin ng kapwa.”

Hindi dapat na umiwas tayo sa mga usaping ito sa listahan ni Pablo. Sinabi ng apostol na lubusan nating harapin ang mga bagay na ito kung nais nating lumago sa grasya. Kapag binalewala mo ang mga usaping dito, mapipighati mo ang Espiritu Santo. Ang iyong paglago ay mapipigilan, at mauuwi kang isang patay na espirituwal.

Ang unang tatlong bagay sa listahan ni Pablo ay—kasaklapan, galit at poot—ay madaling maunawaan. Ang kasaklapan ay ang ayaw bumitiw sa lumang sugat o magpatawad sa nakalipas na kamalian. Ang galit ay isang pinanghahawakang sama ng loob na may kaakibat na pagnanais na makaganti. Ang poot ay pagkainis—maaring isang pabiglang pagsabog o unti-unting nag-aapoy na pagngingitngit sa isang tao. Ang makasalanang pangungusap ay mga salitang nakakasira—ito ang kabaligtaran ng pagmamabuti sa iba o mangusap ng mga salitang mabubuti; ang makasalanang pangungusap ay malisyoso, nakakasakit.

Ang magsumigaw ay ang pabiglang pagsabog ng galit sa walang kuwentang bagay—isang hindi kinakailangang hiyawan, isang malakas na pag-iingay na ginagawa na walang dahilan. Nagiging sanhi tayo ng pagsusumigaw kapag pinalaki natin ang isang usapin mula sa walang kuwentang bagay, o nagiging sanhi ng isang eksena sa halip na makatulong o makapagpagaling.

Ang huling bagay sa listahan ni Pablo ay ang malisya. Ang malisya ay isang pagnanais na makita ang isang tao na nagdurusa. Sa maraming Kristiyano ang malisya ay umaasa na parurusahan ng Diyos ang sinuman na nakasakit sa kanila. Ito ay isang maladimonyong espiritu, at kadalasan ito ay nakatago ng malalim sa puso.

Nang sinabi ni Pablo “Alisin ang lahat ng mga makasalanang bagay na ito,” hindi siya nagungusap tungkol dito ng madaliang solusyon. Isinasalarawan niya ang isang pamamaraan-isang paraan ng paglago na hindi pangmadalian. May panahon-na maaring mabigo tayo na maalis ang mga masasamang bagay na ito sa sarili natin. Ngunit kung tayo ay mag-sisisi, at titiyakin na makipag-ayos sa taong ito, darating ang sandali na ito ay unti-unting maglalaho.