Biyernes, Hulyo 16, 2010

TAYO AY ISANG PAMILYA

Ang pag-angkin sa kapangyarihan na na kay Kristo ay hindi isang masalimuot, nakatagong teyolohiyang katotohanan. Sa aking silid aklatan ay may mga aklat na tanging inakda para sa paksa na ukol sa pangalan ni Kristo. Ang mga manunulat ay inakda ang mga ito upang tulungan ang mga mananampalataya na maunawaan ang malalim na dalang kahulugan na nakatago sa pangalan ni Kristo. Gayunman, marami sa mga aklat na ito ay "lubos na malalim" na lampasan sa isipan ng bumabasa.

Naniniwala ako na ang katotohanan na malaman ang tungkol sa pangalan ni Hesus ay madali lamang, na maging ang isang bata ay madaling maunawaan ito. Ito'y ganito lamang: Kapag tayo ay humiling sa pangalan ni Hesus, kailangang tayo ay ganap na nahikayat na ito ay katulad na mistulang si Hesus ang humihiling sa Ama. Ang tanong mo, paano ito magiging totoo? Hayaan mong Ipaliwanag ko.

Alam natin na iniibig ng Diyos ang kanyang Anak. Nakipag-usap siya kay Hesus at tinuruan siya sa kanyang panahon sa sanlibutan. At hindi lamang nakinig ang Diyos kundi sinagot niya ang bawat kahilingan na ginawa ng kanyang Anak. Nagpatotoo si Hesus tungkol dito, sinasabi na, "Lagi niya akong pinakikinggan." Sa madaling sabi, hindi kailanman tinanggihan ng Ama ang bawat kahilingan ng kanyang Anak.

Ngayon, lahat ng nananalig kay Hesus ay dinamitan ng kanyang pagiging Anak. At ang Amang nasa langit ay tinanggap tayo bilang may kapalagayang-loob na katulad ng kanyang pagtanggap sa kanyang sariling Anak. Bakit? Ito'y dahilan sa ating espirituwal na pakikipag-isa kay Kristo. Sa pamamagitan ng pagkakapako sa krus at sa muling-pagkabuhay, ginawa ni Hesus na tayo'y iisa kasama ang Ama. "Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayon din naman, maging isa sila sa atin…Ako'y nasa kanila at ikaw ay nasa akin" (Juan 17: 21-23).

Sa madaling sabi, tayo ngayon ay isang pamilya—isang kasama ang Ama, at ang Anak. Tayo ay inampon, na may buong karapatan ng mana na taglay ng sinumang anak. Ito'y nangangahulugan na ang lahat nang kapangyarihan at mapagkukunan sa langit ay nakahandang ipagkaloob sa atin, sa pamamagitan ni Kristo.

Ang manalangin "sa pangalan ni Hesus" ay hindi isang pormula. Hindi ito isang pahayag na may kapangyarihan sa mistulang pagbigkas nito. Ang kapangyarihan ay nasa pananalig na ito ay iaangat ni Hesus ang ating panig at dadalhin sa Ama sa sarili nitong merito. Siya ang Tagapagtaguyod—siya ang gagawa ng kahilingan para sa atin. Ang kapangyarihan ay nasa ganap na pananalig na hindi kailanman tinanggihan ng Diyos ang kanyang Anak at tayo ang makikinabang sa lubos niyang katapatan sa kanyang Anak.