Miyerkules, Hulyo 21, 2010

ESPLOSIBONG PAGLAGO SA GRASYA

Ang ating paglago sa grasya ay maaaring maging esplosibo kapag tinangka natin na turuan yaong mga nanghihiya sa atin.

“Huwag kayong gumamit ng masasamang pananalita; sikaping lagi na ang pangungusap ninyo’y yaong makabubuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng makaririnig. At huwag ninyong dulutan ng pighati ang Epiritu Santo, sapagkat ito ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan ng inyong katubusan pagdating ng takdang araw” (Efeso 4:29-30). Ang salitang ugat na ginamit ni Pablo para sa “hubugin ang budhi sa mabuti” ay nangangahulugan na “tagapagtatag ng tahanan.” Ang salitang iyon, sa ibang salita, ay nagmula sa salitang-ugat na nangangahulugang “itatag.” Sa madaling sabi, ang sinumang nagtuturo ay nagtatatag ng tahanan ng Diyos, ang iglesya.

Sinasabi ni Pablo sa atin dito ang tatlong mahahalagang bagay tungkol sa mga salita nating binibigkas:

1. Gagamitin natin ang ating mga salita para itatag ang mga tao ng Diyos.
2. Gagamitin natin ang ating mga salita para mangaral ng grasya sa iba.
3. Maari nating mapighati ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng ating mga pananalita.

Masyado akong nadala habang binabasa ko ang mga salaysay ng buhay ng mga espirituwal na higante ng mga nakalipas na panahon. Ang mga makadiyos na kalalakihan at kababaihan na ito ay may kaisipang makalangit—mapag-aral sa Salita ng Diyos, madalas na nananalangin, at nakatuon sa paglago sa grasya. Ang higit na nakapagbigay-pansin sa akin tungkol sa mga buhay ng mga taong ito ay hindi lamang ang kanilang debosyon kay Kristo o sa sidhi ng kanilang mga pananalangin. At ito rin ang makadiyos na bungang mga bagay na nagawa dahil sa kanila. Higit pa roon, natuklasan ko ang pangkaraniwang nilalakaran ng mga higanteng espirituwal na ito: ang kanilang tanging layunin ay lumago sa grasya ng dalisay na puso, na kung saan ang banal na pakikipag-usap ay dadaloy. “Sapagkat kung ano ang bukambibig, iyon ang laman ng dibdib” (Mateo 12_34).

Lumalago ako sa grasya kapag pinili kong mamuhay para sa iba at hindi para sa sarili ko. Ang paglagong iyan sa grasya ay kailangang magmula sa aking tahanan sa pagpapakita sa aking asawa at mga anak ng patuloy na paglago sa pagiging kawangis ni Kristo. Ang aking tahanan ay kailangang maging lugar na kung saan ang lahat ng mga suliranin, lahat ng di-pagkakaunawaan ay mapangingibabawan ng aking kusang-loob na isuko “ang pagiging tama lagi.”

Ang hindi “pagmamarunong” ay nakatulong sa akin para ikalugod ang kapangyarihan ng grasya ng Diyos na hindi katulad ng dati. Lahat ng pagtatalo, lahat na tinatawag na “tama” ay naglalaho kapag hinanap natin na makipagpalagayang-loob sa bawat isa sa halip na subuking mangibabaw sa mga walang kuwentang pagtatalo.

Tayo ay magpalago sa grasya.