Nang mabasa ko ang mga pagkilos ng mga makadiyos na kalalakihan sa Lumang Tipan, ang puso ko’y nag-aapoy. Ang mga lingkod na ito ay lubos ang dalahin para sa dahilan ng pangalan ng Diyos, gumawa sila ng makapangyarihang pagkilos na lumito sa isipan ng maraming Kristiyano ngayon.
Ang mga banal na ito ay parang batong di matitinag sa kanilang pag-ayaw na sumulong nang walang salita galing sa Diyos. At sila’y tumangis at napighati ng maraming araw dahilan sa makasalanang kalagayan ng kanyang tahanan. Ayaw nilang kumain, uminom o maglinis ng katawan. Pumunit sila ng kumpol ng buhok mula sa kanilang anit at balbas. Maging ang propetang si Jeremiah ay nahiga sa gilid niya sa mga daanan ng Jesrusalem sa loob ng 365 na araw patuloy na nagbababala ng padating na paghuhusga ng Diyos.
Na-iisip ako, saan kaya kumuha ang mga banal na ito ng espirituwal na kapangyarihan at lakas para gawin ang mga ginawa nila? Sila ay mga kalalakihan na may naiibang katangian, mga lingkod na namumukod ang uri mula sa mga nakikita natin ngayon sa iglesya. Hindi ko maiugnay ang sarili ko sa kanila at sa kanilang paglalakad. Alam ko na ako hindi lubos na katulad nila. At wala akong kilalang Kristiyano na katulad nila.
Mayroong gumugulo sa akin tungkol dito. Sinabi ng Bibliya na ang mga pagkilos ng mga kalalakihang ito sa Lumang Tipan ay naitala bilang aral sa atin: “Nangyari ito sa kanila bilang babala sa iba, at nasulat upang turuan tayong mga inabot ng huling panahon” (1 Corinto 10:11).
Kaya, ang mga banal na ito ba ay espesyal na lahi? Sila ba’y mga makapangyarihang lalaki, na mayroon nang nakatadhanang patutunguhan, na mayroong sobrenatural na kapangyarihan na hindi alam ng ating salin-lahi ngayon? Hindi. Mariing ipinahayag ng Bibliya na ang mga makadiyos na tagapagdala ay mga taong katulad din natin, ikaw at ako, na may katulad na hilig ng katawan (tingnan Santiago 5:1). Ang katunayan, ang kanilang halimbawa ay nagpakita ng tutularan upang ating sundan. Ang mga kalalakihang ito ay mayroong katangian sa kanilang pagkatao na naging dahilan upang hipuin sila ng Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit pinili niya ang mga ito upang masaikatuparan ang kanyang mga layunin. At hinihikayat niya tayo na hanapin ang ganitong may kalidad na katangian ngayon.
Si Esdras ay tao ng Diyos na pumukaw sa kanyang buong bansa. Sinasabi ng Kasulatan na si Esdras ay isang lalaki na hawak ng kamay ng Diyos. Nagpapatoo si Esdras, “Tinulungan ako ni Yahweh at ako’y nakalugdan ng hari, ng kanyang mga tagapayo at ng lahat ng matataas na pinuno ng kaharian” (Esdras 7:28). Sa ibang salita, ibinuka ng Diyos ang kanyang kamay, ipinaloob si Esdras at ginawa siyang naiibang lalaki.
Bakit gagawin ng Diyos ito kay Esdras? Mayroong daan-daang manunulat sa Israel noong panahong iyon. Lahat sila ay mayroong magkakatulad na tawag mula sa Diyos upang pag-aralan at ipaliwanag ang Salita ng Diyos sa mga tao. Ano ang ikinaiba ni Esdras sa iba pa? Ano ang naging dahilan para ilagay ng Diyos ang kanyang kamay sa iisang taong ito, at bigyan ng kapangyarihan na pamunuan ang 50,000 para muling itatag ang lunsod ng Israel?
Ibinigay ng Kasulatan ang sagot sa atin: “Itinalaga ni Esdras ang kanyang sarili upang pag-aralan, isagawa, at ituro sa Israel ang mga tuntunin ng Kautusan” (Esdras 7:10). Simple lamang ito: Gumawa si Esdras ng isang napag-isipang pasiya. Napatunayan niya ng higit sa lahat na hanapin ang Salita ng Diyos at sundin ito. At hindi siya lumihis sa pasiyang iyan. Sinabi niya sa sarili niya, “Ako’y magiging isang mag-aaral ng Salita. At ako’y kikilos sa bawat mababasa ko.”
Bago pa man hinipo ng Diyos si Esdras, ang lalaking ito ay masigasig na nagsasaliksik sa Kasulatan. Hinayaan niya ang sarili niya para suriin nito, hugasan nito, at linisin ang lahat ng dumi sa katawan at espiritu. Gutom si Esdras sa Kasulatan at kinagagalakan ito. Hinayaan niya ang Kasulatan para ihanda ang puso niya sa anumang gawain na pipiliin ng Diyos para sa kanya.
Iyan ang dahilan kung bakit hinipo siya ng Panginoon at binasbasan siya.