Lunes, Hulyo 19, 2010

ESPESYAL NA PUWERSA NG DIYOS

Narinig na natin ang Espesyal na Puwersa ng Sandatahang Lakas ng Amerika—isang may kakaibang pagsasanay ng mga kawal-sa loob ng-hukbo, isang piniling pangkat ng mga dedikadong mga kawal. Ang mga Espesyal na Puwersa ay mga boluntaryo, mga mandirigma na napansin at tinawag ng mga nakatataas sa kanila.

Bago pa man nagka digmaan sa Afghanistan, sinabi ni Osama Bin Laden na ang mga kawal ng Amerika ay mga mahihina, mga duwag, hindi sinanay sa pakikipaglaban sa bundok. Hinulaan niya na itataboy ng mga Taliban ang hukbo ng Amerika sa kahihiyan, ngunit hindi niya naibilang ang Espesyal na Puwersa ng Amerika. Ang mga walang takot na pangkat na ito ay sumalakay sa Afghanistan na binubuo lamang ng 2,000 mga kawal. Sa loob lamang ng ilang araw, natukoy na nila ang mga kinalalagyan ng mga puwersa ng kalaban. Naniniwala ako na ginagawa din ito ng Diyos sa daigdig ng espirituwal. Habang nasa pananalangin, pinukaw ako ng Espiritu Santo sa larawang-isip—ang Diyos ay datihan nang kumikilos sa mga makalangit sa lihim na pagkilos. Nagbubuo siya ng mga kawal sa loob ng hukbo, namimili sa kanyang mga datihan ng mga kawal upang magtatag ng mga piling pangkat ng mga boluntaryo. Ang mga Espesyal na Puwersang ito binubuo ng mga mandirigma na kanyang puwedeng hipuin at yugyugin, para makipaglaban sa mga kaaway. Nakita natin ang larawang ito sa Bibliya, sa espesyal na pangkat ni Saul. Sinasabi ng Salita sa atin “Doon kasama niya ang piling kalalakihan, na ang mga puso ay hinipo ng Diyos” (1 Samuel 10:26).

Ang mga Espesyal na Puwersa ng Diyos ngayon ay binubuo ng mga kabataan, may mga edad na, maging ng mga matatanda na. Sila ay nagsasanay sa kani-kanilang mga lihim na silid ng panalanginan. Ang kanilang pagiging malapit kay Hesus ang nagturo sa kanila paano makipaglaban. Ngayon marunong na silang makipaglaban sa anumang espirituwal na kalalagayan, kahit sa bundok o sa mga lambak man.

Ang hukbo ng Diyos-sa-loob-ng-hukbo ay nakatalaga sa bawat bansa. Ang mga pagkilos nito ay maaring lihim sa ngayon, ngunit sa nalalapit na panahon ay makikita natin na gagawin nila ang pagkilos sa pangalan at kapangyarihan ni Kristo. Ang Salita ng Diyos ay darating, at ang tag-tuyot ay magwawakas. Mangingibabaw ang Panginoon. Sasakupin ng kanyang Salita ang lahat.

“Maninindigan ang mga kumikilala sa Diyos at sila’y magtatagumpay” (Daniel 11:32).

“Ngunit ang nagtitiwala kay Yahweh ay magpapanibagong sigla.Ang lakas nila’y matutulad sa walang pagod na pakpak ng agila. Sila’y tatakbo ng tatakbo ngunit di manghihina, lalakad ng lalakad ngunit hindi mapapagod” (Isaias 40:31).