Miyerkules, Nobyembre 30, 2011

ANG ULAN SA MGA HULING ARAW

“At sa araw na iyon, mawawasak ang alinmang bansang mangangahas sumakop sa Jerusalem. Ang lahi ni David at ang mga taga Jerusalem ay gagawin kong mahabagin at mapanalanginin. Sa gayon, kapag pinagmasdan nila ang kanilang sinaksak ng sibat ay tatangisan nila itong parang kaisa-isang anak o anak na panganay.

Ang hulang ito mula sa aklat ng Zacarias ay tungkol sa isang espesyal na pagbubuhos ng Espiritu Santo na magaganap sa mga huling araw. Ang kahalintulad na pagbubuhos ay isinalarawan sa Joel 2, na aking pinaniniwalaan na naganap sa Pentekostes. ang talatang iyon ay mababasa na: “Magaganap pagkatapos na aking ibubuhos ang Aking Espiritu sa lahat; ang inyong mga anak ay manghuhula, ang matatanda ay mananaginip, ang inyong mga kabataan ay makakakita ng mga pangitain; at maging sa aking mga katulong ay ibubuhos ko ang Aking Espiritu sa mga araw na iyon” (Joel 2:27-29)

Ganito mismo ang naganap sa araw ng Penekostes! Ang Espiritu Santo ay dumating na parang baha na katulad ng espiritu ng propesiya sa Itaas na Silid sa Jerusalem.

Ang dakilang pagbubuhos ay naging isang patuloy na pagdidilig ng Espiritu Santo na nagtuloy tuloy sa kabuuan ng isandaang taon. Sa halos 2,000 taon ang Diyos ay nagbuhos ng kanyang Espiritu na katulad ng ulan para sa kanyang mga tao, araw-araw na dinidilig ang kanyang iglesya at pinangangalagaan ito. Ito ay binanggit ni Isaias bilang: “Akong si Yahweh ang nag-aalaga ng ubasang ito na dinidilig bawat sandali, at binabantayan ko araw at gabi upang walang manira” (Isaias 27:2-3).

Ang dalawang pagbubuhos ng Espiritu ay binanggit na bilang unang ulan at ang huli: “Kaya nga, kung susundin lamang ninyo ang utos ko sa inyo ngayon: Ibigin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh at paglingkuran nang buong puso’t kaluluwa, sa tamang panahon ay pauulanin niya sa lupaing iyon, at magiging sagana kayo sa pagkain, inumin at langis” (Deotoronomo 11:13-14).

Ang panahon ng pagtatanim at pag-aani sa Israel ay kabaligtaran ng sa atin. Ang unang ulan, na nagpapalambot sa lupa, ay mula Oktubre hanggang sa katapusan ng Disyembre, bago pa sa panahon ng pagtatanim. Ang huling ulan ay para hinugin ang pag-aani at bumabagsak mula Marso hanggang Abril, bago mag-ani.

Ito ay mahalagang itala na ang dalawang pagbubuhos na ito ay laging may kinalaman sa pag-aani. Ang gawain ng Espiritu ay palaging nakatuon sa pag-ani ng mga kaluluwa!