Huwebes, Disyembre 22, 2011

ANG TUNGKULIN NG IGLESYA: ANG MABUHAY PARA SA IBA by Gary Wilkerson

Ang isang simpleng pamamaraan para masukat kung maayos kang magmahal ay ang suriin kung paano mo tinitingnan ang kapakanan ng iba.

Bilang pastor, kailangang gumawa ako ng isang walang pag-aalinlangang pangitain para magawa ito. Ako ay inatasan ng Diyos ng pagtawag para alugin ang aking mga tao upang kumilos at walang lubay na sundin ang tungkulin na ibinigay niya sa amin. Ang katotohanan ay, maari kong gawin ito sa dalawang pamamaraan: sa pamamagitan ng aking sariling layunin, sikaping makamit ang aking pansariling layunin; o sundin ang puso ni Cristo at gawin ang aking tungkulin para magmahal.

Kung ang aking iglesya ay lalago ng may sampung libong kasapi at wala naman akong pag-ibig bilang aking layunin… kung ang aming iglesya ay magpapadala ng 1,000 misyonaryo ngunit wala namang pag-ibig… kung gayon ay bigo kami sa aming layunin bilang isang lipon na nananampalataya. Nagpaparami kami ng mga huwad na sugong kinatawan at nagpapadala ng mahinang uri ng malabnaw na Kristiyanismo na pinalakas ngunit hindi ng pag-ibig.

Paano naman ikaw? Ang mga panalangin mo ba ay nakakandado sa sarili mong mundo ng mga gusto, mga pangangailangan, at mga hangarin? Ikaw ba’y nayayamot o naiirita kapag ang tunay na pangangailangan ng iba ay inaantala ang iyong mga layunin?

Ano ang remedyo para sa iyong makasariling layunin? Isinulat ni Pablo sa mga taga Filipos, “Sa pagiging mapagkumbaba ng isipan hayaang ang bawat isa ay magpahalaga ng higit sa sariling kapakanan.” Hindi sinabi ni Pablo na huwag pahalagahan ang sarili, ang iyong hangarin sa buhay o ang sariling pinapangarap. Ngunit sinabi rin niya ang iba ay mayroon ding pinapangarap, layunin at tungkulin. Kung pahahalagahan mo sila, hindi mo lang sila tinutulungan kundi pinalalakas pa sa pagtawag sa kanila—at marahil ay nakakapukaw sa marami pang buhay.

Isipin ang kapangyarihan sa pahayag ni Pablo. Isiping mabuti kung ano ang maaring mangyari kung ang bawat Kristiyano ay susunod sa katotohanan. Magkakaroon tayong lahat ng malalim, makayanig-mundong pagpapahalaga sa kapakanan ng iba—at wala isa man sa atin ay malulubog sa ating pang-sariling hangarin. Ang buong katawan ni Cristo ay matutuon sa kapakanan ng iba at makapagpapalakasan sa bawat isa sa maraming nagkakaibang tawag.

Kung ang bawat isa sa atin ay nakatuon lamang sa sarili nating mga kapakanan, ang ating patotoo ay tiyak na malilimitahan. Ngunit kung nakatingin tayo sa iba na may pag-ibig na mapalakas ang iba, ang bawat inordinahan ng Diyos na tungkulin ay magkakaroon ng sapat na suporta para magampanan.

Iyan ang tawag ko sa tamang pamamaraan na mabuhay. Iyan ang kampanyang nais kong simulan ngayon—ang mabuhay para sa iba, matanggap at mapaglingkuran ang mga nakapaligid sa akin para sa kaluwalhatian ng Diyos.