Lunes, Disyembre 26, 2011

ANG MINISTERYO NG KAALIWAN

Sinabi nang apostol Pablo na, “Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis” (2 Corinto 1:4).

Ang isa sa mga kinakailangang ministeryo sa iglesya ni Jesu-Cristo sa panahon ngayon ay ang tungkol sa kaaliwan—ang aliwin ang iba sa kanilang kapighatian at hapis. Maraming mga mananampalataya ay hindi alam kung saan lalapit sa panahon ng kanilang pighati.

Kapag ako ay lubos na napipighati, nagdudusa ng malalim, hindi ginusto na magbasa ng aklat na nagbibigay ng sampung pamamaraan kung paano matatagpuan ang tagumpay o magtungo sa mga may naglalakihang pangalan na mga ebangheliko para lamang lunasan ako. Wala dito ang kasagutan—sapagkat walang makakarating sa ugat ng aking pagdurusa! Hindi—nais kong makipag-usap sa mga pangkaraniwang banal na nagdusa ng labis at gayunman ay nalampasan ang lahat sa pamamagitan ng pagpupuri sa Diyos, inaliw at puno ng pananamalataya!

Ang mga ito ay mga napipighating mga tao ang nakatanggap ng kaaliwan at kasiyahan mula sa Panginoon. Alam nila ang simpatiya ni Jesus, sapagkat ang tinig niya ay nangungusap ng tunay na kaaliwan para sa kanila sa sandali ng madilim na bahagi ng kanilang buhay. Ang mga nagdurusang ito ay naging mayaman sa espirituwal na panggagalingan. Nagkaroon sila ng pagtitiwala na galing sa pagtitiis sa kapighatian at pagsubok na kanilang pinagdaanan.

Naisip ko si Corrie Ten Boom at ang kamangha-mangha niyang karanasan para sa libu-libong mga tao na naupo at nakinig sa kanya na nangusap tungkol kay Jesus. Maraming mga pastor at mga namumuno sa buong dako ng Estados Unidos ay nagkaroon ng kaaliwan at bigyan ng lakas ng loob ng hindi kilalang babaeng ito—sapagkat ang lahat ng kanyang pinagdusahan at nagbunga ng mayamang kaalaman tungkol sa Panginoon. Mayroon siya ng kasaganaan ng kaaliwan at kasiyahan mula sa Espiritu Santo—at ginamit niya ito para kay Jesus!

Nagawa ni Pablo na magbunyi sa lahat ng kanyang kapighatian sapagkat alam niya na ang kanyang pagdurusa ay para sa kabutihan ng iba. Nakita niya na ang kanyang pagdurusa ay isang uri ng pag-aaral na kanyang pinagdaanan. Masasabi niyang, “Ang Diyos ay may layunin tungkol dito sapagkat sinasanay niya ako! Mayroong mga taong mangangailangan ng kaaliwan at kasiyahan na aking tinanggap sa pamamagitan ng aking pagdurusa!

Hindi nakapagtataka na tinukoy ni Pablo ang Diyos na nasa langit bilang, “Ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan” (2 Corinto 1:3).