Huwebes, Disyembre 15, 2011

IGLESYA NI SOLOMON

“Naging matatag ang paghahari ni Solomon na anak ni David sapagkat pinagpala siya ng Diyos niyang si Yahweh at pinalakas ang kanyang kapangyarihan” (2 Cronico 1;1).

Ang iglesya ni Jesu-Cristo ngayon ay pinatatag at pinagpala ng Diyos. Ang paglalaan ay ginawa para sa pagsusumikap sa lahat ng bagay. Isaalang-alang ang malaki, magandang edipiko na itinatag sa lupain. Isaalang-alang din ang malaking pagpapalang pananalapi. Milyun-milyon ang ginugol sa ebanghelismo sa telebisyon, sa mga aklat, sa mga mensaheng ini-rekord, sa mga misyon, sa mga institusyon, sa mga kolehiyo at sa lahat ng uri ng ministeryong iglesya

Nang sinimulan ang lahat ng gawaing ito, ang bawat isa ay may pagpapahid ng langis ng Diyos. Sa katotohanan, ang marami ay nagsimula na may katulad na pagpapala na ibinuhos ng Diyos kay Solomon. Si Solomon ay ganap na matatag at higit na may pinag-aralan higit pa sa kanyang ama na si David. Ginawa niya ang mga bagay na mas malaki at mas mahusay ng higit pa sa mga naunang salinlahi sa nagawa nila.

Ang nagtutulak na puwersa sa likod ni Solomon ay karunungan at kaalaman. Ito ang itinatangis ng puso niya sa Diyos: “Kaya ngayon, ang hiling ko’y bigyan ninyo ako ng karunungan at kaalaman upang mapamahalaan ko ang bayang ito. Kung hindi, paano ko pamamahalaan ang malaking bayang ito?” (2 Cronico 1:10).

Hindi ba ito kahanga-hangang panalangin? Masarap itong pakinggan at nalugod ang Diyos kay Solomon sapagkat hindi siya humiling para lang sa sariling kapakinabangan. Gayunman mayroon pa ring suliranin: “Ang panalanging ito ay nakasentro pa rin sa pantao! Ang matalino at may sariling kumpiyansa ay may sinasabi na may kakayanhan, “Ibigay mo lamang ang mga gamit sa akin, Diyos ko at ako na ang bahala na tumapos sa gawaing ito. Bigyan mo ako ng karunungan at kaalaman at ilalagay ko sa ayos ang lahat para sa mga taong ito. Tatapusin kong lahat ito!”

Ang panalangin ni Solomon ay hindi panalangin ng kanyang ama na si David, isang lalaki na malapit sa puso ng Diyos. Hindi, ang panalangin ni Solomon ay panalangin ng makabagong salinlahi—mga nag-aral na mga tao na may bagong pamamaraan at kakayahan. Ang daing niya ay, “Kailangan ko ng karunungan at kaalaman!” Naniniwala ako ikinakatawan ni Solomon ang espiritu at kalikasan ng mga huling-araw na iglesya sa Laodicia. Ang iglesyang ito ay pinamunuan na may katulad na pagkawasak na hinarap din ni Solomon.

Si Solomon ay may utak na puno ng karunungan at bibig na puno ng mga awitin. Kaya niyang mangaral at magturo ng may di-kapani-paniwalang kakayahan. Mayroon siyang matatag na pagsasagawa, na may kasamang marurunong na mga pinuno. Ang lahat tungkol sa kanyang iglesya ay lumalabas na mapitagan at nasa ayos. Ngunit ang lahat ng ginawa ni Solomon ay nauri sa kataga, “Nakita kong ang lahat ng gawa ng tao sa mundong ito ay walang kabuluhan; ito’y tulad lang ng paghahabol sa hangin” (Mangangaral 1:14).

Ang iglesya ni Solomon ay may sagot sa lahat. Magandang tingnan sa panglabas ngunit ito ay ganap na walang buhay! At ito ay nauwi sa walang kabuluhan, sa mga diyus-diyosan, sensuwalidad, kahungkagan at kawalan ng pag-asa.