Martes, Nobyembre 30, 2010

PARA SA PAMILYA LAMANG

“At nagmadali si Jose; sapagka't nagniningas ang kaniyang loob dahil sa kaniyang kapatid: at humanap ng dakong maiiyakan; at pumasok sa kaniyang silid, at umiyak doon” (Genesis 43:30).

Ito ang larawan ng puso ng ating Tagapagligtas—maging para sa mga makasalanan. Ang mga kapatid ni Jose ay nasa tahanan niya, kumakain at umiinom sa kanyang harapan. Ngunit “At kanilang hinainan siyang bukod, at silang bukod” (Genesis 43:32). Huwag nating pangahasang lampasan ang kahalagahan ng pahayag na ito. Ang mga lalaking ito ay nagbubunyi sa presensiya ni Jose na hindi na lubos na nanunumbalik, na hindi pa nila siya kilala, wala pang pahayag ng pag-ibig at grasya.

Maari tayong maging mga pumupuring mga tao na kumakain at umiinom sa presensiya ng Panginoon ngunit hindi pa natatanggap ang pahayag ng kanyang walang-hanggang pag-ibig. Ang damdamin ng walang nagmamahal ay nananatili sa kanilang mga puso. Ito ang kalagayan ng mga Kristiyano na pumupunta sa tahanan ng Diyos para umawit, sumamba at magpuri at pagkatapos ay uuwi sa dating kasinungalingan: “Hindi ako pinakikitaan ng katunayan na iniibig niya ako. Ang mga panalangin ko ay hindi tinutugon. Wala siyang pakiaalam sa akin katulad ng pangangalaga niya sa ibang mga Kristiyano.”

Mayroon pang huling hakbang para sa mga kapatid ni Jose kailangan nilang gawin bago sila bigyan ng buong pahayag ng pag-ibig. Ang pahayag na ganoon ay ibinibigay doon sa mga may pusong bigo at nagsisisi. “Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan” (Awit 51:17). Ang mga magkakapitd ay hindi pa nabibigo (Genesis 43:34).

Ang mga lalaking ito ay inamin ang kanilang mga kasalanan, ngunit kailangan sila lubusang magupo, ganap na nasa dulo na ng kanilang kapighatian at kawalan ng pagkukunan ng mga pangangailangan, bago ipahayag ni Jose ang pag-ibig niya sa kanila. Kayat inilagay niya sila sa kanilang huling pagsubok. Inutusan niya ang kanyang utusan na ilagay nito ang kanyang personal na basong pilak sa sako ni Benjamin, ang pinakabatang kapatid, bago sila bumalik sa Canaan. Hindi pa halos nakalalabas ng siyudad ang magkakapatid nang nilampasan sila ng mga tauhan ni Jose at inakusahan sila ng pagnanakaw ng baso. Natitiyak nila na wala silang kasalanan at sinabi nilang, “Yaong kasumpungan sa iyong mga lingkod, ay mamatay, at pati kami ay magiging alipin ng aming panginoon” (Genesis 44:9).

Pakinggan ang pagbabago ng kanilang mga saloobin: “Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod: narito, kami ay alipin ng aming panginoon” (Genesis 44:16). Hindi na sila nakipagtalo pa. Wala nang ipagmamalaki. Sila ay napahiya, nagupo—at sa wakas dumaing sila sa kaibuturan ng kanilang mga puso, “Sumusuko na kami!”

At doon dumating ang pahayag ng dakilang pag-ibig ng Diyos. “Nang magkagayon ay hindi nakapagpigil si Jose sa harap nilang lahat na nakatayo sa siping niya; at sumigaw, Paalisin ninyo ang lahat ng tao sa aking harap. At walang taong tumayo na kasama niya samantalang si Jose ay napakikilala sa kaniyang mga kapatid” (Genesis 45:1).

Walang alam ang sanlibutan ng pahayag na ito ng pag-ibig. Ngayon mayroon na silang damdamin tungkol sa kahalagahan ng pamilya—ng walang kondisyong pag-ibig at pagtanggap. Sinabi ng Kasulatan sa atin “At siya'y umiyak ng malakas: at narinig ng mga Egipcio, at narinig ng sangbahayan ni Faraon” (Genesis 45:2). Maaring marinig ng buong mundo ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos ngunit ang mga pamilya lamang ang maaring makaranas nito. Ang pamilya lamang ng Diyos ang pinadadamahan ng dakilang pag-ibig at kahabagan.

Mga minamahal, ang Diyos ay nanahan doon sa mga nagpakumbaba at may pusong bigo. Nagagalak siya sa kanyang pamilya—inibig niya tayo sa mga nagdaang mga taong ito, kahit na tayo ay naging mga makasalanan. Magpahinga sa pag-ibig niya sa iyo.

Lunes, Nobyembre 29, 2010

ANG PAHAYAG NG PAG-IBIG

Hindi alam ng mga kapatid ni Jose kung gaano sila kamahal hanggang gumamit ang Diyos ng krisis para ipahayag ito sa kanila. “At ang kagutom ay nasa ibabaw ng buong lupa: at binuksan ni Jose ang lahat ng kamalig…Nabalitaan nga ni Jacob na may trigo sa Egipto, at sinabi ni Jacob sa kaniyang mga anak…Bumaba kayo roon, at bumili kayo roon ng sa ganang atin…At ang sangpung kapatid ni Jose ay bumaba, na bumili ng trigo sa Egipto” (Genesis 41:56; 42:1-30)

Dalawampung taon na ang nakalipas mula sa kanilang krimen na ipinagbili si Jose sa pagiging alipin at ngayon siya ay ang pinakapinuno ng Egipto. Sa loob ng pitong taon nag-imbak siya ng trigo bilang paghahanda sa darating na tag-gutom. Ang mga anak ni Jacob ay dapat papunta sa Egipto para kumuha ng trigo, ngunit ang Diyos ay may mas malaki at mas magandang mga balak. Ipinadala niya sila doon para makakuha ng pahayag ng pag-ibig! Makararanas sila ng kahabagan, kapatawaran, at panunumbalik at matutunan kung ano talaga ang ibig sabihin ng biyaya ng Diyos. Hindi karapatdapat sa anumang bagay kundi sa paghuhusga, matatanggap nila ang dalisay na biyaya.

Nakalagay sa isipan na si Jose ay isang tipo ni Cristo, nakita kong mahirap paniwalaan ang bahaging ito ng istorya na walang luha. Napakandang larawan ito ng biyaya at pag-ibig ng ating Panginoong Jesucristo para doon sa mga nabigo.

Dalawamapung taon ng pagkakasala at panlilinlang ay naghiwalay sa mga kapatid na hindi nakikita si Jose. Maaring inisip nila na patay na siya sa panahong ito. Nang dumating sila sa korte ng Faraon at nauna pa silang dumating kaysa kay Jose, nakilala ni Jose ang kaniyang mga kapatid, datapuwa't hindi nila siya nakilala (Genesis 42:8). At nandoon sila, yumuyuko sa kanya katulad ng pangarap niya. Galit ba si Jose at nais maghiganti? Hindi kailanman! Punung-puno ng habag ang kanyang puso nang makita niya ang mga kapatid na lubos niyang minamahal.

Kung ganoon, ay bakit matigas ang pananalita niya sa kanila at inakusahan sila na mga espiya (Genesis 41:7). Naisip ko minsan na gustong maghiganti ni Jose, ngunit hindi iyon ang motibo niya. Sumusunod lamang siya sa utos ng Diyos. Ang mga mapagmalaking mga lalaking ito ay hindi pa nakahanda sa pagpapahayag ng biyaya at kahabagan. Una ay kailangang makita nila ang labis na kapangitan ng kanilang mga kasalanan at harapin ang kanilang pagkakasala at kahihiyan. Kailangang marating nila ang dulo ng kanilang mga sarili, para walang iba kundi kahabagan lamang ang maaring makatulong sa kanila. Ito ang mensahe ng krus ni Cristo—walang kondisyong pag-ibig at kapatawaaran para doon sa mga dumating na dulo ng kanilang mga sarili!

Ipinakita ng Diyos kay Jose ang katotohanang ito, at ipinabilanggo ni Jose ang mga kapatid niya ng tatlong araw—hindi para parusahan sila, kundi para bigyan sila ng pagkakataon na harapin ang katotohanan tungkol sa mga kasalanan nila. Ang batas ang umiiral sa mga sandaling iyon, ipinakikita sa kanila ang kanilang malademonyong kalikasan. At ito ay nagamit! “At sila'y nagsabisabihan, Katotohanang tayo'y salarin tungkol sa ating kapatid, sapagka't nakita natin ang kahapisan ng kaniyang kaluluwa, nang namamanhik sa atin, at hindi natin siya dininig; kaya't dumarating sa atin ang kahapisang ito” (Genesis 42:21).

Imposibleng maunawaan ang biyaya ng Diyos hanggang hindi natin nararating ang katapusan ng ating pagkukunan at maranasan at kanyang habag. Ang biyayang iyan ang makapagliligtas mula sa lahat kahihiyan at kasalanan.

Biyernes, Nobyembre 26, 2010

DAING NA GALING SA PUSO

Naniniwala ako na ang mahabaging pag-ibig ng Diyos ay ipinapahayag bilang tugon sa isang daing na galing sa puso—hindi basta pag-iyak lamang, ngunit isang mapagkumbabang daing para sa kaligtasan. Ang Bibliya ay maraming sinasabi tungkol dito sa pagdaing na galing sa puso. “Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, at dumaing ako sa aking Dios: dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, at ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig” (Awit 18:6).

“Madalas na iligtas niya sila; nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo, at nangababa sila sa kanilang kasamaan. Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan, nang kaniyang marinig ang kanilang daing” (Awit 106:43-44).

Makatitiyak ka na ang daing para sa Diyos ay laging tinutugon sa pamamagitan ng mapagpagaling na salita galing sa langit! Walang sinuman ang mas makasalanan walang pag-asa kung siya ay lalapit sa Diyos ng may buong pagpapakumbaba. Ang kasaysayan ng makasalanang Haring Manases ay pinatunayan ito! Sinabi ng Bibliya na siya ba’y isa sa pinamakasalanang hari ng Israel. “At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon…Sapagka't kaniyang itinayo uli ang mga mataas na dako na iginiba ni Ezechias na kaniyang ama; at kaniyang ipinagtayo ng mga dambana si Baal…At siya'y nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon, na pinagsabihan ng Panginoon, Sa Jerusalem ay ilalagay ko ang aking pangalan… At kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy, at nagpamahiin, at nagsanay ng panghuhula, at nakipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya'y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit” (2 Hari 21:2-6).

At iniligaw ni Manases ang Juda at ang mga taga Jerusalem, na anopa't sila'y nagsigawa ng higit na sama … At ang Panginoon ay nagsalita kay Manases, at sa kaniyang bayan: nguni't niwalang bahala nila” (2 Cronico 33:9-10)

Mayroon bang pag-asa ang sinumang lumayo sa Diyos, ganap na kinubabawan ng demonyo at kadiliman? Oo, kung magpapakumbaba siya at magkukumpisal at maniniwala sa tagumpay ni Cristo sa krus. Si Manases ay nauwing bilanggo sa ibang bansa, nakagapos sa tanikala. Ito ay isang matingkad na larawan ng pagbabayad ng kasalanan. Ngunit sa kanyang kasawian, dumaing siya at siya ay narinig ng Diyos, pinatawad siya at muli siyang pinanumbalik.

“ At nang siya'y nasa pagkapighati siya'y dumalangin sa Panginoon niyang Dios, at nagpakumbabang mainam sa harap ng Dios ng kaniyang mga magulang. At siya'y dumalangin sa kaniya; at siya'y dininig, at pinakinggan ang kaniyang pamanhik, at ibinalik siya sa Jerusalem sa kaniyang kaharian. Nang magkagayo'y nakilala ni Manases na ang Panginoon ay siyang Dios” (2 Cronico 33:12-13).

“At kaniyang inalis ang mga dios ng iba, at ang diosdiosan sa bahay ng Panginoon, at ang lahat na dambana na kaniyang itinayo sa bundok ng bahay ng Panginoon, at sa Jerusalem, at inihagis ang mga yaon mula sa bayan” (v. 15).

Ang salita ng pag-asa, kapatawaran, kahabagan, pag-ibig at panunumbalik ay para sa iyo. Makinig sa kanyang Salita, mag-sisi, at manumbalik at maglakad kasama ang Panginoon! Walang kasalanan na hindi maaring patawarin—walang sinuman ang labis na nalayo para pagalingin at panumbalikin.

Huwebes, Nobyembre 25, 2010

TUMAYO AT LUMAKAD

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka” (Juan 5:8). Itong lalaking lumpo na nasa Sapa ng Betesda ay maaring nasabik sa salaysay tungkol kay Jesus na gumagala sa bayan at nanggagamot. Maaring nakarinig siya ng ibang salaysay tungkol Jesus, ngunit hindi siya kilala ng personal. Siya ay nakulong ng kanyang kahinaan at hindi niya nakilala ang Panginoon. Ngunit alam ni Jesus ang lahat tungkol sa kanya! Lumapit si Jesus sa kanya sa kanyang paghihirap at kalungkutan, at habag ay ipagkakaloob na! Ang Panginoon ay naawa sa pakiramdam ng lalaking dukha sa kanyang paghihirap at ang hiniling niya lamang sa kanya ay maniwala sa kanyang Salita at kumilos tungkol dito. “Tumindig ka! Kunin mo ang iyong hinihigaan! At lumakad kang palayo mula dito!”

Pagkatapos ng pagpapagaling sa lalaking ito, makikita siya ni Jesus sa templo at kakausapin siya. Makikilala niyang mabuti si Jesus at magtitiwala sa kanya. Ngunit ngayon, nakahiga sa sapa na kaawa-awa at nawalan ng pag-asa, humaharap siya sa pinakamabigat na pagpapasiya sa kanyang mga taon ng paghihirap. Isang salita ng pag-asa ng pagmumuling buhay ay dumating sa kanya at siya ay hinahamon: Tumayo sa pananampalataya at maging buo, o mahiga sa awa sa sarili at mamatay mag-isa!

Ang lalaki ay maaring patuloy na nakahiga sa sapa sa kawalan ng paniniwala, ayaw kumilos, iniisip sa sarili niya, “Hindi makakatulong ito. Bakit ako pipiliin ng Diyos mula sa dami ng mga tao na itayo para pagalingin? Ako ay nakalaan na mamatay sa ganitong kalagayan.“ Hindi siya sana pinatayo ni Jesus laban sa kanyang kalooban. Kailangan paniwalaan ng lalaking ito na ang kanyang mga daing ay narinig na at ang sandali ng kanyang pagliligtas ay dumating na. ito ay ngayon na o hindi na kailanman!

“Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan. Sapagka't sinisinta ng Ama ang Anak, at sa kaniya'y ipinakikita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa: at lalong dakilang mga gawa kay sa mga ito ang sa kaniya'y ipakikita niya, upang kayo'y magsipanggilalas” (Juan 5:19-20).

May kakanyahan, sinasabi ni Jesus sa mga nagdududa, “Nais ng aking Ama na pagalingin siya, kaya pinagaling ko siya. Ginagawa ko lamang ang kalooban ng aking Ama.” Iyon ay kalooban ng Diyos, pag-ibig ng Diyos, nais ng Diyos, na gawing buo ang lalaking ito.

Mahirap paniwalaan na iniibig ka pa rin ng Diyos kung ikaw bagsak at nanghihina! Kung marami ng taon ang nasayang; kung nilumpo na ng kasalanan ang iyong katawan at kaluluwa; kung pakiramdam mo ay wala ka nang silbi at halaga pa, at hindi nakakalugod sa Diyos at pagtatakahan kung bakit pa siya mag-aalala. Kinakailangan ang pananampalataya na tulad ng isang bata para matanggap ang pag-ibig na iyon, lumabas sa pananampalataya at sabihing, “Panginoon sa isang salita mo lamang tatayo ako at lalakad—kasama ka!

Hindi mo na kailangang maunawaan ang lahat ng doktrina tungkol sa pagsisisi, kasalanan at katuwiran. Maaring hindi mo kilala si Jesus sa malalim at mahalagang paraan! Ngunit may panahon para diyan; malalaman lahat iyon kung gagawin mo ang unang hakbang ng pagsunod, tumayo ka, at lumapit sa Panginoon. “Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili” (Juan 7:17).

Miyerkules, Nobyembre 24, 2010

ANG HANGIN NG ESPIRITU

Doon sa mga patungo sa Itaas na Silid (tingnan Gawa 1 at 2) ay magiliw na iniibig si Jesus. Sila ay naturuan sa paaralan ni Cristo. Sila ay nakagawa na ng himala, nakapagpagaling ng may sakit, at nakapagpaalis ng demonyo. Sila ay mahabagin, mapagbigay, at mapagmahal sa espiritu, ngunit hindi pa sila karapatdapat na maging patotoo niya!

Sila ay nasa malapit lamang nang ipawis niya ay dugo. Nakita nila siya na nakapako sa krus at nakita nila ang walang laman na puntod pagkatapos na siya ay muling nabuhay. Sila ay kumain kasama siya at nakausap siya sa kanyang maluwalhating katawan. Nakita nila si Jesus na nakadamit sa kanyang walang hanggang kaluwalhatin sa bundok. At nakita rin nila ng siya ay umakyat sa langit! Gayunman, hindi pa rin sila handa na sumaksi para sa kanya!

Bakit hindi makapunta si Pedro doon sa nagkaka-ipon na mga tao sa Jerusalem at kaagad na magpatotoo sa kanyang muling pagkabuhay? Hindi ba’t una niya itong nasaksihan? Kailangan nila ang kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Gumawa si Pedro ng isang makapangyarihang pahayag sa punong saserdote: “At kami'y mga saksi ng mga bagay na ito; at gayon din ang Espiritu Santo, na siyang ibinigay ng Dios sa nagsisitalima sa kaniya”(Gawa 5:32). Sa pamamagitan ng salita ng Espiritu Santo na binigkas sa pamamagitan ni Pedro, ang saserdote ”ay nangasugatan sa puso, at nangagpasiyang sila'y patayin”(Gawa 5:33).

Si Esteban, puspos ng Espiritu Santo, ay nangaral sa mga saserdote: “Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo… Nang marinig nga nila ang mga bagay na ito, ay nangasugatan sila sa puso, at siya'y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin”(Gawa 7:51,54).

Nang ikaw ay lumutang mula sa paghahanap sa Diyos, puspos ng Espiritu Santo, maari kang tumayo ng may lakas ng loob sa harapan ng iyong mga kamanggagawa, pamilya—kahit sino—at ang iyong patotoo ay mag-uudyok ng isa sa dalawang reaksiyon. Maaring sila ay dumaing, “Ano ang kailangan kong gawin para maligtas?” O kaya ay maari ka nilang patayin. Magsasabi ka ng salita na tatagos sa puso.

Kung naghahanap ng mahimala sa gusali ng iglesya, mabibigo ka lamang. Nadalaw mo na ba ang Itaas na Silid ilang oras pagkatapos humangin papasok, ang apoy ay bumagsak, ang gusali ay nayanig, naghahanap na maranasan ang isang bagay na mahimala, maari ka lamang mabigo.

Nakita mo, ang hangin ng Espiritu ay hinipan ang lahat ng tao palabas ng kalsada, patungo sa pamilihan! Maari mong naitanong, “Nasaan ang pagmumuling-buhay, ang sobrenatural na hangin? Maari ko bang makita yaong mga dila ng apoy?” at maari kang ituro sa labas sa 120 na saksi sa mga kalsada, ipinangangaral si Jesus sa kapangyarihan ng Espiritu Santo! Doon nandoon ang pagmumuling-buhay—at patuloy pa! iyon ang pagbubuhos! Ang hangin, ang apoy, ang Espiritu—nasa mga saksi na ang mga ito ng Diyos!

Martes, Nobyembre 23, 2010

ANG PUNDASYON NG TUNAY NA PANANAMPALATAYA

Ang tanging sandali na mauubos ang pasensya ng Diyos sa atin ay kapag patuloy nating tinatanggihan ang kaniyang pagmamahal sa atin.

Maraming Kristiyano ngayon ay tumalikod pabalik sa ilang ng sarili nilang gawa. Wala silang kagalakan, walang tagumpay. Kung titingnan sila, iisipin mo na sila ay pinabayaan ng Diyos maraming taon na ang nakalipas. Hindi—sadya lamang niyang hinayaan sila sa kanilang pagrereklamo at pagbulung-bulong.

Salamat sa Diyos, si Joshua at Caleb ay pumasok sa Lupang Pangako. At sila ay nanatiling nakatayong parang malusog na puno sa tahanan ng Diyos hanggang sa huling sandali ng kanilang mga buhay. Sila ay mga taong makapangyarihan at may pangitain sapagkat alam nila na sila ay mahalaga para sa Diyos.

Ikaw man ay mahalaga sa Panginoon, kahit na marami kang suliranin at mga kabiguan. Maari ka ring maging isang malusog na puno sa tahanan ng Diyos katulad ni Joshua at Caleb.

Manatili lamang na naninidigan sa mga pangako ng mga Salita ng Diyos: “Inilabas naman niya ako sa maluwag na dako; iniligtas niya ako, sapagka't siya'y nalulugod sa akin” (Awit 18:19).

Ito ang pundasyon ng tunay na pananampalataya!

Lunes, Nobyembre 22, 2010

IKAW AY KAYAMANAN SA DIYOS

Sinabi ng Salita, “ Sapagka't dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay: at hinuhuli ng mangangalunya ang mahalagang buhay” (Kawikaan 6:26). Ang tinutukoy dito ng talata ay si Satanas. At tinutugis niya ang mga taong mahahalaga sa Diyos.

Nagbigay ang Bibliya sa atin ng isang maliwanag na paglalarawan nito sa aklat ng Bilang 13 at 14. Ang Israel ay nagpadala ng 12 espiya para maghanap at magsiyasat sa Lupang Pangako. Nang bumalik ang mga espiya pagkaraan ng 40 araw, ang sampu sa kanila ay nagtanim ng tatlong kasinungalingan sa puso ng mga tao ng Diyos: (1) “Lubos na maraming tao sa lugar na iyon; lubhang malalakas sila para sa atin.” (2) “Ang lunsod ay may pader na napakatataas; ang kanilang pinagkukutaan ay di kayang pasukin.” At (3) “Mayroong mga higante sa lugar na iyon, at hindi natin sila kayang supilin. Wala na tayong magagawa! Tapos na tayo!”

Ang mga kasinungalingang ito ay tumusok sa puso ng mga taga Israel. Sinabi ng Banal na Kasulatan ang mga tao ay nagtiis ng isang gabi ng kawalan ng pag-asa. “At ang buong kapisanan ay naglakas ng kanilang tinig, at humiyaw; at ang bayan ay umiyak ng gabing yaon” (Bilang 14:1). Mahigit na 2 milyong tao ang nag-iiyakan, sumisigaw, nanaghoy—lubos na nakatuon sa kanilang mga kahinaan at kawalan ng kakayahan. Ang kanilang panaghoy ng kawalan ng pananalig ay umabot sa kalangitan.

Mga minamahal, ang demonyo ay naghasik din ng katulad na tatlong kasinungalingan sa mga tao ng Diyos sa panahong ito. “Lubhang marami ang inyong mga pagsubok. Sinusupil kayo ng mga tukso. Lubhang mahina ka para mapaglabanan mo ang kapangyarihang dumadaig sa iyo.”

Ang salitang sinabi ng Diyos sa Israel ay siya ring sinasabi niya sa atin sa panahong ito: “Kaya't ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka't ang buong lupa ay akin” (Exodo 19:5). “Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Diyos, at ikaw ay pinili ng Panginoon upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa” (Deutoronomo 14:2).

Si Joshua at Caleb ay may pahayag ng kanilang kahalagahan sa mata ng Diyos. Alam nila na ang Israel ay mahalaga sa Diyos. At iyan ang susi ng kanilang espirituwal na pag-asa. Sinabi ni Joshua, “Kung kalulugdan tayo ng Panginoon ay dadalhin nga niya tayo sa lupaing yaon, at ibibigay niya sa atin; na yao'y lupaing binubukalan ng gatas at pulot” (Bilang 14:8). Sa madaling sabi, “Dahil kinalulugdan niya tayo, ang lupang pangako ay para na ring sa atin.”

Ganito rin ang pahayag na mayroon si David: “Iniligtas niya ako at pinalaya—sapagkat nalulugod siya sa akin.” Kahalintulad ngayon, ang bawat tagumpay na Kristiyano sa panahong ito ay may katulad ding pahayag ng kanilang mapagmahal na Amang nasa langit. “Hindi tayo mabibigo! Ang lahat ng ating mga kaaway ay balewala sa atin, sapagkat tayo ay mahalaga sa Panginoon.”

Biyernes, Nobyembre 19, 2010

IKAW AY NATATANGI PARA SA IYONG AMANG NASA LANGIT!

Hindi ko malilimutan ang kirot na pinagtiisan ko nang minsang ang isang anak ko ay lumapit sa akin, “Ama, hindi ko minsan man na nadama na nalugod ka sa akin. Hindi ko nadama na karapatdapat ako sa iyong pagmamahal. Ang pakiramdam ko ay binigo kita sa buong buhay ko. Tiyak na mabigat ang loob mo akin.”

Walang ibang pangungusap na higit na nasaktan ako. Tinanong ko ang sarili ko ano ang maari kong nagawa para ipadama sa anak ko ang ganoon. Pagkaraan, nasaktan ang kalooban ko, niyakap ko ang lumuluhang nakababatang anak ko. Naisip ko, ”Gaano kamali, ang ipinakita kong pag-ibig sa anak ko. Sinasabi ko ito at ipinakikita ito papa-panahon. Ang lahat ng ibang anak ko ay nakadarama ng katiyakan ng pag-iig ko. Paanong ang batang ito ay dala-dala ang maling akalang ito ng napakatagal na at dala-dala ang hindi kinakailangang paghihirap at mabigat na dalahin sa kalooban?”

Sinabi ko sa aking minamahal na anak, “Ikaw ay natatangi para sa akin. Bakit, ikaw ay namumukod sa aking pagtingin. Pag iniisip kita, ang buong pagkatao ko ay nagliliwanag. Totoo, may mga nagawa kang kalokohan paminsan-minsan, pero ganoon din ang iyong mga kapatid. At ikaw ay pinatawad na. Totoong nagsisi ka, at ni minsan ay hindi nabawasan ang pagtingin ko sa iyo. Ikaw ay walang iba kundi isang kagalakan sa akin. Sa buong buhay mo ay pinasaya mo ako. Ikaw ay isang kaluguran sa aking puso.”

At ganon din sa maraming Kristiyano sa kanilang relasyon sa Amang nasa langit. Nakumbinsi ng demonyo ang mga mananampalatayang ito na binigo nila ang Diyos at kailanman ay hindi nila siya malulugod. Kaya’t hindi nila basta matanggap ang pag-ibig ng Diyos. Sa halip, namumuhay sila na para bang ang poot ng Diyos ay palaging nakatuon sa kanila. Isang kahindik-hindik na paraan ng pamumuhay. At gaano kasakit ito sa Diyos kapag nakikita niya ang kaniyang mga anak na namumuhay ng ganito.

Mga minamahalal, mula pa ng isinilang kayo, kayo ay mahalaga na sa inyong Amang nasa langit.

Huwebes, Nobyembre 18, 2010

IKAW AY MAHALAGA SA DIYOS

“Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito ay kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng iyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman” (Efeso 2:8-9).

Kahit na mabuhay ka ng 500 taon, hindi ka mabubuhay ng matagal para malugod mo ang Diyos sa pamamagitan ng sarili mong gawa lamang. Hindi mahalaga kung gaano man kahirap ang ginawa mo para linisin ang sarili mo. Ang sarili mong laman ay hindi katanggap-tanggap sa harapan ng Diyos, hindi ito maaring baguhin. Ang lahat ng pagsisikap ng laman ay tinapos na sa Krus ng Kalbaryo. Ngayon isang bagong tao ang dumating: si Cristo ang tao. Ang tunay na pananampalataya ay ang magkaroon ng paniniwala sa mga ginawa niya para sa iyo.

Maari mong sabihin, “O, maari akong maniwala na ang Diyos ay nalulugod sa mga tapat na mga pastor. Sila ay umuubos ng maraming panahon sa pananalangin at pag-aaral ng kaniyang Salita. Naniniwala ako na mahalaga sa kanya ang mga matatanda. Napagtiisan nila ang mga paghihirap, mga pagsubok, at napagtagumpayan nila ang mga ito. Ngunit mahirap para sa akin na maniwala na ang isang naguguluhan, bagsak na mananampalataya na katulad ko ay maaring may halaga pa sa Diyos. Marapat lamang na siya ay sumama ang loob sa akin sapagkat ang buhay ko ay babangon-at-babagsak ng paulit-ulit. Mayroon akong suliranin na hindi ko malampasan. Naniniwala ako na iniibig pa rin niya ako, ngunit natitiyak ko na siya ay hindi nalulugod sa akin.”

Mangyari sanang unawain ang kagila-gilalas at kahanga-hangang hula ni Isaias tungkol sa biyaya ng Diyos ng sinabi ng Diyos, “Sapagka't tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin” (Isaias 43:10. Ito ay ipinahayag sa mga taong ninakawan, inagawan, binitag at ibinilanggo—dahil sa kanilang mga kahangalan at kawalan ng paniniwala.

At iyon ang punto na sinabi ng Diyos sa kanila, “Ngayon—pagkatapos ng lahat ng iyong mga kabiguan—lumalapit ako sa iyo kasama ang mensaheng ito ng pag-asa. At ang lahat ng ito ay dahil ikaw ay akin!”

Miyerkules, Nobyembre 17, 2010

NAIS NG DIYOS NA PALAYAIN KA

Noong may tatlong kabataan ang inihagis sa nag-aapoy na pugon, mayroong ikaapat na nandoon din kasama nila: si Jesus! Hindi sila nasunog. Sa katunayan, ang kanilang mga damit at buhok ay hindi man lamang nangamoy usok. Iyan ang uri ng kalayaan na nais ng Diyos na ipagkaloob sa iyo sa panahon ng iyong espirituwal na pagsubok.

Ano ang hangarin ng Diyos para naisin na palayain ka? Dahil ba sa ikaw ay may ginawang bagay para mapayapa siya? Dinagdagan mo ba ang oras ng iyong pananalangin? Dinagdagan mo ba ang oras ng iyong pagbabasa ng Banal na Kasulatan? Ang lahat ng ito ay mabuti. Ngunit si Isaias ay may tatlong pahayag nang sinabi niya, “Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka... Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo” (Isaias 43:4-5).

Sinasabi ng Diyos sa Israel sa aklat ni Isaias 43, “Ikaw ay may pagdadaanang apoy at baha sa buhay mo. Ngunit huwag kang matakot; Kasama mo ako sa iyong paglalakad sa mga pagsubok na ito. At palalayain kita sa katapusan nito sapagkat ikaw ay akin. Tinawag kita sa pangalan mo. At ikaw ay kaluguran sa aking puso.”

Martes, Nobyembre 16, 2010

ANG DALISAY NA HABAG NG DIYOS

Si Isaias ay may pahayag ng dakilang kaluguran ng Diyos para sa atin. Hinulaan niya, “Nguni't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, sapagka't tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin. Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo (Isaias 43:1-2).

Hindi nangungusap si Isaias ng literal tungkol sa totoong baha o apoy. Ang sinasabi niya ay tungkol sa mga taong may pinagdadaanang espirituwal at mga suliraning isipin. Ang Israel ay nasa pagkakabihag ng mga panahong iyon. Ang baha sa buhay nila ay ang mga pagsubok; ang apoy sa buhay nila ay halintulad sa mga tukso; at ang mga ilog ay mga pagsubok. Ang lahat ng ito ay mga ginagawa ni Satanas para wasakin at pangibabawan ang mga tao ng Diyos.

Ang mga salita ni Isaias ay mga mensahe ng dalisay na habag para sa Israel. Ang mga tao ay nasa pagkakabihag dahil sa sarili nilang kahangalan at kagunggungan. Ngunit nagpadala ang Diyos sa kanila ng isang propetang may bagbag na loob na nagsabing, “Nais ng Diyos na sabihin ko sa inyo na kayo ay nabibilang sa kanya.”

Sa mga sandaling ito, marahil kayo ay nasa kalagitnaan ng inyong umiinog at magulong mundo. Maaring nadarama mo na ikaw ay nakukubabawan ng mabigat na pagsubok o tukso na nagbabadya na lamunin ka. Dapat mong unawain na mula sa mga halimbawa ng Banal na Kasulatan na hindi palaging pinahuhupa ng Diyos ang alon ng dagat. Hindi palaging pinipigilan niya ang pagdating ng baha o pinapatay ang apoy.

Gayunman ito ang pangako niya: “Sasamahan kita sa lahat ng mga ito. Ang mga pagsubok o mga pangyayaring ito ay hindi wawasak sa iyo. Hindi ka tatapusin nito. Makakalabas ka sa kabilang bahagi na kasama mo ako na katabi ka.”

Lunes, Nobyembre 15, 2010

ANG SUSI SA LAHAT NG KALAYAAN

Binigyan ng Espiritu Santo si David ng pahayag na siyang susi sa lahat ng kalayaan. Maaring sabihin ni David, ”Ang dahilan kaya ako ay pinalaya ng Diyos mula sa lahat ng aking mga kaaway—sa lahat ng aking mga kalungkutan at sa kapangyarihan ng impiyerno—ay sapagkat ako ay mahalaga sa kanya. Ang Diyos ay nalulugod sa akin!”

“Inilabas naman niya ako sa maluwag na dako; iniligtas niya ako, sapagka't siya'y nalulugod sa akin (Awit 18:19). Kailangan mo ba ng kaligtasan? Mula sa tukso ng laman, tukso o mga pagsubok? Mula sa mga suliranin na isipin, espirituwal, emosyonal, o sa pisikal na pangangatawan? Ang susi ng iyong tagumpay ay nasa talatang binanggit sa itaas. Ang Diyos ay nalulugod sa iyo! Ikaw ay mahalaga sa kanya!

Sa Awit ni Solomon, sinabi ng Panginoon sa kanyang nobya, “Pagkaganda at pagkaligaya mo, Oh sinta, sa mga kaluguran!” (Awit ni Solomon 7:6) Ang tatlong Griyegong salita sa talatang ito ay magkakatulad: ang marikit ay nangangahulugang mahalaga; ang nakalulugod ay nangangahulugan na nakaaaliw; at nagagalak. Ang mga salitang ito ay naglalarawan sa isipan ni Jesus tungkol sa kanyang nobya habang nakamasid siya dito. Nakatingin siya at sinabing, “Ang ganda mo, nakalulugod at kaaya-aya ka. Mahalaga ka sa akin, O mahal ko.’

Bilang ganti, ipinagmalaki ng nobya, “Ako'y sa aking sinisinta, at ang kaniyang nasa ay sa akin” (7:10). Ang pakahulugan dito ay: Hinahabol niya ako ng may kagalakan. Hinahabol niya ako dahil mahalaga ako sa kanya.

Ang katulad na mga isiping ito ay nasa aklat ng Awit. “Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob” (Awit 147:11). “Sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan: kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo” (149:4).

Biyernes, Nobyembre 12, 2010

MGA KALAPATI

Tinulungan ako ng Diyos na malampasan ko ang lahat ng aking mga pinagdadaanang kapighatian sa pamamagitan ng pagpapakita sa akin ng lihim na pag-asa ni Haring David. Si David, na dumadaing, ay nagtaka kung bakit ang Diyos ay galit sa kanya. Tumawag siya sa Diyos na, “Ilabas mo sa iyong sinapupunan, at iyong lipulin sila”(tingnan Awit 74:11). Sa palagay ni David ang mga kalaban ng Diyos ay nakalalamang at nangingibabaw at sa kanyang kawalan ng pag-asa, nanalangin siya, “Oh huwag mong ibigay ang kaluluwa ng inakay ng iyong kalapati sa mabangis na hayop: huwag mong kalimutan ang buhay ng iyong dukha magpakailan man”(Awit 74:19).

Katulad ni David, sinimulan nating tingnan ang ating mga sarili na katulad ng mga inakay ng kalapati, napaliligiran ng mga patibong at bitag ng mga makasalanan. Pinalalakas nito ang loob ko, sa pinakamabigat kong kalagayan, na makita ang sarili ko bilang minamahal niyang ibon, may kapahingahan sa kanyang pangako na ilalayo ako sa bitag ng kaaway. Katulad ng kalapati, nananabik tayo sa presensiya ng ating minamahal na Tagapagligtas.

Isinasalarawan ko si Cristo na palapit sa akin bilang isang kalapati—ang kanyang Espiritu Santo—ipinapahayag sa akin ang kanyang matatag na pag-ibig at patuloy na pangangalaga. Gaano kalagim na ang isang dakila at marangal na Diyos ay mag-uugnay sa aking mga pangangailangan bilang isang kalapati. Hindi ba siya bumaba kay Cristo sa tubig ng bautismo bilang isang kalapati?

Anak ng Diyos, ikaw ba ay dumadaan sa panahon ng pagdurusa? Mayroon bang paghihirap sa iyong tahanan? Ikaw ba’y nasasaktan? Ikaw ba’y naguguluhan dahil sa kabigatan ng lahat ng ito? Pakatandaan, ikaw ang inakay ng kalapati ng Panginoon at hindi ka niya ibibigay sa kaaway. Ililigtas ka niya sa bawat patibong ng kaaway at ipakikita sa iyo kung gaano siya katapat sa oras ng iyong pangangailangan. Nandoon siya sa tabi mo, sa lahat ng sandali, bilang kalapati, bumubulong, ibinabahagi ang pag-ibig niya sa iyo.

Si Solomon, na nangungusap tungkol kay Cristo, ay nagsabi na, “Ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga kalapati sa siping ng mga batis ng tubig; na hinugasan ng gatas at bagay ang pagkalagay” (Awit ni Solomon 5:12). At sa iglesya, mga minamahal ng Panginoon, ito ay nakasulat, “Ang aking kalapati, ang aking sakdal ay isa lamang…”(Awit ni Solomon 6:9). Tayo ay iisa kay Cristo—ang kanyang kalapati.

Ang maya ay nalaglag sa lupa, ngunit hindi ang kalapati. Siya ay hawak sa palad ng kanyang kamay, ligtas at panatag sa kanyang pag-ibig. Ang pinakamahusay sa lahat, ililigtas tayo ng Panginoon sa lahat ng ating kaguluhan at patutunayan niya ang kanyang walang-hanggang katapatan sa atin. Malalampasan natin lahat ang mga ito na nagbubunyi at may buong kapahingahan at pananalig sa kanyang kapangyarihan at pag-ibig.

Huwebes, Nobyembre 11, 2010

KALEB

Kaleb, ang pangalan na ang ibig sabihin ay malakas, matatag, ay uri ng isang nakakapit sa Panginoon! Si Kaleb ay hindi maihawalay kay Josuah, kumakatawan doon sa mga patuloy na naglalakad kasama ang Panginoon sa lahat ng mga gumugulo sa buhay.

Sinamahan ni Kaleb ang mga espiya sa Jordan, na kung saan siya dinala sa Hebron—“ang lugar ng kamatayan.” Si Abraham at Sarah ay inilibing doon, katulad ni Isaac at Jacob at ang mga patriarka, at sa pagdaan ng mga taon, ang kaharian ni David ay magsisimula doon. May kasamang pagkamangha si Kaleb ay umakyat sa pinagpalang bundok at ang pananampalataya ay binaha ang kanyang kaluluwa. Pinahalagahan niya ang pinagpalang lugar na iyon at mula sa sandaling iyon, ninais niya na mapasakanya ang Hebron.

Sinabi ni Kaleb na “sumunod ng lubos sa Panginoon”(Bilang 4:24). Hindi siya nag-alinlangan hanggang sa huli at sa edad na 85 makakasaksi siya: “Gayon ma'y malakas pa ako sa araw na ito na gaya nang araw na suguin ako ni Moises: kung paano nga ang lakas ko noon, ay gayon ang lakas ko ngayon, sa pakikidigma, at gayon din sa paglalabas pumasok”(Josuah 14:11).

Sa kanyang katandaan siya ay sumabak sa kanyang pinakamalaking digmaan! “Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito… (14:12). “At binasbasan siya ni Josue at kaniyang ibinigay ang Hebron kay Caleb na Anak ni Jephone, na pinakaari niya…” (14:13). Kaya't ang Hebron ay naging mana ni Caleb na anak ni Jephone na Cenezeo hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang lubos na sinunod ang Panginoon, ang Dios ng Israel” (14:14).

Ang mensahe ay lubos na maluwalhati: hindi sapat na mamatay sa kasalanan—na pumasok sa kapunuan sa nakalipas. Ang kailangan ay lumago sa Panginoon hanggang sa wakas! Na mapanatili mo ang iyong espirituwal na kapangyarihan at lakas na hindi nag-aalinlangan. “Ang lubos na sumunod sa Panginoon” maging sa katandaan!

Ang Hebron-na mana ni Kaleb—ay nangangahulugan na isang may ugnayan sa samahan! Ugnayan sa ano? Sa kamatayan? Hindi lamang sa kamatayan sa kasalanan sa Jordan, kundi ang namumuhay sa lugar ng kamatayan. Namumuhay doon sa mga may ugnayan sa kamatayan at pagmumuling-buhay ni Jesucristo! “Ibigay mo sa akin ang bundok na ito,“ panalangin ni Kaleb. Sa ibang salita, “Ibigay mo sa akin ang lakaran ng kamatayang ito sa sarili!” Dito si Abraham ay nagtatag ng altar para iaalay ang kanyang anak at dito si Kaleb at ang kanyang tribo ay mamumuhay, may matatag na ugnayan sa altar ng buhay na sakripisyo.

Ang dedikasyon ni Kaleb para sa Panginoon ay nagbunga ng banal na apoy para sa mga anak ng Diyos. Habang ang mga anak ng dalawa at kalahati pa ay tumalikod at yumakap sa sanlibutan at sa pagsamba sa diyus-diyosan, ang pamilya ni Kaleb ay lumagong matatag sa Panginoon!

Ang hangarin ng Diyos para sa ating lahat ay ang pumasok tayo sa lugar ng may kapahingahan, kagalakan at kapayapaan sa Espiritu Santo. Ito ay nangangailangang sumunod tayo “ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo, at ng buong lakas mo”.

Miyerkules, Nobyembre 10, 2010

ANG TAPUSIN ANG PALIGSAHAN

“Sapagka't alin sa inyo, ang kung ibig magtayo ng isang moog, ay hindi muna uupo at tatayahin ang halagang magugugol kung mayroong maipagtatapos? Baka kung mailagay na niya ang patibayan, at hindi matapos, ang lahat ng mga makakita ay mangagpasimulang siya'y libakin, Na sabihin, Nagpasimula ang taong ito na magtayo, at hindi nakayang tapusin”(Lucas 14:28-30).

Nagpahayag si Jesus ng mga salitang ito ng malapit na sa pagtatapos ng kanyang ministeryo sa sanlibutan na may layunin na paalalahanan ang mga tagasunod na ang mabuting layunin ay hindi sapat para malampasan ang mga panahon ng paghihirap. Marami sa mga tagasunod ay walang kakayahang tapusin ang paligsahan!

Naniniwala ako na ang pinaka matrahedyang kalagayan na maaring mangyari ay magsisimula na ganap na may layuning na panghawakan si Cristo at lumago patungong isang matanda nang disipulo, at sa halip ay unti-unting lumalayo, at nanlamig ang loob sa kanya. Nagtatag siya ng pundasyon ngunit hindi natapos, dahil hindi niya muna tinuos ang halaga. Naubusan siya ng pagkukunan; nakalayo siya at tapos ay umayaw.

Ginising tayo ng Diyos at ipinaunawa niya sa atin na tayong lahat ay nagbabago. Walang kasabihang manatiling nakatayo; ito ay maaring nagbabago ka araw-araw sa larawan ni Cristo
o nagbabalik ka sa dati mong lumang karnal na pamamaraan. Para doon sa mga deteminadong panghawakan si Cristo sa anumang paraan, doon sa mga nagbubuhat ng kanilang krus, itinatanggi ang sarili, at nagpapatuloy sa kanya, sinabi ni Pablo na, “Datapuwa't tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu”’(2 Corinto 3:18).

Isang kagalakan ang makilala yaong mga nakatapos ng paligsahan. Sila ay lumalago sa karunungan at kaalaman kay Cristo, lumalayo sa sanlibutang ito at sa mga kasiyahan nito, at nagiging lumalagong makalangit ang pag-iisip. Ang kanilang mga espirituwal na mga pandama ay higit na nagagamit at ang kanilang pang-unawa na kung ano ang sa Diyos o para sa laman ay patuloy na lumalago. Pinutol nila ang lahat ng nakakapit na mga bagay na pang-salibutan at sa lumalagong paglakas, kinasasa bikan nilang makasama siya sa kaluwalhatian. Para sa kanila ang mamatay ay tagumpay at ang ultimong premyo ay ang tawagin sa kanyang presensiya para makatabi niya ng walang-hanggan. Hindi langit ang hinahanap nila kundi si Cristo sa kanyang kaluwalhatian!

Makatitiyak ka na kapag bumalik na si Cristo, magkakaroon siya ng maluwalhating iglesya na naghahangad na makasama siya. Pagsasama-samahan ito ng mga bumitaw na sa sanlibutan at ganap na nakikiisa sa kanya na ang kumilos mula sa pagiging duwag tungo sa pagiging matatag na kalagayan ay magiging natitirang huling hakbang ng pag-ibig patungo sa kanyang presensiya.
Maaring natumba ka sa paligsahan ng Kristiyanismo, ngunit maari kang tumayong muli at tumakbong muli. Hindi ka hahayaan ni Cristo na manatiling nakatumba sa daanan, pagod, napilayan. Itatayo ka niya mula sa iyong nanghihinang mga tuhod at bibigyan ka ng makapangyarihang lakas para makatapos.

Hindi ka niya pababayaan. Sa pamamagitan ng biyaya, matatapos mo ang paligsahan at ang Panginoon ay naandoon sa katapusan ng linya para sabihing, “Nagawa mo ng mahusay!”

Martes, Nobyembre 9, 2010

ANG TANGI NATING PAGKAIN!

Ito ay may katotohanan—tayo ay kung ano ang ating kinakain. Sinabi ni Jesus na ang kanyang katawan ang ating pagkain. “Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili”(Juan 6:53).

“Marami nga sa kaniyang mga alagad, nang kanilang marinig ito, ay nangagsabi, Matigas ang pananalitang ito; sino ang makaririnig noon?” (v. 60). Hindi maunawaan ng mga Hudyo ang ganitong kaisipan, at “Dahil dito'y marami sa kaniyang mga alagad ay nagsitalikod, at hindi na nagsisama sa kaniya”(v. 66).

Doon sa mga nagwalang bahala sa pagkain na ito ng Panginoon sa mesa ng pakikipag-isa na nag-iisa ay hindi nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ni Jesus. Ang Komunyon ay hindi isa lamang nagsasagisag; sa halip, ito ay para paalalahan tayo na siya ay naging pinanggalingan ng buhay sa pamamagitan ng kamatayan. Kailangan tayong lumapit ng madalas, araw-araw, para kumain at uminom kasama siya. Kung mas higit pa natin siyang kinakain, ay higit pang espirituwal na pamumuhay ang ipamamalas sa atin. Mayroon tayong bukas na paanyaya na lumapit sa kanyang mesa, kumain, maging matatag. Ang pagsalo sa pagkain kay Cristo ay ang kumain ng Salita ng Diyos at makipag-isa sa kanya sa pananalangin ng pananampalataya.

Kapag ang tupa ay hindi napakain, sila ay lumalaking payat at nanghihina, nagiging madaling biktima ng kanilang mga kalaban. Gayunman, nakita ko sa bayan ng pagdating ng mga natirang lahi ng ministeryo na kinabibilangan ng mga lingkod at mga katulong na naging malapit sa puso ng Panginoon. Pinahiran sila ng Espiritu Santo para ilapit ang mga naghahanap na mga tao na susunod sa kanila sa kapunuan ni Cristo. Ang kanilang bilang ay kaunti lamang, ngunit lumalago. Wala silang ibang pagkukunan ng buhay! Sila ay punung-puno ng buhay sapagkat sila ay madalas manggaling sa presensiya ng Panginoon.

Ang Diyos ay nagbigay daan para gawin ang bawat anak niya na malakas para mapaglabanan ang kaaway! Ang lakas na ito ay nanggaling sa pagkain ng Tinapay ng Diyos na ibinuhos mula sa langit. Ang ating espirituwal na kalusugan at lakas ay nakasalalay dito. Pakinggang mabuti ang salita ni Jesus: “Kung paanong sinugo ako ng Amang buhay, at ako'y nabubuhay dahil sa Ama; gayon din naman ang kumakain sa akin, siya nama'y mabubuhay dahil sa akin”(Juan 6:57). Si Jesus ay may malapit na pakikipag-isa sa Ama, ganap na nakatalaga na sundin lamang ang kanyang kalooban, na ang salita ng Ama ang tangi niyang pagkain at inumin! Siya ay araw-araw na sinasang-ayunan sa pamamagitan ng pakikinig at makita kung ano ang nais ng Ama, ang bunga ng madalas na pag-ubos ng panahon na nag-iisa kasama siya.

Minsan sinabi ni Jesus sa kanyang mga disipulo, “Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako'y may pagkaing kakanin na hindi ninyo nalalaman…Sinabi sa kanila ni Jesus, Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa”(Juan 4:32 at 34). Sinabi pa ni Jesus, “Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios”(Juan 6:27).

Hindi tayo maglalakas-loob na balewalain itong lihim ng kalakasan! Kahit na si Cristo ay nabubuhay sa pamamagitan ng Ama, kayat kailangan makuha natin ang ating buhay sa pamamagitan ng pagkain sa kanya. Mapag-isa na kasama ang Panginoon at mag-ukol ng mahalagang sandali sa kanyang presensiya. Nais niyang pakainin ang iyong nagugutom na espiritu at gabayan ka na malampasan mo ang delikadong panahong ito. Ang Diyos ay ipamamalas ang kanyang presensiya kapag hinanap mo siya ng buong puso.

Lunes, Nobyembre 8, 2010

ANG PAGBUHOS NG ESPIRITU SANTO SA MGA KABAHAYAN!

“Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita… Sapagka't nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro”(Gawa 44 at 46). Ito ay nagpapahayag tungkol sa tahanan ni Cornelio

Isipin ang tungkol dito, isang pansariling pagbuhos ng Espiritu Santo sa buong kabahayan na ang lahat doon ay itinaas sa kalangitan. Isa itong himala! Ang mga pagpupuri ay nakapangingilabot habang ang lahat ng mga kamag-anak at mga anak ay naliligtas at napupuspos ng Espiritu Santo. Dahil lamang may isang lalaki na itinalaga ang kanyang puso para hanapin ang Diyos hanggang sa dumating ang kasagutan.

At narito tayo at nakaupo, sa araw na bumuhos ang Espiritu Santo, kasama ang maraming tahanan na may maliit o walang katibayan ng kanyang pagkilos at presensiya. Marami sa ating mga Kristiyanong tahanan ngayon ay nasa pangangalaga ng espiritu ng sanlibutan at hindi ng Espiritu ng Diyos. Kung nasaan ang Espiritu ng Panginoon ay naandon din ang pagkakaisa. Kung saan siya nanahan, ay mayroong kapahingahan at kapayapaan, hindi maipaliwanag na kagalakan, at tagumpay laban sa espiritu ng sanlibutang ito.

Kailangang bawiin natin ang espirituwal na pamumuno sa ating mga tahanan. Kapag ang mag-asawa ay hindi lubos na nagkakaisa, dumamadaloy na magkasama sa Espiritu at pag-ibig ni Jesus, mayroong panganib na darating. Ang isa o ang dalawa ay hindi naglalakad sa Espiritu. Kapag magkasamang hinahanap ang Diyos sa pribadong pananalangin at debosyon sa Diyos, ang Espiritu ay kumikilos ng kataka-taka.

Ang Diyos ay gumagawa ng mga bagay na bago sa sanlibutan ngayon. Bagay na lubhang makapangyarihan, ganap na higit sa kaya ng tao, tinatakot nito ang impiyerno. Ang Espiritu Santo ay dumating para ihiwalay ang tao patungo sa Panginoon. Ang maging tagumpay ay hindi ganoon kahalaga kaysa makarinig mula sa Diyos. Para sa mga bagong banal na nabautismuhan, ang maging masagana ay nangangahulugan na nakikita si Jesus sa isang bago at daan ng pamumuhay. Mga bahay, lupain, kasangkapan sa bahay, mga sasakyan, mga damit—ang lahat ng bagay na ito ay nawala na ang kinang sa mga tao na ngayon ay madamdaming umiibig sa Panginoon ng kaluwalhatian. Ang Espiritu Santo ay dumating para ipahayag si Cristo bilang tagapagligtas ng mga tahanan—ating mga tahanan.

Nakita ko sa mundo ng espirituwal at nakita ko ang mga demoyo na tumatakas. Nakita ko ang kapangyarihan ng kadiliman na nanginginig sapagkat ang tunay na iglesya ng Diyos, ang minsang naidlip na higante, ay ibinunsod ng Espiritu Santo para yanigin ang sarili at bumangon at angkinin ang lugar ng kapangyarihan at pamumuno.

Ang buong mga pamilya, ang buong iglesya, ang buong mga ministeryo ay nagbabaliktaran. Sinasabi ng Diyos, “Maging maselan sa mga espirituwal na mga bagay at ipagkakaloob ko ang lahat ng inyong mga pangangailangan!” Ang Ama ay kumikilos ng may kadakilaan sa buong sanlibutan at maari tayong maging bahagi ng kanyang makapangyarihang pagpapala.

Biyernes, Nobyembre 5, 2010

INILIGTAS NI CORNELIO ANG KANYANG TAHANAN

“At may isang lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang Cornelio, senturion ng pulutong na tinatawag na pulutong Italiano. 2 Isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios”(Gawa 10:1-2).

Ang buhay ni Cornelio ay nagpatunay na ang Diyos ay naghahanap ng may buong pusong debosyon, pagsunod, at walang humpay na pananalangin. Isaalang-alang ang pamamaraan ng tapat na taong ito ng Diyos na kung saan ay nailigtas niya ang kanyang tahanan at ang mga himala na dala ng kanyang pagiging matapat.

Si Cornelio ay lubos na determinado na siya at ang kanyang tahanan ay lumapit sa kapunuan ng Diyos na sadyang kinalimutan na niya ang kumain para lamang hanapin ang Diyos. Ang pagkain ay pangalawa lamang sa kanyang malalim na espirituwal na pagkagutom at pagnanabik sa Diyos. Mga araw ng pag-aayuno na walang pagkagutom at pagka-uhaw sa Diyos ay hindi magbubunga; sa katunayan, mabuti pang kumain kaysa mag-ayuno kung hangad lamang ay biyaya mula sa langit. Ngunit ang pagkagutom sa Diyos ay nakahihigit kaysa maghanap ng pagkain para sa isang tao na may puso na naghahanap sa kanya.

Ang taong ito na si Cornelio ay inilalagay tayo sa kahihiyan. Wala siyang mga inihandang mga gamit sa pagtuturo; wala man lamang siyang guro. Hindi siya isang relihiyosong Hudyo kundi isa lamang pangkaraniwang tao na gutom sa Diyos. Ang anumang kanyang natutunan ay nanggaling sa pagpapakahirap—walang mga seminar, walang konbensyon, walang mga aklat na-paano makukuha ito mula sa Diyos. Wala man lang sa kanya ang Espiritu Santo, na hihikayat sa kanya para manalangin at hanapin ang mukha ng Diyos. Gayunpaman, siya ay nag-ayuno at parating nananalangin.

Ang kanyang buhay na nananalangin ay ginawa siyang tagapagbigay ng abuloy. Ang Diyos ay hindi pa sinasagot ang kanyang mga panalangin para sa sarili niyang pamamahay, gayunman siya ay mapagbigay sa lahat ng nangangailangan. Hindi siya binabalot ng sarili niyang mga pangangailangan na inubos ang lahat ng kanyang panahon, pansin at salapi.

Ang mga lalaking mananalangin ay palaging nakukuha ang pansin ng Diyos at ang mga lalaking mananalangin ay nadirinig ang pagsasalita ng Diyos. Ganito ang mga bagay na ito simula pa.

Maari mong mailigtas ang iyong tahanan katulad ng ginawa ni Cornelio sa pagliligtas ng tahanan niya. Sa isang araw, may isang maluwalhating himala, ang kanyang buong pamamahay ay nailigtas at napuspos ng Espiritu Santo. Sa isang araw ang kanyang tahanan ay binago mula sa espirituwal na pagkabulag patungo sa isang kahanga-hangang liwanag at buhay. Dahil lamang sa ang lalaking ito ay sadyang determinado na iligtas ang kanyang tahanan. Tinutulungan tayo ng Diyos na maging maselan tungkol sa pananalangin sa ating mga ligaw na pamilya at mga kaibigan.

Huwebes, Nobyembre 4, 2010

SA KANYA TAYO AY MABUBUHAY AT KIKILOS AT MAPAPASAATIN ANG ATING PAGKATAO

Sinabi ni Pablo, “Sapagka't sa kaniya tayo'y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao: na gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula, Sapagka't tayo nama'y sa kaniyang lahi”(Gawa 17:28). Ang mga lalake at babae ng Diyos ay nabubuhay sa maliit na ginagalawang ito; ang kanilang buhay, ang bawat kilos nila, ang kanilang mismong buhay ay nakabalot sa kawilihan ni Cristo.

Ang wala nang ibang dapat na malaman pa maliban kay Cristo, kailangang may patuloy na pagdaloy ng pahayag mula sa Espiritu Santo. Kung alam ng Espiritu Santo ang isipan ng Diyos, kung hinahanap niya ang malalim at nakatagong lihim ng Ama, at kung siya ay magiging balon ng tubig na nagbibigay buhay na bubukal, kung ganon ang balon ng dumadaloy na tubig ay kailangang patuloy, hindi magwawakas na pahayag tungkol kay Cristo. Hinintay nito ang bawat lingkod ng Panginoon na handang maghintay sa Panginoon—ng tahimik, sa pananampalatayang may pananalig, nananalig sa Espiritu Santo para mailahad ang isipan ng Diyos.

Ngayon kailangan natin ang kanyang may katiyakang salita—isang tunay at buhay na pahayag. Si Samuel ay mayroong ganitong uri ng salita mula sa Diyos, at ito ay alam ng Israel. Kapag nagsasalita si Samuel, sa lahat ng tinig sa lupaing iyon, ang kanya ay tumatagos at wala isa mang salita nawalan ng halaga.

Ngayon marami ay sumusubok na ihiwalay mula sa lahat ng tinig para marinig ang malinaw na Salita ng Diyos. Ang mga Banal ng Diyos ay nagiging pagal na mula sa mga rumaragasang mga tinig, habang naghahanap lamang ng ilang butil ng katotohanan. Si Cristo lamang ang tanging liwanag! Ang buong sanlibutan ay nababalot sa kadiliman, at liwanag lamang ang makapag-aalis niyan. Maaring ikaw ay nasa lugar na madilim ngayon.

Sinabi ni Pedro, “At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso”(2 Pedro 1:19).

Sinabi ni Pablo, “Yamang ang Dios, ang nagsabi, Magniningning ang ilaw sa kadiliman, na siyang nagningning sa aming mga puso, upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo” (2 Corinto 4:6).

Sinabi ni Juan, “At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa luklukan ng hayop na yaon; at nagdilim ang kaniyang kaharian; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap”(Pahayag 16:10).

Ang iyong mabuting gawa ay hindi makapag-aalis ng kadiliman at ang ating pangangaral sa usaping panlipunan ay hindi rin makakabawas dito. Ang lahat ng iyong pansariling karanasan ay hindi rin kakayanin ito. Lalagpas pa ako dito—maging ang iyong pagbigkis ng kapangyarihan ng kadiliman ay hindi rin makakatulong kung wala ang liwanag na nanggagaling kay Cristo. Ang lahat ng kadiliman ay naglalaho sa liwanag ng kaluwalhatian ng Diyos na sumasalamin sa mukha ni Jesucristo! Pag-aralan natin si Cristo na nag-iisa sa lihim na silid. Naglilingkod tayo sa iisang Diyos at tinuturuan ng iisa ring Espiritu Santo katulad din ng iba na nakilala si Cristo ng ganap.

Miyerkules, Nobyembre 3, 2010

ANG PATULOY NA LUMALAGONG PAHAYAG TUNGKOL KAY JESUCRISTO

Mula pa sa krus, ang lahat ng mga higanteng espirituwal ay mayroong bagay na pinagkakaisahan. Silang lahat ay may malapit na pakikipag-isa sa Panginoon; naligaw sila sa maluwalhating lawak ni Cristo; at namatay silang malungkot dahil hindi sapat ang pagkakakilala nila sa kanya. At ganoon din kay Pablo, kasama ang lahat ng mga disipulo, at kasama ang mga naunang mga ama ng iglesya; kasama si Luther, Zwingli, at mga Puritano; kasama ang mga debotong mangangaral; at kasama ang maraming makadiyos na pinuno sa ngayon.

Ang bawat isa sa mga higanteng ito ay nagkakaisa sa magkatulad na panuntuang pananabik: ang patuloy na lumalagong pahayag tungkol kay Jesucristo. Hindi mahalaga sa kanila ang mga kahanga-hangang maka sanlibutan, mga bagay ng mundong ito, tagumpay, ambisyon o pagiging sikat. Nanalangin sila—hindi para sa mga bagay, hindi sa mga pisikal na pagpapala, hindi para magamit, hindi para sa pansarili lamang, kundi para malawak na pahayag ng kaluwalhatian at sa pagiging malawak ng kanilang Panginoon.

Si Satanas ay nagpapakita ng kapangyarihan, ang impiyerno ay nagpakawala ng lahat ng poot para sa salinlahing ito. Ang malabakal na pagkakahawak ng kalaban ay higit pang pinatatag, makapangyarihan, at hindi mayayanig katulad ng mga nagdaang salinlahi. Walang kaduda-duda, ipinahahayag ni Satanas ang kanyang sarili sa sanlibutan na hindi tulad ng nakaraan at higit siyang kilala, hindi kinatatakutan, at higit na katanggap-tanggap.

Ang isang karaniwang karunungan na galing sa paaralan ng Bibliya tungkol kay Cristo ay hindi magiging sapat dito sa huling digmaang ito! Ang malaman tungkol sa kanya ay hindi sapat. Kailangan nating magsaliksik ng higit pang pahayag ng Espiritu Santo. At iyan ay nangangailangan ng maraming panahon sa kanyang mesa. Makikilala lamang natin siya sa pamamagitan ng higit pang panahon sa kanyang presensiya, sa pamamagitan lamang ng pag-upo kasama siya, ang marinig ang kanyang tinig, maghintay mula sa kanya ng banal na karunungan. Ang mga abala, mga lalaking maraming ginagawa ay halos hindi na siya kilala.

Inilaan na ni Pablo ang sarili niya sa patuloy na lumalagong pahayag ni Jesucristo. Ang lahat na alam niya tungkol kay Cristo ay galing sa pamamagitan ng pahayag. Sinabi niya, “Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala sa akin ang hiwaga, gaya ng isinulat ko nang una sa ilang salita”(Efeso 3:3). Alam ng Espiritu Santo ang malalim at nakatagong lihim ng Diyos, at si Pablo ay patuloy na nanalangin para sa handog na biyaya na maunawaan “upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo” (V.8). Sinabi ni Pablo na tayo ay may karapatan dito sa mga maluwalhating kayamanan kay Cristo. Sa pagpapahayag ng walang-hanggang layunin ng Diyos, sinabi niya, “Na sa kaniya'y mayroon tayong lakas ng loob at pagpasok na may pagasa sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa kaniya”(v. 12).

Ang Diyos ay naghahanap ng mga mananampalataya na magsasaliksik ng pahayag tungkol sa kanya sa sarili nilang pagkukusa—isang ganap na malalim na kapalagayang-loob na magbubukas ng “di malirip na kayamanan ni Cristo.”

Martes, Nobyembre 2, 2010

WALANG IBA KUNDI SI CRISTO!

Ano ang ninanais ng ating Panginoon mula doon sa mga deboto sa kanya? Ang magpapala at makalulugod sa kanya? Kailangan bang magtatag tayo ng marami pang sambahan? Marami pang paaralan ng Bibliya? Marami pang tahanan at intitusyon para sa mga nagdurusang mga tao? Ang mga ito ay kapakipakinabang at kinakailangan, ngunit siya na hindi nananahan sa mga gusali na itinatag ng mga kamay ay naghahanap ng higit pa doon! Akala ni Solomon ay nakapagtatag siya ng isang walang-hanggang templo para sa Diyos, ngunit sa paglipas ng mga taon, ito ay narupok din, at wala pang apat na raang taon, ito ay tuluyan nang nawasak.

Ang isang bagay na hinahanap ng ating Panginoon mula sa kanyang mga tao, mga ministro, at mga pastol ay pakikipag-isa sa kanyang mesa! Nagkakaisa sa paligid ng kanyang makalangit na mesa! Isang lugar at sandali ng pagpapalagayang-loob! Ang patuloy na paglapit sa kanya para sa pagkain, kalakasan, karunungan at pakikipag-isa.

Ang salinlahing ito ay may kakulangang pagpapahayag ng Panginoong Jesus sapagkat marami ay nawawala sa pistahan-ang pistahan ng pakikipag-isa kasama ang Panginoon. Ang kanilang mga upuan ay bakante! Ilan lamang ang nakaalam ng kadakilaan at karangalan ng isang mataas na pagtawag kay Cristo Jesus.

Napagkakamalan natin na ang ating kagalakang espirituwal ay galing sa paglilingkod at hindi sa pakikipag-isa. Patuloy tayong gumagawa para sa Panginoon na hindi natin ganap na kilala! Isinasagad natin ang ating mga sarili, nagtutungo kung saan-saan sa mundong ito at ibinibigay ang ating katawan para sa kanyang gawain—ngunit madalang nating ginagawang magpista! Sadya tayong kampante sa mesa ng Panginoon, hindi ganap na inaalam at mapag-aralan siya!

Si Pablo ay nagpahayag tungkol sa magkakabukod na tatlong taon sa desyerto ng Arabia. Ito ay tatlong maluwalhating taon, nakaupo sa malalangit na mesa ng Panginoon. At doon tinuruan ni Cristo si Pablo ng lahat ng alam niya at ang karunungan ng Diyos na nakita sa kanya. Ang pagbabagong-loob ay hindi sapat para kay Pablo! Ang minsang may sobrenatural na larawan ni Cristo, ang minsang may mahima-himalang pagkarinig ng kanyang tinig mula sa langit, ay hindi sapat! Nagkaroon siya ng minsang panandaliang makita ang Panginoon at naghahanap pa siya ng higit dito!

Mayroong bagay sa espiritu ni Pablo na dumadaing ng, “O sana ay makilala ko siya!” Hindi kataka-taka na masabi niya sa kabuuan ng sistema ng Kristiyanismo, “Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus”(1 Corinto 2:2). Sinasabi niya, “Hayaan ang mga Judanismo ng Jerusalem ay manatili sa kanilang pagiging legalista. Hayaan ang iba na magtalo sa punto ng kanilang mga doktrina. Hayaan ang mga naghahanap na maging matuwid sa pamamagitan ng gawa ay manawa. Ngunit para sa akin, nais ko pang makilala si Cristo!”

Lunes, Nobyembre 1, 2010

TULUNGAN MO ANG IYONG SARILI

Tulungan mo ang iyong sarili! Hindi ko tinutukoy ang isang walang kinikilalang Diyos, kundi ang isang muling nagbago, na sinakop ni Cristo. Isa sa mga pinakamahalagang talata sa Salita ng Diyos ay Juan4:14:

• “Ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na mauuhaw magpakailanman. Ang tubig na aking ibibigay sa kaniya ay magiging balon ng tubig na mapapasa kaniya. Ito ay bubukal sa buhay na walang hanggan”(Juan 4:14).
• “Sa huli at dakilang araw ng kapistahan tumayo si Jesus. Sa malakas na tinig siya ay nagsabi: Kung ang sinuman ay nauuhaw, hayaan siyang lumapit sa akin at uminom”(Juan 7:37-38).
•Ang tubig na nagbibigay buhay ay mapapasa-kanya at lalabas mula sa kanya. Mula saan? Mula sa kaibuturan ng kanyang kalooban.

•Hayaan ninyong patunayan ko sa inyo nang walang bahid ng pagdududa na ang lahat ng inyong kailangan sa inyong buhay ay naibigay na mula ng si Cristo ay nanahan sa iyo! Siya ay nasa atin ng buong kapangyarihan para sa lahat ng ating mga pangangailangan!

• “Ayon sa kaniyang kapangyarihan, ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang lahat ng bagay na nauukol sa buhay at sa pagkamaka-Diyos sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaluwalhatian at kapangyarihan” (2 Pedro 1:3).
• “Upang ipagkaloob sa inyo ng Diyos ng ating Panginoong Jesucristo, ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya”(Efeso 1:17).
• “At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas”(Efeso 1:19).
• “Gawin nawa niya kayong ganap sa bawat mabubuting gawa upang gawin ang kaniyang kalooban. Sa pamamagitan ni Jesucristo, maisasagawa niya sa inyo ang anumang makakalugod sa kaniya. Sumakaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa”(Hebreo 13:21).
• “Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin”(Efeso 3:20).
• " Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, At sa iyong binhi, na si Cristo” (Galacia 3:16).
• “At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus”(Efeso 2:6).
• “Nguni't kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo”(Roma 8:11).

Alam ko na mayroong mga dakilang, hindi maipaliwanag na kapangyarihan sa kalooban ko. Isa itong pakiramdam na maaring mayroong sasabog na kadakilaan.

Alam ko na alam ng Espiritu at nakikita niya at siya lamang ang may kasagutan sa lahat ng aking mga pangangailangan. Alam ko na hindi ko kailangan lumapit kaninuman o kahit kanino na iba sa akin. Alam ko na kailangang tulungan ko ang sarili ko. Ang lahat na tumatawag kay Cristo na Panginoon at nananalig sa kanya ay nasa kanya ang Espiritu Santo para matulungan ang buhay sa kasaganaan at magalak.