Martes, Setyembre 1, 2009

MAGTIWALA SA MAHIWAGANG GAWAIN NG DIYOS

Huwag mo nang hanapin ang dahilan kung paano at bakit ka nasaktan. Ang iyong katayuan ay hindi nabubukod tangi. Kahit na ikaw ay tama o mali ito ay walang kabuluhan sa mga sandaling ito. Ang mahalaga ay ang iyong pagkukusa na magpatuloy sa Diyos at magtiwala sa mga mahiwagang gawain niya sa iyong buhay.

“…Huwag ninyong pagtakhan at ituring na di pangkaraniwan ang mabibigat na pagsubok ang iyong dinadanas. Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikihati sa mga hirap ni Kristo, at maging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag ang kanyang kadakilaan” (1 Pedro 4:12,13)

Sa malamang nagawa mo na kung ano ang nararapat mong gawin. Kumilos ka patungo sa kalooban ng Diyos, buong katapatang sumunod sa iyong puso, kusang ipinagkaloob ang iyong sarili. Pag-ibig ang nagganyak sa iyo. Hindi mo pinigilan ang kalooban ng Diyos, iba ang pumigil. Kung hindi iyon totoo, hindi sana ikaw ang nagdurusa ngayon. Ikaw ay nasaktan sapagkat sinubukan mong maging tapat.

Hindi mo maunawaan kung bakit ang lahat ay sumabog sa harapan mo, gayong ang Diyos ang mistulang nangunguna sa lahat. Nagtatanong ang iyong puso, “Bakit hinayaan ng Diyos na mapunta ako sa kalagayang ito kung alam niya na hindi pala ito magiging tama. Siya ay pinili ng Tagapagligtas at ginamit ng Diyos. Ngunit pinigilan ni Hudas ang mga layunin ng Diyos at dinurog ang puso ni Hesus! Ang nasimulan na mga layunin ng Diyos ay nauwi sa kapahamakan sapagkat pinili ni Hudas ang sarili niyang pamamaraan.

Iwan mo ang makasalanang paraan. Tigilan mo nang parusahan ang iyong sarili. Tigilan mo nang alamin kung ano ang mali sa mga ginawa mo. Ang iniisip mo ngayon ang mahalaga sa Diyos. Wala kang pagkakamali; sa mas malamang, maaring lumabis ang iyong naibigay. Katulad ni Pablo, sasabihin mo, “Katiting lamang ang ba ang isusukli ninyo sa malaking pagmamahal ko sa inyo?” (tingnan 2 Corinto 12:15).