“Isang bagay lamang ang aking mithiin, isang bagay itong kay Yahweh hiniling” (Awit 27:4). Alam ni David na mayroong higit na kailangan para makilala ang Diyos; naramdaman niya na mayroong bagay sa Panginoon na hindi pa niya nakuha, at hindi siya magpapahinga hanggang hindi niya nakukuha iyon. Sinabi niya,sa maikli, “Mayroong kagandahan, kaluwalhatian, kasiglahan tungkol sa Panginoon na hindi ko nakita sa buong buhay ko. Nais kong malaman kung paano magkaroon ng patuloy na walang patid na pakikipag-isa sa aking Diyos. Nais kong ang buhay ko ay maging buhay na dalangin. Isang bagay na magdadala sa akin sa nalalabi ko pang mga panahon.
Ang mukha ng Diyos ay kawangis niya, kanyang pagbubulay-bulay. Sa kasagutan sa daing ni David na magkaroon ng kapalagayang-loob sa kanya, sinabi ng Diyos (Awit 27:7), “Lumapit sa akin.” Ang sagot ni David ay, “Panginoon, nang sinabi mong, ‘Lumapit sa akin,’ tumalon ang puso ko sa pagsagot. ”Ang paanyaya mo’y,’Lumapit sa akin.’ Huwag kang magkukubli’t kita’y hahanapin” (Awit 27:8).
Sa kanyang pagsagot, ipinahayag ng Panginoon paano bibigyan ng kasiyahan ang kanyang pangungulila: Sa pagmamapuri ng Diyos para sa kanyang sariling buhay. Inuutusan niya si David,”Pag-aralan mo ako. Hanapin mo ang Salita ko at manalangin ng pang-unawa sa pamamagitan ng Espiritu, upang ikaw ay maging kawangis ko. Nais kong ang buhay mo ay ipagmapuri ang kagandahan ko sa sanlibutan.”
Hindi ito isang pagtawag lamang sa panalangin; si David ay nanalangin na ng pitong ulit sa buong maghapon. Sa katunayan, ang panalangin ni David ay ang lumikha ng kanyang masimbuyong damdamin para sa kanya na makilala ang Panginoon. Hindi, ang pagtawag mula sa Diyos ay ang pagkasabik sa uri ng pamumuhay na tunay na nagpapakilala kung sino si Hesus.
Kung titingnan mo, sa Kalbaryo, ang Diyos ay nagmukhang tao. Si Hesus ay bumaba sa sanlibutan bilang tao. Ang Diyo sa katawang lupa. At ginawa niya ito upang madama niya ang sakit na ating nadadama, ang tuksuhin at subukan, katulad natin, at ipakita sa Ama. Ang Kasulatan ay tinawag si Hesus na isang malinaw na larawan (ang pakahulugan ay wastong kawangis) ng Diyos. Siya ang katulad na may kakanyahan at diwa ng Diyos Ama (tingnan ang Hebreo 1:3), ang katulad na “inukit na bahagi.” Sa madaling sabi, siya ay, “katulad ng” Ama sa lahat ng bagay.
Sa mismong araw na ito, si Hesu-Kristo ay ang mukha, ang wastong kawangis, ng Diyos sa lupa. At dahil sa kanya, tayo ay mayroong walang pagkaputol na pakikipag-isa sa Ama. Sa pamamagitan ng Krus, mayroon tayong karapatan na “makita ang kanyang mukha,” ang mahipo siya. Maari tayong mamuhay katulad niya, sumasaksi, “Wala akong ginagawa maliban sa nakikita ko at naririnig mula sa kanya.”
Ngayon, kapag sinabi ng Diyos, “Lumapit sa akin,” ang kanyang salita ay may makapangyarihang kahulugan ng higit pa sa anumang sandali ng kasaysayan. Sa lahat ng mga nangyayari sa ating kapaligiran, paano tayo sasagot? Noong si David ay napaliligiran ng mga punong abala na mga sumsamba sa mgadiyus-diyusan, sinabi ng Diyos, “Lumapit ka sa akin.” At ginawa natin na may isang layunin: na tayo ay maging kawangis niya! Na tayo ay maging malinaw na larawan niya, upang yaong mga tunay na naghahanap sa kanya ay makita siya sa atin.