Ako ay nahikayat na ang mga tao ay nawalan ng pag-asa sapagkat sila ay nawalan ng pananalig. Marami na silang narinig na mga pangaral, marami na silang nabasang aklat, ngunit sa halos lahat nakita nila ang halimbawa nang mga durog na pananalig. Ang mga Kristiyano na minsan ay nagtataguyod ng pananalig ay nawawalan na ng tiwala sa Diyos sa gitna ng kanilang paghihirap. Kaya’t saan ngayon lilingon ang tao para sa pag-asa? Ang Espiritu ay nagwika ng malinaw na salita sa akin: “Kailangang ikapit mo ang iyong pananalig. Italaga mo ang iyong puso na magtiwala sa Diyos sa lahat ng bagay, sa lahat ng oras.”
Ang “pagtatalaga” ng ating pananalig ay nangangahulugan na “magpakatatag, hindi mauuga, itanim ng malalim ang ugat, lagyan ng haligi sa ilalim, lagyan ng panimula.” Sinabi ng Kasulatan na ito ay nasa ating kapangyarihan na magawa ito. Sinulat ni
Sa talatang ito, ibinigay ng Panginoon ang buong pananagutan sa mananampalataya. Sinasabi ng Diyos sa atin, na may kakaniyahan, “Kapag ang sanlibutan ay tumingin sa aking mga anak sa mga panahong ito ng pagkaligalig at pagkabalisa, kinakailangan na makita nila ang pananalig. Habang ang lahat ay nauuga, ang pananalig ang dapat na matirang matatag at di matitinag. Kaya’t, kayo, mga mananampalataya, ikapit ninyo ang inyong pananalaig. Ikaw, Kristiyano, manindigan ka sa sa isang katatayuan. At huwag mong isusuko ang paninidigang iyan.”
Ako’y naniniwala na hindi kailangan ng sanlibutan ngayon ang marami pang pangangaral sa pananalig. Kailangan nilang makita ang isang inilalarawang pangangaral: ang buhay ng isang lalaki o babae na ipinamumuhay ang kanilang pananalig sa sanlibutan. Kailangang makakita sila ng mga lingkod ng Diyos na dumadanas ng mga kapahamakan na kanilang kinakaharap at hindi kayang ugain nito. At doon lamang ang mga makasalanan makakaharap na may makapangyarihang patotoo ng di-matitinag na pananalig.
Ito ay ipinahayag ni David nang sabihin niya “Ang pagkalinga mo sa mga hinirang na nangagtiwala sa iyong pagmamahal” (Awit 31:19).Tinutukoy niya ang buhay ng mga mananampalataya na may matatag na pagtitiwala at pananalig na siyang ilawan ng pag-asa sa mga nasa kadiliman.
Kapag itinalaga mo ang iyong pananalig sa pagbibigay ng iyong kabigatan at mga pagsubok kay Kristo, iiwanan ang lahat sa paanan niya at sasandal sa pananalig, ikaw ay lubos na masusubukan.
Minsan, nang ako ay nasa kasalukuyang nagtatalaga ng matatag na pananalig, nang tunay ko nang inilapag ang lahat ng aking kabigatan sa Panginoon, nakatanggap ako ng tawag sa telepono na may balita na nakapagpakatal sa akin. Sa ilang sandali, isang buhos ng takot ang bumalot sa akin. Ngunit mahinahong bumulong ang Banal na Espiritu, “Kumapit ka sa iyong matatag na pananalig. Huwag kang bibigay. Nasa pangangalaga ko ang lahat. Basta manindigan ka ng matatag.” Hindi ko malilimutan ang kapayapaan na bumalot sa akin sa sandaling iyon. SA pagtatapos ng araw, ang puso ko’y puspos ng kagalakan habang natuklasan ko, “Nagtiwala ako sa iyo. Hindi ako natinag. Salamat sa iyo.”