Lahat tayo ay may binhi ng panibugho at inggit sa atin. Ang tanong ay, sino sa atin ang aamin dito?
Isang Puritanong guro na nagngangalang Tomas Manton ay nagsabi ng tungkol sa makataong hilig sa panibugho at inggit: “Tayo ay ipinanganak na may maka Adan na kasalanan. Iniinom natin ito na kasama ng gatas ng ating ina. Ito ay malalim na bahagi natin.
Ang ganitong uri ng binhi ang pumipigil sa atin upang magbunyi sa mga biyaya at nagampanang gawain sa ministeryo o trabaho. Ang bunga nito ay ang maglagay ng malaking harang sa pag-itan natin at ng ating mga kapatiran: “Ang galit ay mabagsik, ang poot ay mabangis, ngunit ang panibugho’y may ibayong lupit” (Kawikaan 27:4).
Idinagdag ni
Sa pangkaraniwang katawagan, ang kasalanang ito ng panibugho at inggit ay isang mapait na lason. Kapag pinaghawakan natin ito, hindi lamang tayo mawawalan ng espirituwal na kapangyarihan kundi mabubuksan tayo sa maladimonyong gawain.
Si Haring Saul ay nabigay ng malinaw na halimbawa nito sa kabuuan ng Kasulatan. Sa 1 Samuel 18, nakita natin si David na nagbalik mula sa isang pakikipaghamok na kung saan ay napatay niya ang mga Pilistino. Habang sila ni Haring Saul ay patungo sa Herusalem, ang mga kababaihan ng
Si Saul ay nasaktan sa masayang pagdiriwang na ito, naisaloob niya , “Kung sinasabi nilang sampu-sampung libo ang pinatay ni David at ako’y libu-libo lang, kulang na lamang ay siya ang kilalanin nilang hari” (1 Samuel 18:8).
Kaagad-agad, si Saul ay nilamon ng espitiu ng panibugho at inggit. Sa sumunod na berso, nabasa natin ang nakamamatay na bunga nito sa kanya: “At mula noon naging mainit na ang mata niya kay David” (18:9). Nakalulungkot, mula dito, “Lalo siyang nasindak kay David at lalo niya itong kinamuhian” (18:29).
Si Saul ay lubusang nalinlang ng kanyang panibugho. Hindi niya magawang magpakumbaba sa harapan ng Panginoon sa pag-sisisi. Kung nakita niya agad ang kanyang makasariling inggit at nabunot mula sa puso niya, maaring pinarangalan siya ng Diyos sa kanyang piniling lingkod. Ngunit hindi kaya ni Saul na maupo sa pinakaabang upuan. Sa halip, siya ay nadala sa pinakamataas ng kanyang espiritu ng panibugho. Ang kung ano ang nangyari sa sumunod na oras ay pinuno tayong lahat ng banal na pagkatakot: “… At si Saul ay natakot kay David pagkat nadama niyang hindi na siya kundi ito na ang pinapatnubayan ni Yahweh” (18:10-12).