“At kinalugdan ng Diyos ang mga tao noon una dahil sa kanilang pananalig sa kanya” (Hebreo 11:2)
Ang salitang Griyego sa “nakamit” dito ay nangangahulugan ng “magdala ng patotoo, maging isang patotoo.” Ang ating mga ninuno sa Panginoon ay may napagkasunduan, matatag, naka-angklang pananalig at ito ay naging isang patotoo sa katapatan ng Diyos sa panahon ng kagipitan.
Una, mayroon silang saksi sa loob na ang Diyos ay nalugod sa kanila. Nagtiwala sila sa gitna ng baha, sa pagtuya, sa pagkagapos, sa pagkabilanggo, sa pahirap, sa digmaan, sa kulungan ng
“At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa kanya. Sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat maniwalang may Diyos, at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya” (Hebreo 11:6). Kailanman na pinanghawakan natin ang ating matatag na pananalig sa panahon ng kagipitan, mayroon din tayong katulad na patotoo mula sa Banal sa Espiritu: “Binabati ko kayo! Kayo’y patotoo ng Diyos.”
Kapag ako ay nakapahinga sa gitna ng bagyo, kapag naibigay ko ang lahat ng dalahin ko kay Kristo at napanghawakan ko ang aking matatag na pananalig, gayon nga’y nagkaroon ako ng “mabuting ulat.” Ako ay naging ilaw ng pag-asa sa mga nakapaligid sa akin. Silang mga nagmamasid sa aking buhay sa aking tahanan, sa aking trabaho, at sa aking bloke ay maaring hindi tuwirang sasagot. Ngunit malalaman nila na may pag-asa at kaligtasan na nakahanda para sa kanila. Maari nila akong tingnan sa oras ng aking kagipitan at sasabihin, “ Mayroong pag-asa! Mayroong isang nakatayo na hindi nawalan ng pananalig sa Diyos. Mayroong isang palaban na hindi aatras. Nagtitiwala siya sa Diyos niya!”
Habang dumadami ang mga kalamidad, at ang sanlibutan ay nahuhulog sa malalaking kapighatian, ang kasagutan ng mga mananampalataya ay dapat na isang patotoo ng matatag na pananalig.Sa atin mananahan ang Banal na Espiritu, at mayroon tayong Banal na Kasulatan, ang buong pahayag ng Salita ng Diyos. Hindi tayo maaring magmalaki sa ating sarili, ngunit maari tayong sumandal sa Kanyang Salita.
Sa mga lumipas na mga taon, lumabas akong handang makipaglaban, yari ang loob, “inihanda ko ang aking puso at hindi ako matatakot. Hindi ko pakikinggan ang mga pagdududa at takot ng kalamnan. Magpapakatatag ako at hindi ako tatalikod.” Gayunman, kadalasan ang kawalan ng pananalig ay ninakawan ako ng tagumpay.
Marami pa akong dapat matutunan tungkol sa “panatilihin ang aking pananalig.” Ngunit natikman ko na ang tagumpay na dumating kapag nagtiwala ako sa Panginoon sa lahat ng bagay, kapag sinadya kong ipaubaya ang lahat ng aking dalahin kay Kristo at magtungo sa aking kapahingahan.