Lunes, Setyembre 21, 2009

PAGHAHANAP NG BAGONG LAKAS

Gaano kabilis nating nalimutan ang pagkakasagip ng Diyos sa buhay natin. Gaano kadali na minaliit natin ang mga himala na ginampanan niya sa ating mga buhay. Samantalang ang Kasulatan ay nagsasabi sa atin ng paulit-ulit. “Pakatandaan ang inyong pagkakasagip.”

 

Tayo ay halos katulad ng mga disipulo. Hindi nila naunawaan ang himala ni Kristo na makababalaghan na pinakain niya ang libu-libong tao sa pamamagitan lamang ng ilang piraso ng tinapay at isda. Ginawa ni Krsito ang himalang ito ng dalawang ulit, panakain ang limang libo (5000) ng isang beses at apat na libo (4000) ng sumunod. Ilang araw makalipas, kinalimutan na ng mga disipulo ang pangyayaring ito sa kanilang mga isipan.

 

Nangyari ito nang pinaalalahanan sila ni Hesus tungkol sa lebadura ng mga Pariseo. Ang akala ng mga disipulo ay sinabi ito dahil sa nalimutan nilang magdala ng tinapay sa kanilang paglalakbay. Ngunit sinagot sila ni Kristo, “Hindi pa ba kayo nakakaunawa? Nakalimutan naba ninyo nang pagpira-pirasuhin ko ang limang tinapay para sa 5,000? Ilang bakol na tinapay ang lumabis? Gayon din ang pitong tinapay para sa 4,000, ilang malalaking bakol ng tinapay ang lumabis” (Mateo 16: 9-10)?

 

Ayon kay Marcos, si Kristo ay dinaig sa madaliang pagkalimot ng kanyang mga disipulo. Sinabi ni Hesus, “Bakit ninyo pinag-uusapan na kayo’y walang dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakababatid o nakakaunawa? Hindi pa ba ito abot ng inyong isip? Wala ba kayong mata? Wala ba kayong tainga? Nakalimutan naba ninyo nang pagpira-pirasuhin ko ang limang tinapay para sa 5,000? Ilang bakol ang napuno ninyo sa mga lumabis na tinapay” (Marcos 8:17-19)?

 

Ano ang ipinahahayag ng talatang ito sa atin? Malinaw na wala isa man sa mga disipulo ang nagsaalang-alang kung ano nangyayari sa mahimalang pagpapakain na naganap. Ilarawan ninyo sa isipan ninyo na ang mga lalaking ito ay naglalakad kasama ang pulutong na ito habang dala ang mga bakol na namimigay ng tinapay at isda na mahimalang dumadami sa harapan ng mga mata nila. Iisipin mo ba na ang mga disipulong yaon ay babagsak sa mga tuhod nila at tatangis na, “Paano mangyayari ito?” Ito ay kagila-gilalas. Ito ay lubos na hindi abot ng paliwanag na pantao. O Hesus, ikaw ay tunay na Panginoon.” Naiisip ko sila na hinihikayat ang mga tao na kanilang sinilbihan, “Dito, magpista kayo sa mahimalang pagkain, ipinadala mula sa kaluwalhatian. Si Hesus ang nagbigay nito.”

 

Nakita ng mata ng mga disipulo ang himalang ito, gayunman, kahit paano, ang kahalagahan nito ay hidi napatatak sa isipan nila. Hindi  nila naunawaan ang mga himala at katulad noon, ikaw at ako ay nakalimot sa mga himala ng Diyos sa ating buhay. Ang kahapong pagkakasagip ay madaling nakalimutan sa gitna ng mga kaguluhan sa mga panahong ito.

 

Sa pangkalahatan ng dalawang Tipan, nabasa natin, “Alalahanin ang makapangyarihang bisig ng Panginoon, na gumawa ng himala para sa iyo. Alalahanin ang lahat ng pagkakasagip sa inyo.” Isa-alang-alang ang panghihikayat na mabuti ni Moses sa Israel pagkatapos ng himala sa Pulang Dagat: “ Sinabi naman ni Moses sa mga Israelita, alalahanin ninyo ang araw na ito ng inyong paglaya sa pagkakaalipin sa bansang Egipto; mula roo’y inilabas kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan…” (Exodo 13:3).