Martes, Setyembre 22, 2009

PINILI UPANG MAGBUNGA

“Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili at humirang sa inyo upang tayo’y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga” (Juan 15:16).

 

Maraming Kristiyano ang nag-iisip na ang magbunga ay payak na nangangahulugan  na mag-akay ng kaluluwa lamang para kay Kristo. Ngunit ang pagbubunga ay nangangahulugan ng malaki na higit pa sa pag-aakay ng kaluluwa sa kaligtasan.

 

Ang pagbubunga na tinutukoy ni Hesus ay pagiging kawangis ni Kristo. At ang pariralang “maraming bunga” ay nangangahulugan ng “ang patuloy ng paglago sa pagiging kawangis ni Kristo.”

 

Ang patuloy na paglago kay Kristo ang bood ng layunin ng ating buhay. Ito ang dapat na gitna ng ating mga gawain, sa uri ng ating pamumuhay, sa ating pakikisama. Sa katunayan ang lahat ng ating karunungan at tawag—ang ating gawain, ministeryo, at pagsaksi—ay nararapat na dito gumagalaw ang bood na layunin.

 

Kung hindi ako kawangis ni Kristo sa puso—kung hindi ako nagiging kapuna-puna na kawangis niya—ay di ko natamo ang layunin ng Diyos sa buhay ko.

 

Nakita mo, ang layunin ng Diyos para sa akin ay hindi mapupunuan ng aking ginagawa para kay Kristo. Hindi ito masusukat ng kahit ano kahit na ako ay magpagaling ng may karamdaman o makapagpalayas ng dimonyo. Hindi, ang layunin ng Diyos ay mapupunuan lamang sa akin sa pamamagitan ng kung paano ako nagiging malago para sa kanya. Na ang pagiging kawangis ni Kristo ay hindi lamang kung ano ang nagagawa ko para sa kanya kundi kung paano ako napagbago sa pagiging kawangis niya.

 

Magtungo ka sa isang tindahan ng aklat ng Kristiyano at basahin ang mga pamagat sa mga istante. Marami ay mga aklat kung paano tutulungan ang sarili na kung paano mapaglalabanan ang kalungkutan, paano magagapi ang pagkalumbay, paano matatamo ang tagumpay. Bakit ang mga ito? Sapagkat mali tayo sa lahat ng ito. Hindi tayo tinawag upang magtagumpay, upang makaiwas sa mga kaguluhan, upang maging katangi-tangi, “upang “makamit ito.”  Hindi, hindi natin matamo ang isang tunay na tawag, ang isang pagtuon, na siyang tunay na kahulugan para sa ating buhay, na maging mabunga sa pagiging kawangis ni Kristo.

 

Si Hesus ay lubos na ipinagkaloob sa Ama at iyon ang lahat sa kanya. Ipinahayag niya, hindi Ako gumagawa o nagsasabi ng kahit ano maliban sa mga sinabi sa akin ng Ama.”

 

Kaya’t nais mo bang magbunga ng “maraming bunga” na lumalago mula sa pagiging kawangis Kristo? Mapupunuan lamang natin ang layunin ng buhay natin kapag sinimulan natin na magmahal sa iba katulad ng pag-ibig ni Hesus sa atin. At lalo tayong lalago na kawangis ni Kristo habang lumalago ang pag-ibig natin sa iba.

 

“Kung paanong iniiibig ako ng Ama, gayon din naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig” (Juan 15:9). Ang kanyang utos ay malinaw at payak: “Humayo at ibigin ang iba. Ibigay sa iba ang ganap na pag-ibig na katulad ng ipinakita ko sa inyo. Lumalago tayong kawangis ni Kristo habang lumalago ang pag-ibig natin sa iba. Sa madaling sabi, ang pagbubunga ay nangyayari ayon sa pagtingin natin sa iba.