Lunes, Setyembre 14, 2009

MAGPAUMANHINAN SA BAWAT-ISA

“Magpaumanhinan kayo at magpatawaran kung may hinanakit kayo sa isa’t isa. Pinatawad kayo ng Panginoon kaya’t magpatawad din kayo” (Colosas 3:13, italika).

 

Pagpapaumanhin at pagpapatawad ay magkaibang usapan. Pagpapaumanhin ay nangangahulugan na pagpigil sa lahat ng balak at pag-iisip ng paghihiganti. Sinasabi nito na, sa ibang salita, “Huwag mong ilagay ang mga bagay sa iyong mga kamay. Sa halip, pagtiisan mo ang kirot. Bitiwan mo ang mga bagay na ito at iwanan.”

 

Gayunman, ang pagpapaumanhin ay hindi isang paglalarawang-isip lamang ng Bagong Tipan. Sinasabi sa atin ng Kawikaan, “Huwag mong sasabihin, gagawin ko sa kanya ang ginawa niya sa akin para ako makaganti” (kawikaan 24:29). Binigyan tayo ng mahalagang halimbawa sa pagpapaalala sa buhay ni David. Siya ay nasa mapaghiganting galit sa isang masamang lalaki na nagngangalang Nabal sapagkat tinanggihan siya ni Nabal noong nangangailangan siya ng tulong. Sumumpa si David ng paghihiganti ngunit sinunod niya ang payo ng Diyos, “Huwag mong ipaghiganti ang iyong sarili… hayaan mong ang Panginoon ang gumati para sa iyo.” Ang kalagayang iyon ay nalutas sa tamang sandali at pinuri ni David ang Diyos sa kanyang pakikialam. (Tingnan 1 Samuel 25 ang kabuuan ng salaysay).

 

Si David ay may isa pang pagkakataon para sa isa pang paghihignti nang makita niya ang humahabol sa kanya, si Saul, habang natutulog sa yungib,  na kung saan ay siya ring pinagtataguan niya. Hinikayat siya ng kanyang mga tauhan, “ito ay ibinigay ng Diyos. Ibinigay niya sa iyo si Saul. Patayin mo na siya, at ipaghiganti ang iyong sarili.” Ngunit nagpaumanhin si David, sa halip pumutol ng isang bahagi ng damit ni Saul, para maari niyang patunayan na maari niya siyang napatay. Ang ganitong pagkilos ay ang paglalagay sa ating kaaway sa kahihiyan, at iyon nga ang nangyari ng ipakita ni David ang kapirasong damit  kay Saul. Sinabi pa ni Saul,”Higit kang mabuti kaysa sa akin. Sinuklian mo ng mabuti ang masamang ginagawa ko sa iyo” (1 Samuel 24:17).

 

Ngayon tayo dumating sa pagpapatawad, na nakapligid sa dalawang iba pang utos: (1) Ibigin ang iyong kaaway at (2) Ipanalangin sila. “Ngunit ito naman ang sabi ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo” (Mateo 5:44). 

 

Isang matandang matalinong mangangaral ay nagsabi, “Kapag naidalangin mo ang iyong mga kaaway, magagawa mo ang iba pa.” Natuklasan ko na ito ay totoo at nangyari sa aking buhay.

 

Hindi sinabi ni Hesus na ang magpatawad ay madaling gawin. Nang ipinag-utos niya “Ibigin ang iyong mga kaaway,” ang salitang “pag-ibig” sa Griyego ay hindi nangangahulugan ng “pagkagiliw” kundi  “marapat ng pag-unawa.” Sa madaling sabi, ang magpatawad sa iba ay hindi para pukawin ang makasariling damdamin, kundi ang gumawa ng isang marapat na pagpapasiya na alisin ang poot sa ating mga puso.