Lunes, Setyembre 28, 2009

MGA NASA GITNA

Yaong mga pumili na manirahan sa gitna ay mayroog pinagsasaluhan parehong mga katangian! Ang mga katangian ng dalawa’t kalahating lipi (Ruben, Gad at kalahati ng Manasseh) ay matatagpuan ngayon doon sa mga ayaw na durugin ang kanilang mga diyus-diyusan at mamatay sa sanlibutan. Ang kanilang pangalang Hebreo ang naglantad sa kanila!

 

Ang ibig sabihin ng “Ruben” ay, “Isang anak na nakakakita!” Siya ang panganay ni Jacob, ngunit nawala ang kanyang katutubong karapatan sapagkat siya ay itinulak sa makamundong pagnanasa. Nagtungo siya sa kalaguyo ng kanyang ama, at si Jacob ay, sa sandali ng kanyang kamatayan ay,nagsabi sa kanya: “Ruben… ang ama mo’y iyong hinamak… dangal ng asawa ay iyong winasak…” (Genesis 49:4). Inilarawan ni Jacob ang anak niyang si Ruben bilang “mapusok ang loob… hindi ka sisikat…” (Genesis 49:3)

 

Si Ruben ay nakatingin lamang sa sanlibutan—sa makamundong pagnananasa nito, sa mga bagay dito, sa mga kasiyahan dito. Siya ay mapusok sapagkat ang puso niya ay laging hati, at ang espiritung ito ay nagpatuloy sa kanyang angkanang darating. Narito ang isang buong lipi na nakakapit sa sanlibutan at yari ang loob na magpatuloy sa kanilang gawi.

 

Ang kahulugan ng Gad ay,”Kapalaran o kawal.” Sa madaling sabi, ang kahulugan nito ay mga bayarang kawal o nagpapaupang kawal. Sinabi ni Moses tungkol kay Gad, “Pinili niya ang pinakamainam na lupain…” (Deutoronomo 33:21). Ang liping ito ay may panlabas na pagiging masunurin, “nagpapatupad ng katarungan ng Panginoon,” ngunit ang tunay na layunin ay ang pansariling kapakanan. Si Gad ay dinadaig ng sarili niyang suliranin at ang pangangailangang “maayos ito.”

 

Ang pilosopiya ni Gad ay, “Ako’y makikipaglaban kasama ang mga hukbo ng Panginoon; susunod ako at gagawin ang lahat ng inaasahan ng Diyos sa akin. Ngunit bago ang lahat kailangan munang makuha ko ang aking pusta sa buhay ko. Kailangan ko munang matiyak na ang sarili ko at ang aking pamilya ay nasa mabuting kalagayan at sa ganon mas malaya akong makakagawa para sa Panginoon!”

 

Ang kahulugan ng Manasseh ay, “Makalimot, magpabaya.” Ito ang panganay na anak na lalaki ni Jose at dapat na natanggap niya ang katutubong karapatan. Ngunit maging noong kanyang kabataan mayroong malungkot na namumuong sariling katangian at ito ay nakita ni Jacob sa Espiritu. Na isang araw ay makakalimot sa kinagawian ng ama niyang si Jose at magpapabaya sa mga utos ng Panginoon.

 

Isaalang-alang ang mga magkahalong katangiang ito ng mga gumigitnang mga Kristiyano: di-matatag na katulad ng tubig sa espirituwal na paniniwala; hindi naging magaling sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos; malamlam, mahina sa makalamang pagnanasa; pinangungunahan ng makasariling kadamutan; nagpabaya sa Salita; hindi binigyan ng kahalagahan ang utos ng Panginoon; ginagawa ang pansariling pagnanais sa halip na magtiwala sa Diyos; pagkalimot sa mga nakalipas na pagpapala at pakikipag-isa; ayaw bumitaw sa mga ibang diyus-diyusan; binibigyang katuwiran ang sariling pagpapasiya; hindi nakahandang mamatay sa lahat ng bagay na maaring makatukso sa kanila pabalik sa gitnang kalagayan.

 

Ating alamin na naisin ang kapunuan ng Panginoon. Ang layunin ng Diyos para sa iyo ay makapasok ka sa kalagayan ng kapahingahan, kagalakan at kapayapan sa Banal na Espiritu. At iyan ang kailangan sa pagsunod sa kanya “ng buong puso, ng buong kalakasan.”