Biyernes, Setyembre 18, 2009

ANG HALIK NG AMA

Ang malaking pagpapala ay nagiging atin kapag tayo at pina-upo sa makalangit na kalagayan. Ano nang pagpapalang ito? Ito ang karapatan ng pagtanggap: “Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak” (Efeso 1:6). Ang “tinanggap” sa salitang Griyego ay nangangahulugan na tanging pinili. Iyan ay naiiba sa ingles na paggamit, na maaring ipakahulugan na “kainamang pagtanggap.” Ito ay pagpapahayag na maaring pagtiisan, saloobing mungkahi na “maari akong mamuhay sa ganito.” Hindi iyan ang kalagayan sa paggamit ni Pablo sa salitang iyon. Ang paggamit niya ng “tinanggap” ay may pakahulugan na, “Ang Diyos ay tanging pinili tayo. Tayo ay mahalaga sa kanya sapagkat tayo ay na kay Kristo.”

 

Sapagkat tinanggap ng Diyos ang pagpapakasakit ni Kristo, ngayon isa lamang ang nakikita niya na pinag-isang tao: Si Kristo at yaong mga nakapaligid sa kanya sa pananalig. Ang ating mga katawan ay namatay sa mata ng Diyos. Paano? Ang ating dating katauhan ay hinayaan ni Kristo sa Krus. Kaya’t ngayon kapag nakatingin ang Diyos sa atin, ang nakikita niya ay si Kristo lamang. Bilang kapalit,  kailangan na makita natin ang sarili natin kung paano tayo nakikita ng Diyos. Nangangahulugan ito na kailangang hindi lamang sa ating mga kasalanan at kahinaan natin tayo nakatigin kundi sa tagumpay na napagwagian ni Kristo para sa atin sa Krus .

 

Ang parabola ng Alibughang anak ay nagpapakita ng makapangyarihang paglalarawan ng pagtanggap na kasama nang tayo ay binigyan ng makalangit na katayuan kay Kristo. Alam ninyo ang kasaysayan: Isang nakababatang lalaki ang kinuha ang kanyang mana mula sa kanyang ama at ito ay nilustay niya sa makasalanang pamamaraan. Pagkatapos, na ang anak ay lubusang nang naghirap—sa budhi, sa damdamin at sa katawan—naalala niya ang kanyang ama. Naniniwala siya na lubusang nang nawala ang kagandahang loob at pagtangkilik ng kanyang ama sa kanya. At natatakot siya na ang ama niya ay punung-puno ng galit at poot sa kanya.

 

Ang Kasulatan ay nagsasabi na ang durog na batang lalaking ito ay punung-puno ng kalungkutan at tumatangis, “Hindi ako karapatdapat. Nagkasala ako laban sa langit.” Ito ay kumakatawan sa mga nagsisisi na may makadiyos na kalungkutan.

 

Ang alibugha ay nagsabi sa sarili: “Babalik ako sa kanya” (Lucas 15:18). Ginagampanan niya ang kanyang biyaya ng pagparoon. Nakita mo ba ang inilalarawan? Ang alibugha ay tumalikod sa kanyang kasalanan, at iniwan niya ang sanlibutan, at pumaroon siya sa bukas na pinto na ipinangako ng kanyang ama sa kanya. Lumalakad siya sa pagsisisi at itinama ang pagparoon.

 

Kaya’t ano ang nangyari sa alibughang anak? “Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap at  hinagkan” Lucas 15:20).  Isang napakandang tagpo. Ang makasalanan na anak ay pinatawad, niyakap at inibig ng ama, na walang poot o paninisi ng kahit ano. Nang tinanggap niya ang halik ng ama, alam niya na siya ay tinanggap.