Martes, Setyembre 29, 2009

CALEB

Si Caleb, na ang pangalan ay nangangahulugan ng “marahas, matatag,” ay isang uri ng Kristiyano na kumikilos ng tuluy-tuloy! Hindi siya mapahiwalay kay Hosua, isang uri ng Kristiyano, na kumakatawan sa isang patuloy na lumalakad kasama ang Panginoon.

 

Si Caleb ay ay nanggaling na ng Jordan kasama ang mga tiktik. Habang nandoon dinala siya ng Banal na Espiritu sa Hebron—“ang lupain ng kamatayan.” Sa sindak inakyat niya ang pinagpalang bundok at nilunod ng pananalig ang kanyang kaluluwa. Si Abraham at Sara ay dito inilibing, katulad ni Isaac at Jacob. Pagkalipas ng ilang taon, dito magsisimula ang kaharian ni David.  Pinahalagahan ni Caleb ang pinagpalang pook na iyon! Mula noon ninais na niyang mapasakanya ang Hebron.

 

Nasabi tungkol kay Caleb na “Sumunod siya sa akin ng buong tapat” (Mga Bilang 14:24). Hindi siya nag-atubili hanggang sa huli. Si Solomon ay nag-atubili sa mga huling taon niya at “hindi siya sumunod ng lubusan sa Panginoon.” “Walumpu’t limang taon na ako ngayon ngunit hindi pa nagbabago ang lakas ko mula nang ako’y suguin ni Moses upang tiktikan ang lupaing ito. Kaya ko pa ang makidigma at magparoo’t parito” (Josue 14:11).

 

Sa gulang na 85 si Caleb ay nakipagdigma sa kanyang pinakadakilang pakikipaghamok! “Kaya ibigay mo na sa akin ang kaburulan na ipinangako (Hebron)…” (Josue 14:12). “Binasbasan nga ni Josue si Caleb at ibinigay sa kanya ang Hebron” (Josue 14:13). Ang lupain ng Hebron ay nanatili hanggang ngayon… sapagkat naglingkod siya ng tapat kay Yahweh” (Josue 14:14).

 

Ang pahayag ay maluwalhati! Ito ay ito: Hindi sapat na mamatay sa kasalanan—na makapasok ng may kapunuan sa nakalipas. Ang pangangailangan ay ang lumago sa Panginoon hanggang sa huli! Na maingatan mo ang iyong espirituwal na kapangyarihan at lakas—ang hindi mag-atubili, “na puspusang sumunod sa Panginoon”—maging sa pagtanda! Dapat na ito’y patuloy na lumalagong pananalig.

 

Ang Hebron, ang minana ni Caleb, ay nangangahulugan “kasamang pakikipag-ugnayan.” Pakikipag-unayan sa ano? Ang sagot ay, “sa kamatayan.” Hindi lamang sa kamatayan sa kasalanan sa Jordan kundi ang mamuhay na kasama ang mga tao, ang samahan ng mga kapwa mananampalataya na may pakikipag-ugnayan sa kamatayan at muling-pagkabuhay ni Hesu-Kristo. Doon sa Hebron nagtayo ng altar si Abraham upang iaalay ang kanyang anak na lalaki at dito si Caleb at mag-anak niya nanirahan. Palagian silang nakikipag-ugnayan sa altar ng buhay na pagpapakasakit.

 

Ang buong-puso ni Caleb sa Panginoon ay nagbunga ng banal na apoy sa Diyos sa kanyang mga anak. Habang ang mga anak ng dalawa’t kalahating lipi na namumuhay sa gitnang katayuan ay tumalikod at yumakap sa sanlibutan at sa mga diyus-diyusan nito, ang mag-anak ni caleb ay lalong lumago sa Panginoon!