Martes, Setyembre 8, 2009

IBUHOS MO ANG LAHAT!

Ang mga sumusunod na salita ay para sa mga nangangailangan ng kasagutan sa kanilang panalangin, nangangailangan ng tulong sa panahon ng kaguluhan, at ang mga handa at kusang gustong pumasok sa puso ng Diyos ayon sa kanyang Salita.

 

Una, panghawakan itong pangakong kasunduan sa Awit 46:1: “Ang Diyos ang lakas natin at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.” Ang pariralang nakahanda ay nangangahulugan “laging handa, agad.” Ang pananalig ay dapat nakasandal sa katiyakan na ang Espiritu ng Diyos ay nanahan sa iyo sa lahat ng oras araw at gabi, tuloy-tuloy. At dahil nanahan siya sa iyo, nakikinig siya sa lahat ng panalangin ng isipan mo at tangis. Alam natin na kapag narinig niya tayo at ipinagkakaloob niya ang ating mga kahilingan. Ang Banal na Epiritu ay uugain ang langit at lupa para sa bawat anak ng Diyos na may panahon na magbuhos ng saloobin na hindi nagpapadalos-dalos, hindi nagmamadali sa presensiya niya.

 

Ang kasunod, basahin at paniwalaan ang Awit 62:5-7. Ito ang panalangin ni David na humipo sa puso ng Diyos. Sinabi ni David, “Sa Diyos lamang maghintay. Huwag umasa ng tulong kaninuman. Siya lamang ang dapat panggagalingan, ang iyong tanging pag-asa, at tagapagtanggol. Siya lamang ang maaring magbigay sa iyo ng lakas para magpatuloy ka hanggang sa dumating ang iyong kasagutan.”

 

Kapag ikaw ay lubus-lubusan ang pagsandal sa Panginoon lamang—kapag tumigil ka sa paghahanap sa tulong ng tao, at nagtiwala sa Diyos para sa himala—walang anumang maaring makapag-pauga sa iyo. Walang anumang maaring magtulak sa iyo sa kaguluhan ng isip o hukay ng kawalan ng pag-asa. Ipinahayag ni David, “Hindi ako matitinag” (Awit 62:6)

 

Ngayon narito ang bood ng lahat, ang lihim sa nananaig na panalangin na sa buong kasaysayan ay natutunan ng bawat banal—ANG PAGBUBUHOS NG PUSO SA HARAPAN NG PANGINOON. “Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang iyong pasaning ngayo’y dinaranas. Siya ang kublihang sa ati’y lulunas” (Awit 62:8). Maririnig ka ng Diyos at sasagutin ka niya kapag nakita niya na ikaw ay kusang magsasara sa lahat ng nakikinig sa isang kapanahunan,  itangis ang iyong puso, ibuhos mo ito sa kanyang harapan, at magtiwala na siya ay sasagot.