Miyerkules, Setyembre 2, 2009

KAIBIGAN NG MGA MAKASALANAN

Sa Lucas 7 nabasa natin ang salaysay ng Pariseong nagngangalang Simon, na nag-anyaya kay Hesus sa kanyang tahanan upang maghapunan. Hindi ako sigurado kung bakit may Pariseong mag-aanyaya kay Hesus upang maghapunan, lalo pa’t may kasamang mga mahigpit na relihiyosong kalalakihan. Ang isang maaring dahilan para sa imbitasyon ay upang malaman ni Simon at ng mga kaibigan niya kung si Hesus ay isang propeta o, para talaga, pasinungalingan na isa siyang propeta. Ang mensahe ay malinaw na nagsasaad na alam ni Simon ang pagkatao ni Hesus bilang isang propeta (Lucas 7:39).

Ang Kasulatan ay hindi nagsabi sa atin kung ano ang napag-usapan sa paligid ng hapag kainan, ngunit maari natin isipin na ito ay may kinalaman sa teolohiya. Ang mga Pariseo ay nagpagkadalubhasa sa paksang iyon, at sinubukan nilang linlangin si Hesus sa ilang pagkakataon sa pagtatanong ng mga kakaibang katanungan. Ngunit alam ni Hesus ang laman ng kanilang mga puso, at madali itong naging malinaw. At ang kasunod nating nabasa ay tungkol sa isang babae sa lansangan “na isang makasalanan” sapilitang pumasok sa eksena. Sinabi ng kasulatan sa atin, “Nilingon niya ang babae” (Lucas 7:44). Dito ipinakita ni Hesus sa atin kung saan dapat nakatuon ang ating mga atensyon: hindi sa mga huwad na relihiyon. Hindi sa huwad na mangangaral, kundi sa mga makasalanan.

Tumingin palayo mula kay Simon at sa kanyang mga bisita, lumingon si Hesus sa babae at nagsabi, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, ang malaking pagmamahal na ipinamalas niya ang nagpapatunay na ipinatawad na ang marami niyang mga kasalanan… Iniligtas ka ng iyong pananalig, yumaon ka na’t ipanatag ang iyong kalooban” (7:47, 50). Ipinahayag ni Hesus dito bakit siya nagtungo: para kaibiganin at maituwid ang mga nahulog sa kasalanan, ang mga walang kaibigan, ang mga nakubabawan ng kasalanan. At sinasabi niya sa atin ngayon, “Ito ang aking ministeryo.”

Kahalintulad, sinabi ng apostol Pablo, sa ganito dapat tayo nakatuon. Hindi natin dapat husgahan ang isang nahulog sa kasalanan, kundi hanapin kung paano sila maitutuwid at maialis ang kanilang pagsisisi. Sa katunayan, ginawa niya itong batayan ng tunay na espirtuwalismo: isang kahandaan na maipanumbalik ang isang nahulog sa kasalanan. “Mga kapatid, kung may mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Gawin ninyo ito nang buong hinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso” (galcia 6:1). Madaliang idinagdag ni Pablo ang kautusan ng paraan ni Kristo: “Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin, at sa ganitong paraa’y matutupad ninyo ang utos ni Kristo” (6:2). Ano ang batas ni Kristo? Ito ay pag-ibig: “Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong iniibig ko kayo, gayon din naman mag-ibigan kayo” (Juan 13:34)