Miyerkules, Setyembre 16, 2009

MATUTUNANG MAGPATAWAD SA IBA

Para sa akin ito ang pinakamahirap na bahagi ng pagpapatawad. Bilang Kristiyano, madali nating ialok ang biyaya ng Panginoon sa sanlibutan, ngunit madalas baha-bahagi at paunti-unti natin itong ibinibigay sa sarili natin.

 

Isa-alang-alang si Haring David, na nakiapid at pagkatapos ay pinatay ang asawa nito para mapagtakpan ang kanyang kasalanan. Nang malantad ang kanyang kasalanan, si David ay nag-sisi at ipinadala ng Panginoon ang propetang si Natan para sabihin sa kanya, “Ang kasalanan mo’y pinatawad na.” gayunman, kahit alam niya na siya ay pinatawad na, nawala ang galak sa kanya. Nanalangin siya, “Sa galak at tuwa ako ay puspusin, at muling babalik ang galak sa akin…Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas, ibalik at ako ay gawin mong tapat” (Awit 51:8,12)

 

Bakit lubhang nababagabag si David?  Ang lalaking ito ay naging matuwid sa harap ng Panginoon, at nagkaroon siya ng katahimikan sa pamamagitan ng kapatawaran na ipinangako ng Diyos. Gayunman, ang iyong kasalanan ay maaring mabura na sa aklat ng Diyos ngunit hindi mula sa iyong budhi. Sinulat ni David ang Awit sapagkat nais niyang tigilan na siyang sisihin ng kanyang budhi sa kanyang mga naging kasalanan. At hindi mapatawad ni  David ang sarili niya. Ngayon pinagtitiisan niya ang kaparusahan na nakahawak sa kapatawaran na inaasahan niya—at iyan ay kawalan ng kagalakan. Ang kagalakan ng Panginoon ay dumadating sa atin bilang bunga ng kanyang kapatawaran.    

 

Ako ay masidhing natamaan ng talambuhay ni Hudson Taylor. Si Taylor ay isang pinaka-epektibong misyonaryo sa kasaysayan, makadiyos na tao sa pananalangin na nagtatag ng iglesya sa lahat ng dako sa malawak na loob ng Tsina. Gayunman nangangaral siya sa maraming taon na walang kagalakan. Siya ay bagsak sa kanyang mga paghihirap, nagdurusa sa lihim na pananabik at isiping walang paniniwala.

 

Noong 1869, naranasan ni Taylor ang isang lubusang pagbabago. Nakita niya na si Kristo lamang ang lahat na kailangan niya, gayunman wala sa isa mang luha niya o pagsisisi ang makapag-aalis ng mga biyaya sa kanya. Natuklasan ni Taylor na  isa lamang ang paraan para sa kapunuan ni Kristo: sa pamamagitan ng pananalig. Bawat pangako na ginawa ng Diyos para sa tao ay nangangilangan ng pananalig. Kaya’t yari na ang loob ni Taylor na pukawin ang kanyang pananalig, ngunit  maging ang pagsisikap na iyan ay nauwi sa wala. Sa huli, sa pinakamadilim na sandali para sa kanya, ang Banal na Espiritu ay nagbigay ng pahayag sa kanya: ang pananalig ay hindi dumadating sa pamamagitan ng pagsusumikap, kundi sa pagsandal sa pangako ng Diyos. Iyan ang lihim sa pagkatok sa lahat ng pagpapala ni Kristo.

 

Napatawad ni Taylor ang sarili niya para sa mga kasalanang sinabi ni Kristo na itinapon na sa dagat. At dahil namahinga na siya sa mga pangako ni Kristo, nagawa niyang maging isang galak na tagapaglingkod, patuloy na ibinibigay ang lahat ng kanyang kabigatan sa Panginoon.