Miyerkules, Setyembre 30, 2009

HINDI KA PINAG-WALANG –BAHALA NG DIYOS

Isa sa pinakamabigat kong dalahin bilang pastol ng Panginoon ay, “O, Diyos, paano ko mabibigyan ng pag-asa at kaaliwan ang mga mananampalataya na mga dumadanas ng mabibigat na pasakit at pagdurusa? Bigyan mo ako ng pahayag na makapag-aalis ng kanilang pagdududa at takot. Ibigay mo sa akin ang katotohanan na makapagpapatuyo ng luha ng mga nagdadalamhati at malagyan ng awit ang mga labi ng mga walang pag-asa.

 

Ang pahayag na naririnig ko mula sa Banal na Espiritu para sa mga tao ng Diyos ay payak lamang, “Magtungo ka sa Salita ko, at manindigan sa aking mga pangako. Iwaksi mo ang iyong mga damdamin ng pagdududa.” Lahat ng pag-asa ay bunga na galing sa mga pangako ng Diyos.

Nakatanggap ako ng liham na naglalaman ng magandang buhay na paglalarawan ng mga ito. Ito ay nagmula sa isang ina na sumulat, “Ang anak kong babae ay labing-anim na taong gulang. Siya ay mayroong nabubulok na kalamnan, mga balamban, mga kasukasuan, at dumadanas ng matinding kirot sa loob ng dalawampu’t apat na oras isang araw. Nawalan ako ng anak na nagpakamatay ng dahil sa katulad na karamdaman. Siya ay dalawampu’t dalawang taon noon, pagkaraan ng siyam na taong pagdurusa, siya ay nagpakamatay. Hindi na niya makayanan ang kirot.

 

“Ang anak ko ay isang balerina at umaasa na sa darating na panahon ay papunta sa Paaralan ng Julliard sa lungsod ng Nuweba York. Ngunit nawasak ang kanyang mga pangarap nang siya maratay sa katulad na karamdaman na nagpahirap sa kanyang kapatid na lalaki. Ang sabi ng kanyang mangagamot na kung susukatin ang kirot mula 1 hanggang 10, ang kanya ay nasa 14. Ang dami ng gamot na pangpaalis ng kirot ay sisira sa kanyang bato, kaya’t hindi niya maaring inumim ang gamot.

 

“Iniibig niya ang Panginoon, at isang masayahing kasama. Isa siyang kahanga-hangang makata na ang mga isinulat ay naakda sa may labinlimang paglalathala, at siya ay isa sa mga nakatalang “Sabansaang Sino ang Sino sa mga Makata.” 

 

Sa mukha ng lahat ng ito, sa gitna ng walang humpay na pangangatal ng katawan at kaluluwa, ang inang ito at ang anak na babae ay inilagay ang pag-asa sa Salita  ng Diyos sa kanila. At ito ay nagbigay ng kapayapaan sa kanila.

 

Ang kaaway ba ay sumubok na sabihin sa iyo na ikaw ay ipinagwalang bahala na ng Diyos? Natukso ka bang isipin na ang Panginoon ay wala sa iyo? Halos isinuko mo na ba ang iyong pananalig? Pablo ang iyong pag-asa sa Salita ng Panginoon sa iyo:

 

“Hindi kita iiwan ni pababayaan man” (Hebreo 13:5)

 

“Ikaw, O Yahweh, ang tagapagtanggol ng api-apihan, sa gitna ng gulo at mga panganib ay kutang matibay; lubos ang tiwala ng kumikilala sa iyong pangalan, sapagkat wala pang dumulog sa iyo na iyong tinanggihan” (Awit 9:9-10).