Huwebes, Oktubre 1, 2009

ANG KAHABAGAN NG PANGINOON

Sa Lumang Israel, ang kaban ng tipan ang kumakatawan sa kahabagan ng Panginoon, isang makapangyarihang katotohanan na siyang kumatawan kay Kristo. Tayo ay tatanggap ng kanyang kahabagan, pagtitiwala sa dugong magliligtas ng kanyang kahabagan, at maligtas ng walang hanggan. Kaya’t maari mong kutyain ang batas, maari mong tuyain ang kabanalan, maari mong punitin ang lahat na nagsasaad tungkol sa Diyos. Ngunit kung tutuyain mo o kukutyain ang kahabagan ng Diyos, ang paghuhusga ay dadating—at mabilisan. Kapag niyapakan mo ang dugo ng kanyang kahabagan, haharap ka sa kanyang matinding poot.

 

Iyan ang tunay na nangyari sa mga Filisteo nang ninakaw nila ang kaban. Malupit na pagkawasak ang dumating sa kanila hanggang sa aminin nila, “Hindi ito isang pagkakataon lamang o pangyayari lamang. Ang kamay ng Diyos ay malinaw na laban sa atin. Isaalang-alang kung ano ang nangyari nang ang kaban ay ipinasok sa templo at inilagay sa tabi ng diyus-diyusan nilang si Dagon, para tuyain at hamunin ang Diyos ng Israel. Sa kalagitnaan ng gabi, ang upuan ng kahabagan ng kaban ay naging pamalo ng paghuhusga. Nang mgbalik sila kinabukasan, nakita nilang nakasubasob na naman sa harap ng kaban, ang ulo at mga kamay nito ay putol-putol (tingnan ang 1 Samuel 5:2-5).

 

Mga minamahal, ito ang dapat na kinalalagyan ng Amerika ngayon. Dapat tayong hinusgahan na noon pa. Sinasabi ko sa lahat na tumuya at naghamon sa kahabagan  ng Diyos: Sige gawin ninyo, gawin ninyo ang lahat na madala ang iglesya ni Kristo sa ilalim ng kapangyarihn ng sekularismo o pangingila. Ngunit kapag tinuya mo ang kahabagan ng Panginoon, Ihahagis ng Diyos ang lahat ng iyong kapangyarihan at karapatan sa lupa. Sinabi ni Jeremiah, “Hindi magmamaliw na pag-ibig ni Yahweh at ang kanyang walang kupas na kahabagan” (Mga Panaghoy 3:22). Gayunman kapag tinuya ng tao ang dakilang kahabagan na si Kristo, ang paghuhusga ay tiyak.

 

Ang kahabagan lamang ng Panginoon ang pumipigil sa paghuhusga. At ngayon ang Amerika ay nakikinabang sa kahabagang iyon. Di-kapani-paniwala, ang bansa natin ay nakikipaghabulan sa buong sanlibutan na maalis ang Diyos at si Kristo sa lipunan. Gayunpaman, hindi maaring tuyain ang Panginoon; ang kanyang kahabagan ay mananatili sa walang hanggan, at iniibig niya ang bansang ito. Naniniwala ako kung bakit hanggang ngayon ay ibinubuhos niya ang pagpapala sa atin. Ang ninanais niya ay ang kabutihan ay magdadala sa atin sa pagsisisi.

 

Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa sa kasalukuyang kalagayan ng Amerika. Tayo ay nagdadalamhati sa labis na katiwalian, panunuya at kasalanan, ngunit tayo ay may pag-asa, sapagkat alam natin na nasa pangangalaga niya ang lahat. Alam natin na ang kahabagan ng Diyos ay mananatili.