Miyerkules, Setyembre 9, 2009

LANDAS NA DIYOS LAMANG ANG NAKAKAALAM

 “Ang hakbang ng matuwid ay utos ng Panginoon” (Awit 32:23). Ang salitang “utos” sa Hebreo sa bersong ito ay “nakatalaga o napaghandaan.” Ang Diyos ay hindi gumagamit ng talaan ng gagawin sa pang-araw-araw. Hindi niya binalak ang ating dadaanan isang araw, isang linggo o isang taon bago pa ito mangyari. Hindi, siya ay mayroong nakatakdang panghabang-buhay na layunin na nakalaan sa bawat mananampalataya. Sa sandaling tayo ay maligtas ang nakatakdang layuning iyan ay nagsisimula nang maganap.

 

Ano itong nakatakda nang dadaanan? Sumagot ng payak si hesus, “Ako ang daan” (Juan 14:6 italika). Si Kristo mismo ang daan ng luwalhati at walang hanggang buhay. Nangunguna siya patungo sa ating huling patutunguhan. At ang ating daan ay matatapos sa kanyang mga bisig, sa langit. Ang aklat ng Hebreo ay nagsasabi sa atin na si Hesus ay “upang makapagdala ng marami sa kaluwalhatian” (Hebreo 2:10).

 

Gayunman, ang hindi natin malalaman ay ang tiyak na dadaanan ni Hesus para makarating tayo doon. Wala sa atin ang nakatitiyak kung ano kalalabasan ng nalalabi nating paglalakbay. Ang landas ay isang daan na Diyos lamang ang nakakaalam. Tingnan ninyo ang aking buhay, bilang halimbawa. Ako ay patungo sa kaluwalhatian sa mahigit na pitumpong taon.  Sa aking dinadaanan, binigyan ako ng Diyos ng layunin, ilang mga pangarap, ilang mga kaisipan, na aking ginawa at tinupad. Ngunit hindi iginuhit ng Panginoon ang buong landas na aking tatahakin. Ang katotohanan, maging sa mga nagdaang mga taong ito, ay hindi ako nakatitiyak kung saan ako dadalhin ng kinabukasan.

 

Nang matanda na si Jacob, inilarawan niya ang sariling landas patungo sa Paraon: “Ako po ay  130 taon na. Maikli at mahirap ang aking naging buhay dito sa lupa. Malayong-malayo sa naging buhay ng aking mga ninuno” (Genesis 47:9). Ang salitang Hebreo sa “masama” dito ay may pakahulugan sa mga sakuna, karamdaman, kalungkutan, kaguluhan.

 

Maihahalintulad ko ang sarili ko kay Jacob. Mayroong mga tiyak na panahon sa aking paglalakbay na ayoko nang muling maranasan. Oo nga, pinuri ko ang Diyos sa lahat ng mga biyaya at mga himala na ginawa niya para sa akin. At ako’y lubos na nagpapasalamat sa pananalig na pinalago niya sa akin sa napakaraming taon. Ngunit kung muli akong mabubuhay, nais kong malaman bago pa mangyari na ang lahat ay mauuwi sa mabuti. Kaya lamang, hindi ganon kung gumawa ang Panginoon. Ang landas ng bawat mananampalataya ay isang nakasalalay sa pananalig.