Ang maging kawangis ni Kristo ay ang makita si Hesus sa iba. Sa aking paglalakbay nakilala ko ang maraming mahahalagang lalaki at babae na alam ko ay buong-buo na nasa Panginoon. Sa sandaling makilala ko sila, tumatalon ang puso ko. Kahit na noon pa lang kami nagkita, mayroon akong patotoo mula sa Banal na Espiritu na sila ay puspos ni Kristo.
Hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin ang kanilang mga mukha: mga pastor, mga obispo, mga mahirap na ebanghelista sa daan. At sa sandaling makilala ko sila, napatunayan ko kahit walang salita na binitiwan, “Ang lalaking ito ay kasama si Hesus. Ang babaeng ito ay masaya kay Kristo.” Sa pagbati sa kanila, palagi kong sinasabi ang isang bagay na nais kong marinig na sasabihin din nila sa akin: “Kapatid, nakita ko si Hesus sa iyo.”
Ang maging kawangis ni Kristo ay may kinalaman sa kung paano ko ipalagay ang mga iba na nasa labas ng aking pamilya, ibigin ang iba katulad ng pag-ibig niya sa atin. Gayunman ito rin ay nangangahulugan na ibigin natin ang ating mga kaaway—yaong mga namumuhi sa atin, yaong mga walang kakayanang ibigin tayo. At dapat nating gawin ito na walang kapalit na inaasahan. Ang umibig sa ganitong paraan ay di-maaari, sa isip ng tao. Walang aklat na inakda kung paano, anumang nakatakdang simulain, o anumang sukat ng talino ng tao na magpapakita sa atin kung paano ibigin ang ating mga kaaway katulad ng pag-ibig ni Kristo sa atin.
Kaya, paano natin ito magagawa? Paano ko iibigin ang isang Muslim na dumura sa aking mukha isang bloke ang layo sa ating iglesya? Paano ko iibigin ang mga tao na nakatutok at nagbabasa sa makabagong teknolohiya na tinatawag akong huwad na propeta? Paano ko iibigin ang mga omoseksuwal na pumarada sa ikalimang abenida (
Ito ay gawain lamang ng Banal na Espiritu. Nanalangin si Hesus sa Ama, “Upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama’y sumakanila” (Juan 17:26). Hiniling ni Kristo sa Ama na ibigay ang pag-ibig niya sa atin. At ipinangako niya na ipapakita sa atin ng Banal na Espiritu kung paano ipamuhay ang pag-ibig na iyon.
Ang Banal na Espiritu ay buong pananalig na pagsasama-samahin ang lahat ng paraan ng pag-ibig ni Kristo sa iba at ipapakita sa atin (Juan 16:15). Katunayan, ang Espiritu ay nagagalak na mas ipakita si Hesus sa atin. Ito ang dahilan ng pananahan niya sa templo ng ating katawan: upang ipangaral si Kristo sa atin. “Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya’y sumasainyo at nananahan sa inyo… Ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay” (Juan 14:17, 26).