“Magpasalamat tayo sa Diyos at Amang ating Panginoon Hesu-Kristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo” (Efeso 1:3). Sinasabi ni Pablo sa atin, “Lahat ng sumusunod kay Hesus ay biniyayaan ng espirituwal na pagpapala sa makalangit na kalagayan, na kung nasaan si Kristo.” Isang di-kapani-paniwalang pangako sa mga tao ng Diyos.
Ang pangako ay mistulang salita lamang kung hindi natin alam kung ano ang mga espirituwal na pagpapalang ito. Paano natin matatamasa ang mga pagpapala na ipinangako ng Diyos sa atin kung hindi natin maunawaan ang mga ito?
Isinulat ni Pablo ang kalatas na ito “sa mga tapat kay Kristo-Hesus” (1:1). Ito ang mga mananampalataya na nakatitiyak ng kanilang kaligtasan. Ang mga taga Efeso ay mahusay na sinanay sa Mabuting Balita tungkol kay Hesu-Kristo at sa pag-asa ng walang-hanggang buhay. Alam nila kung sino sila kay Kristo, ay binigyan ng katiyakan sa kanilang makalangit na kalagayan sa kanya.
Ang mga “matapat na ito” ay lubos na nauunawaan na “Ang muling bumuhay kay Kristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos” (1:20). Alam nila na sila ay pinili ng Diyos mula pa “At sa atin ngang pakikipag-isang ito,hinirang niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niya, dahil sa pag-ibig sa Diyos” (1:4).
Marami ang pinatawad, nilinis at tinubos na mga tao na namumuhay sa pagdurusa. Hindi sila nagkaroon ng damdamin ng kapunuan kay Kristo. Sa halip, patuloy silang nagtutungo mula sa tuktok patungo sa lambak, mula sa mataas na espirituwal na damdamin patungo sa masidhing pagkalumbay. Paano nangyari ito? Sapagkat marami ang hindi nalampasan ang Tagapagligtas na ipinako sa muling nabuhay na Panginoon na nabuhay sa kaluwalhatian.
Sinabi ni Hesus sa mga disipulo, “Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutan. Ngunit ako’y makikita ninyo; sapagkat mabubuhay ako, at mabubuhay rin kayo. Malalaman ninyo sa araw na yaon na ako’y sumasa-Ama, kayo’y sumasaakin, at ako’y sumasainyo” (Juan 14:19-20). Tayo ngayon ay nabubuhay sa “panahong iyon” na siyang sinabi ni Hesus at dapat nating maunawaan ang ating makalangit na kalagayan kay Kristo.
Ano ang ibig sabihin ng paglalarawan ng, “ating kalagayan kay Kristo”? Ang kalagayan ay kung saan ang isa ay inilagay, kung nasaan ang isa.” Tayo ay inilagay ng Diyos kung nasaan tayo, ito ay kay Kristo.
Bilang kapalit, si Kristo ay nasa Ama, nakaupo sa kanang kamay niya.