Sa Lucas 14, si Hesus ay naanyayahan ng isang punong Pariseo na “maghapunan” sa kanyang tahanan. May iba pang Pariseo na inanyayahan din, mga kalalakihan na kung sino, katulad ng punong-abala, ay mga nangungunang tagapag-ingat ng mga batas.
Nang tinawag ng punong abala ang kanyang mga panauhin para maupo na, nag-unahan sila upang makaupo sa mga piling upuan sa hapag kainan. Sinabi ng Kasulatan sa atin na habang ito ay napansin ni Hesus, “Napansin ni Hesus na ang pinipili ng mga inanyayahan ay ang mga upuang nakalaan sa mga piling panauhin” (lucas 14:7). Isa itong walang kahihiyang pagpapakita ng banidad, kasabikang makita at mapansin.
Nang si Kristo ay naupo para kumain, pinagwikaan niya ang silid na punong-puno ng mga matataas na pinuno ng relihiyon sa
“Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang tanging upuan. Baka may inanyayahang lalong tanyag kaysa sa iyo. At lalapit ang nag-anyaya sa inyong dalawa at sasabihin sa iyo. ‘Maari bang ibigay ninyo ang upuang iyan sa taong ito?’ Sa gayo’y mapahiya ka at doon malalagay sa pinakaabang upuan… ‘Kaibigan, dini ka sa kabisera.’ Sa gayon, nabigyan ka ng malaking karangalan sa harapan ng mga panauhin. Sapagkat ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas” (Lucas 14:8-11)
Ang mga salita ni Hesus sa tagpong ito ay patungkol sa kanyang mga tagasunod. Gayunman habang isinaalang-alang niya ang mga nakikinig sa tahanan ng Pariseo, naglalarawan siya ng isang namumukod tanging uri ng pinuno: doon sa mga “gustung-gustong pagpugayan sa mga liwasan, at mga tanging luklukan sa sinagoga, at upuang pandangal sa mga piging… sinasangkala’y pagdarasal ng mahaba” (Lucas 20:46-47)
Sa maiksing salita, sinasabi ni Hesus sa atin, ito ang mga tao na gumagawa lamang ng kabutihan upang makita ng iba. Ang mga taong ito ay sabik sa kalantaran sa bayan at madalas nagtatawag ng pansin para sa sarili nila. Ito ay patungkol sa mga mangangaral ngunit ito ay salita para din sa bawat anak ng Diyos.
Sinabi ni Hesus, “Maupo ka sa pinakaabang upuan sa isang tahanan.” Ano ang tiyakang pakahulugan niya nang ibinigay niya ang pahayag na ito? Kailangang tanggapin natin ang bukod tanging salita mula sa Panginoon ng may pagkataimtim. Inaanyayahan niya tayo, lahat tayo, na “magtungo sa itaas,” sa isang kalagayan ng matuwid na karangalan. Ang panawagang ito ”na magtungo sa itaas” ay isang panawagan na pumasok sa kabuuan ng hipo ng Diyos. Isa itong panawagan na magkaroon ng malugod na kapalagayang-loob, at maging kapanipaniwala, nakatitiyak, matuwid na orakulo ng Panginoon.