Sinagot ni Hesus ang kahilingan sa pananalig ng kanyang mga disipulo sa ganitong paraan. Sinabi niya sa kanila: “Ipalagay nating kayo’y may aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, ‘Halika at nang makakain ka na’? Hindi! Sa halip ay ganito ang sasabihin ninyo: ‘Ipaghanda mo ako ng hapunan; magbihis ka, at silbihan mo ako habang ako ay kumakain. Kumain ka pagkakain ko… Gayon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kami’y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin” (Lucas 17:7-8, 10).
Si Kristo ay nagpapahayag dito tungkol sa atin, sa kanyang mga alipin, at ng Diyos, ating Panginoon. Sinasabi niya sa atin na kailangan nating pakainin ang Diyos. Maaring magtaka ka, “Anong uri ng pagkain ang dapat nating dalhin para sa Panginoon? Ano makakalugod sa kanya? Sinasabi ng Bibliya sa atin, “At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nanalig sa kanya” (Hebreo 11:6). Sa madaling salita, ang kalugod-lugod na pagkain para sa Diyos ay pananalig. Iyan ang pagkain na nakakalugod sa kanya.
Nakita natin na ito ay inilarawan sa kalahatan ng Banal na Kasulatan. Nang may isang senturyon ang humiling kay Hesus na pagalingin ang kanyang may karamdamang alipin sa pamamagitan lamang ng isang salita, namangha si Kristo sa masidhing pananalig ng lalaking ito. Sumagot siya, “Sinasabi ko sa inyo, na hindi ako nakatagpo kahit sa
Napansin ko sa salita ni Hesus ang isang di-makapansing pahayag: “Hindi ka muna kakain, Ako muna.” Sa ibang salita, hindi natin gagamitin ang ating pananalig sa ating kapakanan at pangangailangan. Sa halip, ang pananalig natin ay upang malugod ang gutom ng Panginoon. “Ipaghanda mo ako ng hapunan… silbihan mo ako habang ako ay kumakain. Kumain ka pagkakain ko.