Tatlong hukbo ng kaaway ay palapit na sa Juda, at ang Haring Jehoshapat ay tinawag ang mga bansa na magsama-sama sa Herusalem para maghanda ng isang planong pandigma. Kailangan niya ng
Ngayo’y ito ang iginanti nila sa amin! Sinalakay nila at ibig palayasin sa lupaing itong ipinamana mo sa amin. Diyos namin parusahan mo sila. Hindi namin kayang sagupain ang gayon karaming kaaway. Hindi naming malaman ang aming gagawin. Ikaw lamang ang aming pag-asa” (2 Cronica:11-12)
Nabubuhay kami sa panahon na ang lahat ay mabuay at di-panatag—at lahat halos nakakasakit sa ibat-ibang paraan.
Halos wala nang nakakaalam ang gagawin. Ang aming mga pinuno ay walang kaalaman kung ano ang nangyayari sa mundo—o sa ekonomiya.
Ang daigdig ng kalakalan ay higit na rin naguguluhan—na ang mga ekonomista ay nagtatalo sa isat-isa tungkol sa mga padating na mangyayari. Ang mga Psikologo at mga Psikyatriya ay naguguluhan sa mga pabago-bagong pwersa na nakakapinsala sa mga tao ngayon.
Hindi mo ititiklop ang iyong mga kamay—maalwan na nakaupo hinahayaang ang Diyos ang gagawa ng lahat! Hindi ito ang ibig sabihin ng “pagtuon ng tingin sa Panginoon.” Nakatingin tayo sa Panginoon, hindi bilang mga tao na hindi alam ang gagawin, kundi bilang mga tao na wala talagang alam kung ano ang dapat na gagawin. Ngunit alam natin na siya ang Hari na nakaupo sa baha. Siya ang Panginoon ng lahat, at alam natin na kahit mahati ang mundo sa dalawa—kung mawasak ng tuluyan—siya ang bato ng kasiguruhan.Ang ating mga mata ay nakatuon sa bumalik na Panginoon. Kung hindi natin alam ang gagawin, ang pananampalataya natin ang magbibigay ng kasiguruhan na alam niya ang gagawin.