Huwebes, Agosto 20, 2009

PANAHON NG KASIGLAHAN

Ang Diyos, sa kanyang pag-ibig at awa, ay hinahayaan na hambalusin ng kapahamakan ang daigdig para magbigay babala sa lahat ng nakarinig na si Hesus ay muling babalik, at ito ay panahon na para maghanda. Lubos niyang minamahal ang kanyang mga anak para hayaang dumaan ang kanyang bagong kaharian ng walang babala. Alam niya na ang sankatauhan ay bingi na kinakailangang may mga sakuna at kapahamakan na pangsanlibutan para lamang makuha ang kanilang pansin. Ang mga kapahamakang ito ay isang uri ng pagbibilang, lubos na makirot upang hindi bigyan ng pansin, na hinayaan ng Diyos upang maihanda ang mga huling sandali ng panahon. Ang mga kirot na ito ay lalong magiging madalas at masidhi habang tayo ay palapit sa huling mga oras. “Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo” (Lucas 21:28).

 

Ang mga ito ba ay nakakasindak? Ang katotohanan ba ay nakakatakot? Tunay kayang maaring mangyari na ang katapusan ng mundo ay nasa atin na. Ito na kaya ang panahon na hinulaan ng mga propeta na mangyayari? Ang mga tunay kayang mga debotong Kristiyano ay hindi mai-ugnay ang pang-unawa kung gaano na tayo kalapit sa nakatakdang oras? Isa lang ang tiyak—ang lahat ay unti-unting gumuguho na, hanggang sa abot ng tingin ng ating pang-unawa.

 

Mahal na kaibigan, pakinggan mo kung ano ang sinabi ng Banal na Espiritu sa akin tungkol sa mga araw na ito. Lima lamang na munting salita, ngunit lubos na makapangyarihan na pumukaw sa akin para sa isang dakilang bagong pag-asa at pananalig. Ang limang munting mga salitang ito ay: Ang lahat ay nasa pangangalaga ng Diyos! Kung may tiwala ka sa Diyos, kaya mong harapin ang lahat ng kapahamakan at ipahayag ng may pananalig, “Ang Diyos ko ay nangungusap sa sansinukuban na ito at ang kanyang kapangyarihan ay ipinamalas. Ako ay tatayo at titingnan ang kaligtasan ng Panginoon.”

 

Ang lahat ay nasa pangangalaga ng Diyos, at tayo ay nasa pangangalaga niya. Ang pahayag ng Diyos sa mga oras na ito ay: “Sapagkat hindi espiritu ng kaduwagan ang ibinigay sa atin ng Diyos kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at pagpipigil sa sarili” (2 Timoteo 1:7).