Miyerkules, Agosto 12, 2009

ANG ATING MINISTERYO

“Tayong lahat ang nagiging sinag ng kaningningan ng Panginoon. At ang kaningningang iyon na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang bumabago sa ating anyo upang lalong maging maningning, hanggang sa maging mistulang larawan niya” (2 Corinto 3:18). Ano ang ibig sabihin na pagmasdan ang kaluwalhatian ng Panginoon? Si Pablo ay nagsasabi dito ng banal at nakasentrong pagsamba. Ito ang panahon na ibigay sa Diyos na pagmasdan siya. At madaliang idinagdag ng apostol, “Hinirang niya ako para sa gawaing ito kaya naman malakas ang aking loob” (4:1). Nilinaw ni Pablo na ang pagmasdan ang mukha ni Kristo ay isang gawain na dapat nating lahat na italaga.

 

Ang salitang Griyego ng pagmasdan sa bersong ito ay isang mabigat na pangungusap. Ito ay nagpapahiwatig ng hindi basta pagtingin, kundi “pirmihang pagtitig.” Nangangahulugan itong pagpapasiya, “Hindi ako kikilos sa kinalaglayan ko. Bago ako gumawa ng anumang bagay, bago ko subukan makatapos ng isang bagay, kailangang ako ay nasa presensiya ng Diyos.”

 

Maraming Kristiyano ay nagbigay ng maling kahulugan sa katagang “pagmasdan kahalintulad sa salamin” (3:18). Inisip nila na isang salamin, na may mukha ni Hesus na tumalbog pabalik sa kanila. Ngunit hindi ito ang pakahulugan ni Pablo dito. Sinasabi niya dito ay isang masidhing nakasentrong pagmamasid, na animo’y pagtinging mabuti sa isang bagay na taimtim lubusan sa salamin, pinagpipilitang makita na mas malinaw. Kailangang itutok natin ang ating mga mata sa ganitong paraan, yari ang loob na makita ang kaluwalhatian ng Diyos sa mukha ni Kristo. Kailangang isara natin ang ating mga sarili sa pinakabanal ng mga banal, na may isang pagkahumaling: masidhing pagtitig, at makipagtalamitan na may paglilingkod, na tayo’y binago

 

Ang salitang Griyego dito para sa binago ay “magbagong anyo,” may kahulugang “binago, binagong anyo, pagbabagong anyo.” Ang lahat na madalas na magtungo sa pinakabanal ng mga banal at masidhing itinutok ang pagtitig kay Kristo ay pinagbabagong anyo. Ang pagbabagong anyo ay nagaganap. Ang taong iyon ay patuloy na binabago kahalintulad at sa katangian ni Hesus.

 

Marahil madalas kang lumalapit sa presensiya ng Panginoon. Gayunman hindi mo nararamdaman ang pagbabago sa sarili mo dahil umuubos ka ng panahon na ikaw ay sarado sa kanya. Sinasabi ko sa iyo, malalaman mo ang pagbabago ay nagaganap. Isang bagay ay tiyak na nangyayari, sapagkat walang sinuman ang patuloy na nakamasid sa kaluwalhatian ni Kristo na hindi binago. Itala ang huling kataga sa pangungusap ni Pablo: “Tayong lahat…ang nagiging sinag ng kaningningan ng Panginoon. At ang kaningningang iyon na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu” (aking italika 3:18). Ngayon itala ang sumunod na berso: ang Panginoong  binabanggit dito ay ang Espiritu ng Panginoon, at kung saan naroon ang Espiritu ng Panginoon, naroroon din ang kalayaan” (3:17)

 

Nakita mo ba kung ano ang sinasabi ni Pablo dito? Sinasabi niya sa atin, “Kapag pinagmamasdan mo ang mukha ni Kristo, mayroong kalayaang dapat baguhin.” Kapag tayo ay nasa presensiya niya, binibigyan natin ang Espiritu ng kalayaan na pangasiwaan ang ating mga buhay, na gumawa kasama tayo na katulad niya. Ito ay isang kilos ng pagsuko na nagsasabi, “Panginoon, ang kalooban ko ay iyo. Anuman ang mangyari, baguhin mo ako kahalintulad ng larawan ni Hesus.”