Pagkatapos ng mahabang pagpaparangal sa Salita ng Diyos, ay winakasan ni David ang Awit 119 sa bersong ito: “
Sinasabi ni David na may kakanyahan, “Nakikiusap ako, Panginoon, hanapin mo ako, katulad ng paghahanap ng pastol sa isang nawawalang tupa. Sa kabila nang aking kaalaman sa Kasulatan, pangangaral at mahabang kasaysayan kasama ka, kahit paano ako’y naligaw mula sa iyong pag-ibig. Nawala ko ang kapahingahan sa iyo na dating mayroon ako. Lahat ng aking binalak ay nabigo. Ngayon napag-alaman ko na ako ay lubos na nanghihina. Lumapit ka sa akin, Ama ko. Hanapin mo ako mula dito sa nakakatakot, tuyot na pook. Hindi kita makita sa pangsarili kong paraan. Kailangan hanapin mo ako. Nananalig ako na ang Salita mo ay totoo.
Alam ni David na naligaw siya mula sa kapahingahan sa Diyos. Alam niya na ang pag-ibig ng Panginoon ay dapat na inilimbag sa puso niya sa panahon ng kanyang mga nakalipas na kapighatian. Ngunit ngayon, muli pa, nalimutan niya ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos para sa kanya. Kayat isinigaw niya sa Panginoon, nanikluhod siyang hanapin ang kanyang naligaw na lingkod.
Ngayon ang pastol ay muling naghanap kay David. At habang narinig ni David na tinawag ang pangalan niya, muling guminhawa ang puso niya. Napag-alaman niya, “Kilala ako ng pastol ko sa aking panagalan.” Nakita ni David ang sarili niya na inakay pababa patungo sa luntiang lambak. At muli narating niya ang luntiang pastulan sa ibaba. Sinabi ni Jehova Rohi sa kanya (Ang Panginoon ang Pastol ko), “Humiga ka na, matulog ka, at ipahinga mo ang iyong pagal na kaluluwa.
Mahalaga na itala dito na ang mga kalagayan ni David ay hindi nagbago. Katunayan, sinabi ng Kasulatan na ang mga kaaway na gumulo kay David ay nadagdagan (Awit 3:1). Ngunit si David ay muling nanumbalik sa pag-ibig ng Diyos. Ngayon sinasabi niya, “Yamang kaligtasa’y nagbuhat sa iyo, pagpalain kami na mga anak mo” (3:8). Pinatunayan niya, “Wala nang sariling pagbabalak. Wala nang gabing walang-tulog, nagsusumikap na ayusin ang mga bagay-bagay. Ako’y sabik na manumbalik sa pag-ibig ng aking pastol. Malugod kong tinatanggap ang kanyang bukas na mga kamay para sa akin. At ako’y hihimlay sa kanyang kapahingahan. Ako’y mahimbing na makakatulog sa kanyang ganap na pag-ibig sa akin.”