Hayaan ninyong kilalanin ko ng malinaw ang pagkakaiba ng pagkapalalo at pagpapakumbaba.
Ang taong mapagpakumbaba ay hindi isang tao na iniisip na maliit ang kanyang pagkatao, nakayuko ang ulo at sinasabing. “Ako’y walang halaga.” Kundi, isa siyang nakasandal ng lubos sa Panginoon sa lahat ng bagay, sa bawat kalagayan. Alam niya na ang Panginoon ang mangunguna sa kanya, magbibigay-kapangyarihan sa kanya, magbibigay-buhay sa kanya—at mamatay siya kung wala ang mga iyon!
Ang palalong tao, sa isang banda, ay isang may pag-ibig sa Diyos sa itsura, ngunit siya ay kumikilos at nag-iisip na pansarili. Sa ugat nito, ang pagkapalalo ay isang kalayaang malayo sa Diyos, at ang palalong tao ay gumagawa ng mga pasiya ayon sa kanyang sariling katwiran, kaalaman at kakayahan. Sinabi niya, “Binigyan ako ng Diyos ng mabuting pag-iisip at inaasahan niya na gagamitin ko ito. Kahangalan ang humingi sa kanya ng katuruan sa bawat bahagi ng buhay.”
Ang taong ito ay hidi maaring turuan sapagkat “alam na niya ang lahat.” Maaring makinig siya sa isang nakakataas sa kanya na may kapangyarihan o mas kilala kaysa sa kanya--ngunit hindi sa isang mas nakakababa sa kanya.
Walang isa mang salita na tinanggap ng isang palalo ay galing sa Diyos! Hindi maari sa kanya ang maghusga ng makatwirang paghuhusga—hindi maari magsalita ng kaisipan ng Diyos—sapagkat ang Banal na Espiritu ay wala sa kanya upang magpatunay ng katotohanan. “May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito” (Kawikaan 14:12)
Ang pagkapalalo ay isang kalayaan-ang pagpapakumbaba ay pagtitiwala. Ang mapagkumbabang Kristiyano ay isang hindi kumikilos, hindi nagpapasiya, na walang payo mula sa Diyos. Ang kasulatan ay nagsabi ang mga hakbang ng makatuwiran ay iniutos ng Panginoon, ngunit hindi siya maaring mag-utos ng hakbang ng may kasarinlang espiritu. Ito lahat ang sinasabi—nais ng Diyos ang lubos na pangangasiwa—ibigay ito sa kanya.
“Ang Diyos ay laban sa mga palalo, ngunit tumutulong sa mga mapagkumbaba” (